Chapter 8 Part 2

19.4K 412 17
                                    

ANIMO’Y sasabog na sa matinding kaba ang puso ni Janice nang maihakbang niya ang mga paa papasok sa loob ng bahay ni Martin nang araw na iyon ng Sabado. Matapos ang halik na pinagsaluhan nila noon sa apartment niya ay ngayon pa lamang muli makakaharap ang binata. At hindi niya alam kung paano ito haharapin.
Nang makarating sa living area ay agad niyang nakita si Martin na nakaupo sa couch habang nagbabasa ng kung ano sa hawak na diyaryo. Biglang tumalon ang puso ni Janice sa loob ng dibdib nang tumingin sa kanya ang binata.
Gusto niyang iatras ang mga paa nang makita ang pagtayo ni Martin at paglapit sa kanya. Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito.
“Akala ko hindi ka na darating ngayong araw,” bati sa kanya ng binata.
Lihim na humugot ng malalim na hininga si Janice para kalmahin ang nagwawalang puso. “N-na-traffic lang ako,” pagdadahilan niya. Ang totoo ay kanina pa siyang nag-aalangan na magpunta rito at makita ang lalaki.
“Gusto mo bang kumain muna?” tanong pa ni Martin.
Umiling siya. “H-hindi na, m-magsisimula na akong mag-trabaho.” Akmang lalakad na siya palayo nang pigilan siya ng lalaki sa braso. Napilitan tuloy siyang tumingin dito.
“May problema ba, Janice?” puno ng pagtatakang tanong ni Martin.
Muli ay iniiwas ni Janice ang tingin sa itim na mga mata ng binata. Natatakot siya na makita nito ang kanyang pagkabalisa. “W-wala naman,” nauutal na sagot niya.
Ilang sandaling hindi nagsalita si Martin subalit hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa kanyang braso. “Hindi mo ba naaalala ang nangyari sa atin noong isang gabi?”
Hindi inaasahan ni Janice ang tanong na iyon. Hindi niya inaasahan na uungkatin ng binata ang patungkol sa pangyayaring iyon kaya hindi niya rin alam kung paano magre-react.
Sinubukan niyang bawiin ang brasong hawak nito, ang tingin ay nasa sahig. “W-wala akong maalala,” pagsisinungaling niya.
“Wala kang maalala o hindi mo lang gustong alalahanin?” patuloy na pagtatanong ni Martin.
Hindi na alam ni Janice kung magagawa niya pa bang makatayo sa susunod na mga sandali. Pakiramdam niya ay naiipit siya sa isang sulok at hindi magawang makaalis doon. “H-hindi ko alam kung—”
“Gusto mo bang ipaalala ko sa ‘yo?” putol sa kanya ni Martin.
Gulat siyang napatingin sa lalaki. Isang pagkakamali dahil ang nag-aalab na tingin nito ang agad niyang nasalubong. Hindi niya magawang makapagsalita, lalo na nang makita ang pagbaba ng tingin ni Martin sa kanyang mga labi.
He stepped closer. She stepped back. Hanggang sa hindi na namamalayan ni Janice na wala na siyang hahakbangan paatras dahil lumapat na ang kanyang likod sa malamig na pader.
Sobrang bilis na ng tibok ng kanyang puso, nabibingi na siya. Gusto niyang hayaan na magpadala ang sarili sa sandaling ito subalit mas pinili ni Janice na paganahin na ang isipan.
Iniyuko niya ang mukha at bumuntong-hininga. “H-hindi natin dapat ito ginagawa, M-Martin. Hindi natin dapat iyon ginawa,” garalgal na wika niya. “H-hindi ito tama. W-what happened t-that night was... a... mistake.” It was not! sigaw ng puso niya. “I’m sorry kung... kung hindi ko napigilan ang sarili ko. P-pagod lang talaga ako at—”
Hindi na nagawang ituloy ni Janice ang sinasabi nang maramdaman ang paglayo ni Martin. “Alright,” tugon ng lalaki na para bang balewala lamang iyon. “Kung ganoon, kalimutan na lang natin ‘yon.”
Nang tingnan niya ang binata ay nakita pa ang pagngiti nito. Tila biglang may kumurot sa puso niya ng mga sandaling iyon subalit hindi naman alam kung bakit. Pinagmasdan niya na lamang si Martin hanggang sa lumakad ito pabalik sa couch para ituloy ang pagbabasa.
Wala na namang nagawa si Janice kundi ang magsimula na lamang sa pagtatrabaho. Tama, dapat ngang kalimutan na lamang talaga ang pangyayaring iyon. It was just a moment of infatuation, especially on Martin’s side. Marahil ay interesado lang sa kanya ang lalaki ngayon kaya nakakagawa ng kung anu-ano. Imposibleng makaramdam ng mas malalim na damdamin ang lalaki para sa kanya. Kaya tama lang na iagwat niya ang sarili dito. That way, hindi siya makakaramdam ng sakit kapag balang-araw ay nawala na ang interes nito sa kanya.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon