Chapter 42: Foundation Day

3.8K 74 6
                                    

Chapter 42: Foundation Day

***Part 3 - Party***

Summer's Point of View

Napangiti na lang ako at hindi ako makapagsulat ng maayos. Pinaikot-ikot ko ang ballpen na nakuha ko kanina sa isang booth. May design na Doraemon at may blue na feather.

Tumingin ako sa side ko at nakita ko sina Saturn and Venus. Ang dalawang stuff toy na binigay niya kanina, regalo niya daw. Binantaan niya pa ako na huwag silang imi-misplace dahil malalagot daw ako sa kanya.

Sinabi naman ni Wynter na kinuha daw iyon ni Wynd sa isang machine kung saan naghuhulog ng token. Nakasampung try daw si Wynd bago niya nakuha ang dalawa. Napangiti na lang ako, magaling pala siya sa larong 'yon.

Buong gabi ay nakatitig lang ako sa mga star na nasa ceiling ko. Pinatay ko ang ilaw para makita ko ang ilaw na nagmumula sa mga ito. Hindi maalis sa labi ko ang ngiti dahil sa sobrang saya. Niyakap ko sina Saturn at Venus. At gumulong-gulong ako sa higaan ko.

"Take care of them. They are our children." Napatawa na lang ako bigla nang maalala ko ang mga sinabi niya. Ehem! Paalala niya pala, ay mali, yung pagbabanta niya pala.

"Aray!" Napangiwi na lang ako nang mahulog ako sa floor dahil sa kakagulong ko. Pero dali-dali akong tumayo at binagsak ang sarili sa kama.

Kinabukan ay late na akong pumasok dahil hindi ako nagising nang tumunog ang alarm ko dahil sa puyat ako. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog, basta ang alam ko ay madaling araw na iyon.

"Summer!" Lumingon ako nang marinig ko ang boses ni JC. Naka-chef uniform siya at may dalawang basket na dala. Tumakbo ako papunta sa kanya at kinuha sa kanya ang isang basket.

"Marami bang customer sa café?" Tumango siya matapos niyang punasan ang pawis na tumulo mula sa noo niya hanggang sa pisngi.

Habang naglalakad kami papunta sa café ay walang ibang ginawa si JC kung hindi ang asarin ako. "Kinikilig talaga ako sa inyo ni Kuya Wynd! Tapos hanggang ngayon ay hindi ko ma-imagine na ngumiti siya, yung as in ngumiti siya ng hindi pilit! Ikaw lang ang nakagawa ng ganyan Summer, proud na proud kami sa sarili namin kagabi dahil kaibigan ka namin. Hindi nga namin alam kung bakit hindi kami tumili eh."

Nagtatawanan kami ni JC nang makasalubong namin si Michael. Kinuha sa amin ni Michael ang dalwang basket na dala namin. Tumingin ako kay JC at nakita kong namumula ang mukha niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang sila na. I mean, engage na sila. And napaamo ni JC ang isang Michael Aguilar na isang playboy. Siguro sa ibang araw ko na lang kukulitin si JC at ipapakwento sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Michael ng wala ako.

Nagtaka kami ni JC nang magpaalam kaagad si Michael matapos niya kaming ihatid sa café. Wala rin ang ibang boys dito. Tinanong ko si Nathalie at ang sabi niya ay may ginagawa daw sila, pero hindi niya alam kung ano. Nang mag-twelve o'clock na ay nagsara na kami para mag-ipon ng energy bukas since fourth day na at io-open na ang gate para sa mga outsider bukas.

Nilagay namin sa basket ang mga sumobrang mga bake products, mga drinks at binigay sa iba naming mga classmates ang iba. Pumunta na lang kami sa headquarters dahil hindi namin makita ang mga boys. Tinira namin sila ng mga dala namin habang nagkalat kaming mga girls sa sofa at sa carpeted floor.

Natutulog na sina Alice, JC at Nathalie, habang papikit-pikit na si Sophia nang dumating ang mga boys. Hindi ko sila pinansin at pumikit. Napasimangot ako dahil kahit na air condition ang headquarter ay naiinitan pa rin ako. Kaya ang ginawa ko ay gumulong ako paalis sa carpeted floor at pumunta sa malapit na sofa at nilihis ng konti ang carpet at doon humiga. Ah, ang lamig, haha.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now