Chapter 16 Part 1

19.3K 460 9
                                    

Guys,available na ang Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts in all precious pages stores.Hope you can grab a copy.THANKS!

NILAGOK ni Martin ang wine na nasa kopitang hawak bago muling iginala ang paningin sa paligid ng restaurant. Kanina pang umalis sina Janice at Amiel pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang pagbalik ng mga ito. Dapat ay sinundan niya ang dalawa. Kung hindi lang dahil sa kapatid niyang si Stefie.

Nag-igting ang mga bagang ni Martin. Kilala niya ang kaibigang si Amiel. Nakita niya ang interes sa mga mata nito kanina para kay Janice. Hindi niya hahayaang may ibang lalaki ang humawak kay Janice. Pag-aari niya ang babae.

Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa pagiging possesive sa nobya. Ni minsan ay hindi siya nagkaganito sa dating karelasyon. Wala siyang pakialam kahit tingnan pa ng ibang lalaki ang mga karelasyon noon dahil nakikipag-relasyon lang naman siya para may makakapag-provide ng pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi niya maunawaan kung bakit kay Janice lamang siya nagkaganito.

He wanted her for himself only. Siya lamang ang maaaring tumingin sa kagandahan nito. Siya lamang ang maaaring makahaplos sa pribadong parte ng katawan nito. Mga labi niya lamang ang may karapatang humalik dito.

Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. May tiwala siya kay Janice, oo, pero hindi pa rin mapigilan ang makaramdam ng galit at selos sa kaisipang may kasama itong ibang lalaki ngayon sa kung saan mang lugar naroroon.

Tumayo si Martin para hanapin ang mga ito pero napatigil nang lumapit sa kanya si Bernard.

“Hahanapin mo sila?” tanong ng kaibigan, nakangisi. “Akala ko hahayaan mo na lang si Amiel.”

Kumunot ang noo niya. May alam ba si Bernard sa relasyon nila ni Janice?

Tinapik-tapik ni Bernard ang balikat niya. “Kahit hindi mo sabihin, halata na sa ‘yo, pare. Lalaki rin ako at alam ko kung ano ang klase ng tingin ang ibinibigay mo sa kaibigang iyon ni Stefie.”

Bumuntong-hininga si Martin. “Kung alam mo pala, bakit pumayag ka pang makilala siya ni Amiel?”

Tumawa ang kaibigan. “Hindi ko mapigilan ang asawa ko, pare. Alam mo naman si Stefie. Hindi ko rin naman masabi sa kanya ang hinala ko dahil gusto kong manggaling sa inyo.”

Nagkibit-balikat na lamang siya. “Mukhang maganda nga ang malaman niya na para tumigil na siya sa kakapilit maging matchmaker.” Tinapik niya ang balikat ni Bernard bago nagpaalam dito. “Oh.” Huminto siya bago muling lumingon sa kaibigan. “Ano nga pala ang room number ni Janice?”

Sinabi sa kanya ni Bernard ang hotel room na tinutuluyan ni Janice, katabi lamang daw ng sa mga ito. Nagpasalamat siya bago lumakad palayo. Kailangan niya nang muling makita ang nobya bago pa sumabog ang pagkontrol sa sarili.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu