* * *

"Sh*t! Kailangan ko ng umuwi!" Lahat ay napalingon sa biglang pagpapanic ni Siemon.

"Oh! Anong problema buddy?" Tanong agad ni Cairo.

"Kakatext lang sakin ni Manang. Nagwawala na naman si Sienna."

"Yang kakambal mo, madalas talagang may sapi ano?" Pang aasar ni Damian.

"For sure may gusto na naman to na hindi napagbigyan nila daddy. Sige na! Delikado na mga katulong namin sa bahay."

Halos lahat ay nagpipigil ng tawa. Siemon look so worried pero nagawa nya pa rin magbiro. Unbelievable.

Lahat ay nagpaalaman na at mukhang may kanya kanya pang dapat gawin kahit na dis oras na ng gabi.

"Let's go?"

"Huh?"

"Isay, ihahatid na kita sa hacienda nyo."

"No! I can go there on my own."

Diretcho lang ang pagkakatitig ko kay Keeno. Medyo may pagtataka pa sa mukha nya lalo ng agad akong tumutol.

Keeno has always been the "kuya" of the group. He takes good care sa aming apat na babae at sya na rin ang tumatayong disiplinarian ng mga lalake. He's just amazing in so many ways.

"Pero gabi na! Ihahatid lang naman kita. As always naman diba?"

I looked away. Tama sya. He does take me home most of the time lalo na pag ganitong galing kami sa galaan at wala akong dalang sasakyan. Automatic na sya ang maghahatid sa akin dahil wala akong ibang masasabayan. Nakahiwalay ang daan papunta sa bahay kahit sa hacienda.

"Okay ka lang Isay?"

"Uhm.. Sorry Keeno! Anyway, sige. Pahatid nalang."

"Is there something wrong? You know you can tell me anything."

"Yeah. I know. Pero wala naman. Let's go!"

Wala. Wala kang problema Isay. Hindi ka naman nagkakaganito dahil akala mo na si Zancho ang magaalok na ihatid ka pauwi. 'Di ba?

Hindi ka naiinis kasi akala mo makakasabay mo syang maglakad pauwi. Na makakausap mo sya at mapapangiti ka nya kahit nakakainis na sya. Yup! He's not the reason.

"Hey! Sandali lang."

Nakahalukipkip akong lumingon agad. The tone of his voice is so familiar. And when i hear it, agad kong hinahanap ang mukha nya. Am i crazy?

"Keeno! Pare. Ako nalang maghahatid kay Isay!"

Para syang tanga na abot tenga ang ngiti. Lumalabas pa ang dimples nya na talagang di ko naiiwasang di makita.

"Zancho, Are you sure--"

"Oo naman! Sige na! Umuwi ka na. Gabi na oh! Delikado pa."

Napangisi ako sa hangin. Masyado syang halata. Halata na gusto ng paalisin si Keeno. At si loko naman, takang taka lang sa kinikilos nitong si Zancho.

"Uhh.. Ok? Sige. Ikaw nang bahala kay Isay. Ingat kayo pauwi!"

"Walang problema buddy! Ikaw rin magingat ka! Madilim na. Singkit ka pa naman."

Di ko napigilang mapatakip sa bibig ko at mapangiti. Sira ulo talaga. Pero sa totoo lang, may point naman talaga sya.

Hinintay muna namin na makaalis si Keeno. Actually, ang layo na nya pero wala parin kumikilos saming dalawa.

"C'mon!"

Agad kinuha ni Zancho ang kamay ko ng magsimula na kong maglakad.

"Mag tricycle nalang tayo."

US2: Her Doubt [SPG]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ