Chapter 20 part 4

33.9K 725 58
                                    


HINDI mawala-wala ang pagkamangha ni Janice habang pinagmamasdan ang napakagandang view sa hotel na tinutuluyan nila sa New York City para sa honeymoon nila ni Martin na ngayon nga ay asawa na. Hindi pa rin siya magawang makapaniwala na nakatungtong siya sa bansang ito na dati ay pinapangarap lamang.

“Nagustuhan mo ba ang regalo ko?” tanong ni Martin mula sa likod. Iniyakap ng asawa ang mga braso sa kanyang baywang at ipinatong ang baba sa balikat niya.

Isinandal ni Janice ang likod sa matipunong katawan ng lalaki. “Hindi mo naman kailangang gumastos ng ganito kalaki. Ayos na sa akin ang—”

“Gusto ko ang best para sa pinakamamahal kong asawa,” putol ni Martin, isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. “Pero hindi ba dapat, pagbigyan mo muna ako? Bukas na tayo mamasyal, okay?”

Mahinang napatawa si Janice. Nararamdaman niya na nga ang naghuhumindig na pagkalalaki ng asawa sa kanyang pang-upo. Nakasuot lang siya ng manipis na lingerie na binili pa para sa gabing ito.

Pumihit siya paharap sa asawa. Wala na itong kahit anong saplot sa katawan. Handang-handa na talaga para sa unang gabi nila bilang mag-asawa.

“May regalo pa ako sa ‘yo,” aniya. “Kukunin ko lang sa pouch ko, okay?”

Narinig niya pa ang naiinis na pagbuntong-hininga ni Martin nang lumakad siya patungo sa kinaroroonan ng pouch. Sumunod sa kanya ang asawa.

Humugot muna ng malalim na hininga si Janice bago inilabas sa pouch ang pinakatatagong regalo dito. Pinilit niyang itago sa lalaki ang patungkol dito sa loob ng ilang araw.

“Ano ba ‘yan, hmm?” tanong pa ni Martin. Tiningnan nito ang hawak-hawak niya.

Inilipat ni Janice ang tingin sa asawa at nakita ang matinding pagkagulat na bumahid sa guwapong mukha nito. He was as still as a stone for a long while. Hindi maalis-alis ang tingin sa pregnancy test na hawak niya. Dalawa ang guhit doon.

Humakbang paatras si Martin at tila hinang-hinang naupo sa ibabaw ng kama. “G-gaano katagal na?” tanong nito.

Lumapit siya sa asawa. “S-six weeks... g-galing na rin ako sa doktor b-bago ang kasal.”

Tumingin sa kanya si Martin. Ilang sandaling nakatitig lamang ito sa kanya bago gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi. “N-nakabuo na tayo? Sa wakas?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.

Sunod-sunod ang pagtango ni Janice. Hindi na rin napigilan ang mapangiti.

Tumawa na si Martin at pabagsak na nahiga sa kama. “Oh, God. Magiging daddy na ako.”

Umaapaw sa matinding kaligayahan ang kanyang puso habang nakatingin sa asawa. There was too much joy in his face that she wanted to cry. Sumampa siya sa kama at pumaibabaw sa lalaki. Sandaling nagtitigan lamang ang kanilang mga mata, nag-uusap ang mga puso.

“Gusto mo ba ng baby girl?” masuyong tanong ni Martin. “Para katulad ni Krissa?”

Tumango si Janice. “Ayos din ang baby boy, lalo na ‘pag kamukha mo.”

Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Martin, ang kislap sa itim na mga mata. Humugot ito ng malalim na hininga. Ang mga kamay ay marahang hinuhubad ang lingerie na tanging tumataklob sa kanyang katawan. “You go on top now, baby,” masuyong bulong nito. “Be gentle. Hindi ko gustong masaktan ang magiging baby natin.”

Mahinang tumawa si Janice. Ito pa talaga ang nagawang mag-utos ng ganoon.

Tiningnan niya si Martin. She loved the dominant part of him. And she loved the way he was also submissive just for her.

“You are so beautiful, Janice,” magaspang na bulong nito, punong-puno ng paghanga, pagnanasa at pagmamahal ang itim na mga mata.

Nginitian niya ang asawa at dinampian ng halik ang mga labi nito. “Mahal na mahal kita, Martin,” puno ng pagmamahal na bulong niya.

“At mahal na mahal din kita, kayo ng magiging anak natin,” ganting bulong ni Martin bago mainit na tinugon ang kanyang halik.

- THE END -

A/N: Thank you for reading this story. Please keep on sharing. :)

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now