Chapter 1 [My BrokenHearted Fantasy]

169K 2K 595
                                    

 ~Daniel’s POV~ 

 

Dear Princess,

       Mahigit isang taon na din, mahigit isang taon na nung na.realize ko na mahal na pala kita. Mahigit isang taon na nung inamin ko sa sarili ko na hindi ko na kaya pang lokohin ang sarili ko. Trust me, I tried to forget my feelings for you, pero di ko kaya e. Mahal na mahal talaga kita. Mahal na mahal kita kahit ibang lalake ang nakikita ng mga mata mo. Kahit para sayo, kaibigan lang ako. Ilang araw na din ang nakakaraan nung muntik ko ng sabihin sayo na “Mahal Kita” na kung pwede “Akin ka nalang”. Na sa piling ko kahit kelan di ka iiyak, hindi kita sasaktan. Pero hindi ko nanaman nagawa, dahil natatakot ako. Takot ako na baka mawala ka saken, kahit isang pag kakaibigan lang naman ang pinanghahawakan ko. Sinusubukan ko namang iparamdam sayo e, pero kahit kelan di mo yun napansin. Siguro nga dahil hindi pag mamahal ko ang gusto mong makita o maramdaman. Kaya kahit anung gawin ko, balewala parin lahat. Pero ayos lang, MAHAL KITA e. Tanggap ko naman sa sarili ko na iba ang mahal mo. Pangarap kita, pero iba ang pangarap mo.

     Alam ko dadating din ang panahon na masasabi ko sayo ang lahat. Masasabi ko sayo na mahal kita habang nakatingin sa mga mata mo. Dadating din ang panahon na yun. Ang panahon kung kelan handa na ako, hindi lang para aminin ang nararamdaman ko, kundi maging handa rin sa pag tanggi mo sa pagmamahal ko. Pag dating ng araw na yun, buong puso kong sasabihin sayo na, okay lang. Okay lang kung di mo ko kayang mahalin, its already enough for me TO KEEP YOU INSIDE MY HEART kasama ng pag mamahal ko sayo na kahit kelan di mag babago..                                                  

                                                                                                              

                                                                                                               -BatMan-

*******************************************

(Flash Back)

*knock* *knock* *knock*

 

“Mr. Padilla! Mr. patpatin! Mr. butiki”

Hai nako! Parang alam ko na kung sino tong maingay na to. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko, at di nga ako nag kamali, si Kathryn nanaman.

“Kath naman, agang aga nandito ka nanaman?” reklamo ko sakanya pero dire.diretsyo lang sya sa loob ng kwarto ko.

“anu? Maarte ka pa! e araw araw naman ako nandito a?!” sagot naman nya. Hahaha oo nga pala :))))

Nakatayo ako sa pintuan habang sya naka upo sa kama ko…

“butiki :( tingin mo ba mahal talaga ko ni Albie?” kaya naman pala nandito to e! LQ nanaman sila ng magaling nyang boyfriend. HMP!


“alam mo Kath….” habang papalapit sa kama “kahit muka kang unggoy, e siguro naman mahal ka nun” sabay akbay..

My Princess :) :* [KathNiel <3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon