Chapter 11 Part 1

21.2K 442 5
                                    

MAINGAT na hinagilap ni Janice ang mga damit na nasa sahig pagkagising kinabukasan. Pulang-pula ang kanyang mukha at hindi pa rin matigil ang malakas na pagtibok ng puso. Pasimple niyang sinulyapan si Martin na himbing pa ring natutulog sa carpeted na sahig. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang katawan nito, bahagya pa ring nakababa ang suot na shorts.
Her stare focused at the semi-erect manhood on his tummy. Gusto niyang ayusin ang suot nitong shorts subalit natatakot na baka magising ang binata. Marahas na ini-iling ni Janice ang ulo. Ano ba itong nagawa niya kasama ang lalaki? Bakit niya hinayaang umabot pa sila sa ganoon?
Inabot ni Janice ang t-shirt ng lalaki na nasa sahig bago marahang itinakip iyon sa katawan nito. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa banyo para ayusin ang sarili. Kailangan niya nang makaalis sa lugar na ito habang hindi pa nagigising si Martin. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang lalaki ngayon.
Pinakatitigan niya ang sarili sa salamin. Her lips was still swollen. Muli na namang bumuhos sa kanyang alaala ang mga labi ni Martin sa bawat parte ng kanyang katawan. Her womb ached once more.
No! Mali ang lahat ng ito, Janice! Ano bang nangyayari sa kanya?! Nababaliw na talaga siya!
Nang matapos sa pagaayos ay agad na rin siyang umalis. Laking pasasalamat niya dahil hindi pa nagigising si Martin. Habang nasa biyahe pauwi, nanatili pa ring nakayuko si Janice. Paulit-ulit lamang sa kanyang isipan ang naganap nang nagdaang gabi. Naaalala niya ang lahat-lahat – ang bawat detalye ng ginawa nila ni Martin.
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang nagwawalang puso. Oo, nakainom nga siya kagabi subalit hindi maaaring isisi niya lamang iyon sa alak. Ginusto niya rin ang nangyari. Yes, she liked it so much. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klase ng kaligayahan sa piling ng isang lalaki.
Pinagsisisihan niya ba iyon ngayong matino na ang kanyang pag-iisip? Hindi. Her heart would always treasure that moment. Hinding-hindi na iyon mawawala pa sa kanyang puso’t isipan kahit na ano pa ang gawin. Pero natatakot siya. Nahihiya. Ano na lamang ang iisipin sa kanya ni Martin kapag umayos na rin ang takbo ng isipan nito? Baka isipin ng lalaki na isa siyang babae na madaling nakukuha tuwing nakakainom ng alak.
Hanggang makarating sa apartment nila sa Manila, hindi pa rin mawala-wala ang kaguluhan sa isipan ni Janice. Mabuti na lamang at wala ang mga kasama niya doon. Magkukulong na lamang muna siya sa loob ng silid.
Pagkahiga sa kama ay hindi na napigilan ni Janice ang mapaluha. What was wrong with her? Bakit ba natatakot siya sa maaaring isipin ni Martin? Paano kung pagsisihan ng binata ang nangyari sa kanila? Paano pa niya magagawang makaharap dito? Paano pa niya magagawang makakapagtrabaho sa lugar nito nang hindi pumapasok sa isipan ang nangyari sa kanila?
Oo, hindi pa nga niya naibigay kay Martin ang lahat kagabi pero hindi pa rin niyon patatahimikin ang bawat araw at gabi niya. Ano pa kaya ang mangyayari kung sakaling naisuko niya ang pagkababae sa binata?
Marahas na ini-iling ni Janice ang ulo. Hindi niya na gustong mag-isip! Napapitlag siya nang marinig ang pagtunog ng cell phone na ipinatong sa gilid ng kama kanina.
Inabot niya ang aparato at ganoon na lamang ang paglundag ng puso nang makita ang pangalan ni Martin. Mabilis niyang tinanggal ang battery ng cell phone. Hindi. Hindi niya pa magagawang makipag-usap sa binata, lalo na ang makaharap ito. Kapag dumating ang mga kasama sa apartment na ito, sasabihin niyang kapag may naghanap sa kanya ay sabihing wala siya doon.
Hindi niya alam kung magagawa pa bang magtrabaho sa poder nito. Natatakot siya na baka mas lalong hindi mapigilan ang sarili kapag napalapit pa ng husto kay Martin Velasco.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now