Chapter 32: Dean's Twin

5K 104 0
                                    

Chapter 32: Dean's Twin

Sophia's Point of View

Isang tahimik na gabi ang nabulabog dahil sa sigaw ni Ate Narrisa mula sa office niya dito sa bahay nila. Napailing nalang kami. Pagkatapos ng isang linggo pagkawala ni Kuya Wynd ay ito siya ngayon kasama si Kuya Trale at sinesermonan ni Ate Narrisa.

Eleven pm na at kakauwi lang nila. Kaninang eight pa sila hinahanap ni Ate Narrisa sa hindi ko malamang kadahilanan. At pagkauwi nga nila ay ganito ang nangyari.

"What's that noise, is it Ate again?" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng may magsalita doon.

"Hayes? Hunter? What are you doing here?" Anomg ginagawa ng dalawang kambal na ito dito? I mean, I know nasa Washington sila kasama ang mga parents namin. At doon din sila nag-aaral, pero ito sila ngayon. Eleven na ng gabi at nakatayo silang dalawa sa pintuan. Wearing an evil grin. Jeez, good luck Ate Narrisa for another pair of headache.

Ice Hunter Dean and Winter Hayes Dean the twin of Dean family. Ang dalawang tao na magkasundo lahat sa kalokohan kahit na magkaibang-magkaiba ang mga pag-uugali nila. At hindi halatang kambal sila ah. Hindi kasi talaga sila magkamukha.

Banned sila dito dahil minsan na nilang nagalit si Ate Narrisa. Galit na galit noon si Ate Narrisa dahil tinago nila ang mga papers niya. Kaya agad-agad ay nagpa-book kami ng flight noon para maipadala namin sila sa Washington para doon na mag-aral. Noong una ay ayaw ng parents nila dahil hindi nila alam ang dahilan. Pero noong sinabi namin na galit na galit si Ate Narrisa sa dalawa ay agad silang um-oo.

Kapag kasi hindi pa sila umalis noon ay siguradong nakasabit na sila ng pabaliktad sa puno. Literally. At ngayon, wrong timing ang kambal. Masamang panahon ito para sa amin.

"Well, dito na ulit kami titira! Kasi pinapauwi na kami nina Mom and Dad! By the way, where's my brother Wynd?" Hindi na namin siya sinagot. Sa halip ay tumingin nalang kami sa direction ng office ni Ate Narrisa.

"Get out!" Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sa amin sina Kuya Trale at Kuya Wynd... na ngiting-ngiting? At naghi-five pa sa isa't-isa. What's going on with this two? May hindi ba sila sinasabi sa amin?

"Hayes, Hunter come here." Agad na pumasok si Ate Narrisa ng office niya at sumunod naman ang kambal. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay agad kaming napatingin kina Kuya Wynd at Kuya Trale na palabas na ng mansion ng mga Dean.

"Trale and Wynd. You two are banned. You can't leave the house without my permission." Tumingin kami kay Ate Narrisa na nakatayo sa pintuan niya. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin kina Kuya Trale at Kuya Wynd na nasa malapit na pinto na at malapit ng makalabas ng bahay.

"Aish! Wae? (Why)" Halata sa boses ni Kuya Trale ang pagkadismaya niya kaya hindi na niya naiwasang hindi magsalita ng Hangul.

"Because I said so. And right! The two of you need to see something. About the mission of Sonyeondan." Pagkasabing-pagkasabi nun ni Ate Narrisa ay biglang sumeryoso ang expression ni Kuya Trale at Kuya Wynd.

Mukhang malaki ang problema sa gang na iyon kaya ganoon nalang ang naging reaction nina Kuya Wynd at Kuya Trale nang sabihin ni Ate Narrisa ang pangalan ng gang.

"And all of you, sleep here. Walang pasok bukas due to some seminars. May pagmi-meeting-an rin tayo tomorrow. Pahinga na kayo. Kakausapin ko lang ang kambal." Magkaksama kaming nga girls sa isang room. May mga bed naman doon na sinadya para sa amin talaga. At ganoon din ang mga boys sa kabila.

I'm curious. Kailan pa naging super close sina Kuya Trale and Kuya Wynd?

Narrisa's Point of View

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon