Chapter 15 Part 2

21K 458 7
                                    

NASA loob ng isang restaurant ng isang resort sa Laguna sina Janice at Stefie nang gabing iyon para maghapunan. Kasama rin nila sa table ang asawa ng kaibigan na si Bernard Buenaventura. Kanina ay namasyal lamang sila ni Stefie habang nasa meeting ang asawa nito, naglangoy din sa pool na naroroon at sumubok ng iba’t ibang activities.
“Nandito na pala siya,” mayamaya ay wika ni Bernard. Tumayo ito at sinalubong ang babagong dating na lalaki. “Pare, kilala mo na naman ang asawa ko, ‘di ba? Si Stefie. At ito naman ang kaibigan niyang si Janice Perez.”
Tumingin sa kanya ang lalaking bagong dating. Inilahad nito ang isang kamay. “Nice to meet you. Ako nga pala si Amiel Galvez.”
Tinanggap ni Janice ang pakikipagkamay ng binata. Nagulat pa ng itaas iyon ni Amiel para mahalikan ang likod ng kanyang palad. Mabilis niyang binawi ang kamay.
Guwapo naman si Amiel Galvez. Maganda rin ang pangangatawan nito. Halatang kaibigan nga ni Bernard. Pero hindi maintindihan ni Janice kung bakit tila nawala na ang interes niya sa ibang mga lalaki nitong nakaraang mga buwan. Na para bang si Martin lang ang nais niyang makasama.
“Sumabay ka na sa aming mag-dinner, Amiel,” wika ni Stefie mayamaya. “Si Janice ang babaeng tinutukoy ko na ipapakilala sa ‘yo. Sana magkaroon kayo ng time na magkakilanlan pa.” Sumulyap sa kanya ang kaibigan. “Huwag kang mag-alala, Jan. Mabuting tao si Amiel. Kaibigan din siya ni Kuya Martin.”
Natigilan si Janice pero ginawa ang lahat para hindi iyon mapahalata.
“She’s very pretty,” wika pa ni Amiel bago umupo sa tabi niya. Hindi napalampas ni Janice ang pagsulyap ng binata sa parteng dibdib niya.
Nakasuot siya ng isang floral dress na nahahapit ang kanyang dibdib. Hindi niya intensyon na makakuha ng atensyon, iyon lang kasi ang damit na mayroon siya na babagay sa lugar. Hindi naman puwedeng mag-pantalon at T-shirt lamang siya.
Sa loob ng buong dinner ay hindi siya gaanong nagsasalita, sumasagot lamang sa mga tanong. It was nice being with other people but she missed Martin so much already. Hindi man lang ito tumawag sa kanya ngayong araw.
Muli na namang bumalik sa kanyang alaala ang naging pag-uusap nila ni Andreah kanina. Gagawin ng babae ang lahat para makuha uli ang atensyon at interes ni Martin. Hindi kaila sa kanya na matagal ang naging relasyon ng mga ito. Hindi imposible na magtagumpay si Andreah.
“Si Kuya ba 'yon?” Narinig niyang wika ni Stefie.
Kumunot ang noo ni Janice at sinundan ng tingin ang tinitingnan ng mga ito, ganoon na lamang ang pagkagulat nang makilala ang lalaking papalapit sa table nila – walang iba kundi ang nilalaman ng kanyang isip na si Martin. Nakasuot ang lalaki ng white long-sleeved polo at black trousers, wala na rin sa ayos ang necktie.
Napalunok si Janice. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niyang nakasuot ng formal suit ang nobyo. And he looked so dashing in that. Nakapag-shave na rin ito dahil malinis ang mukha, hindi tulad ng madalas na rugged look nito. Siguro ay kagagaling lamang ng lalaki sa event na pinuntahan.
“Kuya.” Tumayo si Stefie nang makalapit sa table nila si Martin. “A-ano'ng ginagawa mo dito?”
Sumulyap sa kanya si Martin bago sumagot. “May pinuntahan akong isang event, nagkataon naman na malapit lang iyon sa resort na ito. Nagpaalam sa akin si Janice na magpupunta nga kayo rito kaya naisipan kong dumaan.”
“Sinabi sa'yo ni Janice?” Nagtatakang napatingin sa kanya si Stefie.
Iniiwas ni Janice ang tingin sa kaibigan. “D-dapat kasi ay... ay may trabaho ako ngayong araw,” pagdadahilan niya.
“Oh, I see,” ani kaibigan. “Well, bukas ka na rin umuwi, Kuya. You should have some relaxing time as well. Maganda ang resort na ‘to. Kumain ka na ba ng dinner?”
“Oo, kanina pa.” Ibinaling ni Martin ang tingin kay Bernard at Amiel para batiin ang mga ito.
“Ipinakilala ko si Amiel kay Janice, Kuya,” mayamaya ay wika ni Stefie, may pagkasabik sa tono. “They’re both single. At isinet ko rin ang gabing ito para magkakilanlan pa sila, like a date.”
Gustong patigilin ni Janice ang kaibigan pero hindi naman magawa. Hindi rin niya magawang iangat ang ulo.
“Stefie,” tinig iyon ni Bernard na para bang sinasaway ang asawa.
“What’s wrong with you, Bernard?” nagtatampong tanong ni Stefie sa asawa. “Wala naman masamang ihanap ko ng partner ang best friend ko, ‘di ba? Tutal hindi nagtagumpay ang plano ko noon kay Kuya Martin. Hindi niya nga ikinuwento sa akin kung sinipot niya ba ang ka-blind date noon.”
Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Amiel. “Wala naman sigurong masama kung pagbigyan natin si Stefie, hindi ba, Janice?” tanong nito sa kanya.
Pakiramdam ni Janice ay mawawalan na siya ng malay ng mga sandaling iyon. Bakit ba pumayag pa siya sa trip na ito? At bakit kailangang magpunta rin dito si Martin? Ano na lang ang iisipin ng nobyo? Na tumatanggap pa rin siya ng date hanggang ngayon?
“That’s good, then,” ani Stefie. “So iwan na muna namin kayo ditong dalawa. Doon lang kami sa bar.”
Napatingala na si Janice nang tumayo si Stefie, kasabay si Bernard. Pero agad na nasalubong ng tingin niya ang mga mata ni Martin. Wala siyang nakitang emosyon sa mga matang iyon, just pure coldness. At mas higit siyang nakaramdam ng kaba dahil doon.
Akmang tatayo rin siya nang hilahin na ni Stefie ang kapatid nito. “Kuya, come on. Let’s leave them to get to know each other. Marami akong ikukuwento sa ‘yo patungkol sa pamangkin mong si Niel.”
Sinundan niya na lamang ng tingin ang mga ito hanggang sa makalakad palayo. Nanghihinang napabuntong-hininga si Janice. Hindi niya na alam ang gagawin.
“Hindi mo ba gustong makasama ako?” narinig pa niyang tanong ni Amiel.
Napilitan siyang tingnan ang binata. “H-hindi naman... h-hindi lang ako sanay sa ganito.”
Ngumiti si Amiel. “I want to know you more. Masaya ako na pumayag ako sa imbitasyon ni Stefie. Para ko na rin siyang kapatid dahil kaibigan ko ang kuya niya.”
Boyfriend ko ang kuya niya. Gusto sanang sabihin ni Janice iyon pero pinigilan ang sarili. Hinayaan niya na lamang na magsalita ang binata.
“Gusto mo bang sumayaw?” mayamaya ay narinig niyang alok ni Amiel.
Napatingin si Janice sa isang parte ng restaurant kung saan may ilang mga couples ang nagsasayaw. Tatanggi sana siya pero nahawakan na ni Amiel ang kanyang kamay. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa binata hanggang sa makarating sa dance floor.
Napilitan siyang ipatong ang mga kamay sa balikat nito, iniiwas ang mga mata sa matiim na pagtitig ng binata. Natuon ang paningin ni Janice sa bar part ng restaurant at nakita roon si Martin. Nakaupo ito sa isa sa mga bar stool habang umiinom ng wine. Nakatingin din sa kinaroroonan niya ang nobyo.
Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatitig lamang siya sa kinaroroonan ni Martin, hindi naiintindihan kung anuman ang sinasabi ng kasayaw. Ilang beses niya pang natapakan si Amiel at agad na humihingi ng pasensiya rito.
Hinapit siya ni Amiel sa baywang, dahilan kaya mariing lumapat ang mga dibdib niya sa dibdib nito. Gulat siyang napatingin sa lalaki. What was this man doing?!
“You seem distracted, sweetie,” anas ni Amiel.
Sweetie? Really, this man was obviously a player. Well, ano pa bang ie-expect niya sa mga kaibigan nina Martin at Bernard? Ibinaba niya ang mga kamay sa dibdib ng binata at itinulak ito palayo.
“P-pupunta lang ako sa restroom,” paalam niya at dali-daling naglakad palayo. Wala na siyang pakialam kahit tawagin pa nito.
Dalawa lang ang restroom ng restaurant na iyon – para sa lalaki at babae. Laking pasasalamat ni Janice dahil walang gumagamit sa restroom na para sa babae. Pagkapasok sa loob ay napahawak na siya sa ulo. Hindi dapat talaga siya nagpunta rito.
Ilang minuto pa siguro siyang nanatili sa loob ng restroom nang makarinig ng pagkatok mula sa labas. Inayos muna ni Janice ang nakalugay na buhok bago binuksan ang pinto para sana lumabas. Pero nagulat na lang siya nang makita si Martin.
“A-anong—” Hindi na natapos ni Janice ang sasabihin nang mabilis na pumasok sa loob ng restroom ang nobyo at agad na ini-lock ang pinto.
Hindi pa rin nawawala ang pagkagulat niya. “S-sa babaeng restroom ‘to, M-Martin. B-bakit—” Muli na naman siyang napatigil nang isandal siya ng nobyo sa dingding ng restroom.
Martin grabbed one of her breast and roughly kneaded it. Umawang ang mga labi ni Janice, pinipigilan ang mapaungol ng malakas. Walang sinabing kahit na ano ang lalaki.
Gusto mang tumutol ay hindi na magawa. Alam na alam ni Martin kung ano ang kahinaan niya. He cupped both her breasts and massaged it. Hinayaan lang ni Janice na bahagyang ibaba ng lalaki ang strap ng dress na suot, kasabay ang bra, hanggang sa mahantad dito ang malulusog niyang mga dibdib.
Martin growled and immediately suckled one of her globes. He was suckling so hard it hurt a little. But it felt good as well. Itinaas ni Janice ang isang kamay para haplusin ang buhok ng lalaki. Iniaro niya pa ang kabilang dibdib para pagtuunan din nito ng pansin.
Baliw na nga siguro siya at hinahayaang maganap ang ganito sa pagitan nila sa loob ng women’s restroom ng isang restaurant. Posibleng may kumatok mayamaya, mahuli sila. Pero hindi na gumagana ng matino ang kanyang isipan kaya wala nang pakialam. And the thought of getting caught brought a sense of excitement in her too.
Bahagyang pinag-agwat ni Janice ang mga binti nang maramdaman ang paglalandas ng isang kamay ni Martin sa hita niya. “M-Martin...” bulong niya sa pangalan nito.
Inilipat ni Martin ang mga labi sa kanyang leeg bago pumaitaas sa mga labi niya. They kissed hungrily. Napasinghap pa si Janice nang biglang punitin ng nobyo ang underwear na suot. Subalit hindi na naman nagawang makapag-isip nang lumapat ang isang kamay ng lalaki sa kanyang pagkababae.
Animo nanlambot ang mga tuhod ni Janice dahil sa sensasyong nararamdaman. She was so wet already, his fingers parting her folds before rubbing her swollen nub.
Ipinulupot ni Martin ang isang braso sa baywang niya para marahil hawakan siya. Muling bumalik ang mga labi nito sa kanyang mga dibdib. He kept on suckling alternately, nibbling her hard nipples, making her go crazier with lust. She threw her head back on the wall in pleasure. Impit siyang napaungol nang maramdaman ang pagpasok ng gitnang daliri ni Martin sa loob ng kanyang pagkababae.
“Oh...” Janice’s hips moved back and forth, seeking climax as he slipped another finger. Hindi pa rin tinitigilan ni Martin ang kanyang mga dibdib, ilang sandali lang itong humihinto para sumagap ng hangin.
His fingers curled inside her desire and caught her sensitive spot. Muntik nang mapasigaw si Janice, mabuti na lamang at nakagat niya ng mariin ang pang-ibabang labi. Ipinikit niya ang mga mata nang binilisan ni Martin ang paglalabas-masok ng daliri sa loob ng kanyang pagkababae.
“M-Martin,” she whimpered. “I... I’m gonna... oh gosh...”
“Yes...” anas ni Martin. “Yes, baby...” Iyon ang kauna-unahang salita na lumabas sa mga labi ng nobyo mula pa kanina.
Isinubsob ni Janice ang mukha sa buhok ng lalaki, pilit na pinipigilan ang mapaungol ng malakas. She could feel her womb tightening, her toes tingling. Hanggang sa hindi nagtagal ay naabot niya na ang kasukdulan. Her insides clenched Martin’s fingers that kept on thrusting in and out of her.
Tila naubos ang lakas ni Janice nang mga sandaling iyon. Kung hindi lang hawak ni Martin ang baywang niya ay sumalampak na siya ng upo sa sahig.
Martin pulled his fingers out of her and kissed her hard on the lips. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay iminulat na ni Janice ang mga mata. Nakita niya ang pagngisi ng nobyo.
Mahina siyang napaungol. She just had a wonderful climax but she felt aroused again just by the sight of him. Lumabi siya at inabot ang umbok sa gitnang parte ng pantalon ni Martin. His manhood was so hard already. Gusto niyang magpaangkin sa nobyo pero bahagya na itong lumayo.
Inabot ni Martin ang underwear niyang nasa sahig bago isinuksok sa bulsa ng pantalon nitong suot. “Hindi kita puwedeng angkinin dito ngayon, Janice,” magaspang na wika nito. “Dahil alam kong hindi mo na mapipigilan ang mag-ingay.”
Pinamulahan ng mukha si Janice. Inayos niya na lang ang sariling damit. The thought of walking around without her panties was crazy! Hindi niya na rin naman maisusuot iyon dahil nasira na.
Itinaas ni Martin ang isang kamay para masuyong suklayin ang mahaba niyang buhok. “I’ve missed you kaya ako nagpunta rito. Hindi ko naman alam na may date ka pala,” may nahihimigan ng kalamigan sa tinig nito.
“M-Martin, h-hindi ko naman—”
Pinutol ng halik ni Martin ang nais niyang sabihin. “Sinundan kita rito para ipaalala sa iyo ang isang bagay,” bulong nito matapos ang halik. “I am your master, Janice. And you belong to me. Only to me.”
Tumango si Janice. Hindi niya nakakalimutan iyon. “Yes, my master,” usal niya. Lihim siyang napangiti nang makita ang pagtagis ng mga bagang ng nobyo. Alam niyang sobra-sobra itong naaapektuhan kapag tinatawag niya itong ganoon.
Bumuntong-hininga si Martin bago muling lumayo sa kanya. “I’ll be punishing you later.” Iyon lang at lumabas na ng restroom ang lalaki.
Napahawak sa tapat ng kaliwang dibdib si Janice. Sobrang bilis ng kabog niyon dahil sa huling sinabi ng nobyo. She felt suddenly excited. A punishment from her master? She knew it was going to be a pleasurable punishment. Hindi na siya makapaghintay. Mukhang nagselos si Martin dahil kay Amiel at hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kakaibang kasiyahan sa kaisipang iyon.
Pagkalabas ni Janice ng restroom, naglakad siya pabalik sa kinaroroonan ng table nila kanina nina Stefie. Nakaupo pa rin doon si Amiel. Bahagya pa siyang nakaramdam ng pagkailang nang tumayo ito at salubungin siya.
“Natagalan ka yata sa restroom,” ani binata.
“Oh... y-yeah...” Pasimple niyang iginala ang paningin sa paligid para hanapin kung makikita pa si Martin.
“Pasensiya ka na nga pala kung may nagawa akong mali kanina,” wika pa ni Amiel.
Ibinalik ni Janice ang tingin sa lalaki. “Walang problema.” Pinilit niya ang sariling ngitian ito.
“Gusto mo ba munang uminom ng wine? Puwede akong—”
“Actually,” putol niya sa binata. “G-gusto ko na talagang magpahinga. N-napagod din kasi ako kanina sa pamamasyal namin ni Stefie. Pasensiya ka na talaga.”
“Ganoon ba?” Tumango-tango si Amiel pero mababanaag sa mga mata ang disappointment. “Ihahatid na kita sa hotel room mo.”
Hindi na naman tumutol si Janice at hinayaan na lamang na ihatid siya ng binata. Habang nasa daan ay patuloy pa rin sa pagkukuwento ng kung anu-ano si Amiel. Sinabi pa nito na kung nais niya raw ng trabaho ay hiring ang kompanyang pag-aari nito na naka-locate lamang sa Makati. Mukha namang mabuting tao rin ang lalaki, madali ring pakisamahan.
Nang makarating sila sa tapat ng pinto ng hotel room na tinutuluyan niya, hinarap niya na ang binata. “Salamat,” aniya. “It’s nice meeting you, really.”
Ngumiti naman si Amiel. “Same here. Sana magawa pa nating magkita at magkausap minsan. I really want to know you better.”
Ngiti na lamang ang isinagot ni Janice. Hindi niya alam kung paano sasabihin na hindi siya interesado rito. Nagpaalam na siya sa lalaki bago tuluyang pumasok sa loob ng hotel room. Pagkarating sa loob ay agad na niyang hinubad ang suot na floral dress para mag-shower sandali. She still felt a little sticky because of what she and Martin did in the women’s restroom.
Napailing na lamang si Janice. Siguradong tuwing papasok siya sa kahit saang restroom ng restaurant ay si Martin na rin ang kanyang maaalala.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now