Chapter 12 Part 3

19.6K 418 7
                                    


NAKATITIG lamang si Janice sa kawalan habang nakayakap sa throw pillow. Nakaupo siya sa sofa na nasa sala ng apartment nila. Kanina pang tulog ang kanyang mga kasamahan subalit siya ay gising na gising pa rin. Pasado alas-tres na ng madaling-araw.
Hindi niya magawang makatulog dahil sa narinig na sinabi ni Martin kahapon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa kanyang isipan. Hanggang kailan mo pa ba ako balak pagpigilin? Marahas na ini-iling ni Janice ang ulo. Mababaliw na siya.
Janice shifted on her seat to ease the heat building in her womb. Why was she easily turned on just by remembering those words? Ipinikit niya ang mga mata at umawang ang mga labi. Bumuhos bigla sa kanyang alaala ang pakiramdam ng mga labi ni Martin sa bawat parte ng kanyang katawan.
Awtomatikong tumaas ang isang kamay ni Janice para haplusin ang sariling mga labi. He was a very good kisser. Bumaba ang kanyang kamay sa parteng leeg. Naalala niya ang paraan ng pagkagat doon ng binata. Down to her breasts and to her stomach. His lips on her wet femininity was the best feeling she ever had. At siguradong may hihigit pa sa sensasyong iyon kung  sakaling hahayaan niyang magpadala sila sa pagnanasang nararamdaman para sa isa’t isa.
Iminulat ni Janice ang mga mata, nararamdaman na ang pawis na naglalandas sa mukha. She wanted him. She wanted Martin Velasco. Gusto niya muling maramdaman ang init ng katawan nito, ang mga haplos at halik, ang paraan ng mga labi nito sa pagkakaloob ng sensasyon sa bawat parte ng katawan niya.
Hindi ba at matagal niya nang hinihiling na magkaroon ng isang memorable, pleasurable night with a man – a hot man to be exact. At ngayon ay abot-kamay niya na ang kahilingang iyon. Abot-kamay niya na lamang si Martin Velasco kaya hindi na dapat pinapairal ang takot at hiya.
Beinte-nueve anyos na siya at hanggang ngayon ay wala pa ring karanasan sa sex. Kung ito na ang pagkakataong hinihiling, bakit pa niya palalampasin? Kung nais niyang maganap ang isang bagay na hindi pa nararanasan, kailangang gumawa siya ng bagay na hindi pa nagagawa minsan. Kailangan niya lang maging maingat.
Kinagat ni Janice ang pang-ibabang labi. Nakapagdesisyon na siya. She needed to ease this lust that she was feeling for that man. At ganoon din naman siguro si Martin sa kanya. Kahit isang gabi lang ay kakalimutan niya ang lahat ng matinong kaisipan, kakalimutan niyang nakatatandang kapatid ng matalik niyang kaibigang si Stefie ang binata, kakalimutan niyang nagtatrabaho lang siya para dito. Just one night. She just needed one night with him. At kung pagkatapos niyon ay kailangang magpakalayo, gagawin niya.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now