Chapter 20 Part 3

21K 415 8
                                    


HINDI binibitawan ni Martin ang kanyang mga kamay hanggang sa makapasok sila sa loob ng police station kung saan doon dinala si Andreah na nahuli na ng mga pulis sa isang lugar sa Pampanga, ganoon din ang lalaking kasama nito sa pagdukot sa kanya noon. Kahit hindi niya na nais makaharap ang babae ay sinamahan pa rin ang nobyo dahil baka kung ano’ng gawin nito.

Halos isang buwan na rin ang lumipas nang ma-discharge sa ospital si Martin, nagagawa na rin nitong makapaglakad ng ayos at unti-unti nang humihilom ang mga lapnos at sugat sa balat.

Hindi naman nagtagal ay nakita na nila nang ilabas sa isang selda doon si Andreah, nakaposas. Nagulat pa ang babae nang makita silang dalawa ni Martin.

“M-Martin...” sambit ni Andreah.

Binitawan ni Martin ang kanyang kamay at sinugod ang babae. Mabuti na lamang at agad na naharangan ng mga pulis na naroroon ang nobyo. “Hayup ka, Andreah! Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Janice! Hayup ka!”

Lumapit si Janice sa nobyo at hinawakan ito sa braso, pilit pinapakalma. Nang ibalik niya ang tingin kay Andreah ay nakitang umiiyak na ang babae, puno ng pagsisisi ang mukha.

“M-Martin... p-patawarin mo ako...” pagmamakaawa nito. “H-hindi ko sinasadya. G-gusto ko lang namang—”

“Shut up!” bulyaw ni Martin. “Hindi ko na gustong marinig ang paliwanag mo, walang-hiya ka! Magmakaawa ka lang hanggang sa maubos ang mga luha mo. I will see the end of this, Andreah. Hindi ako papayag na hindi ka maparusahan sa ginawa. You’ve messed with the wrong person. Mabubulok ka sa bilangguang ito!”

“Martin, ayokong makulong dito!” Napahagulhol na ng iyak si Andreah. Hinila na ito palayo ng isang pulis pero pilit pa ring nagpupumiglas. “Martin! Martin!” patuloy lamang ito sa pagsigaw sa pangalan ni Martin hanggang sa makalayo.

Napabuntong-hininga si Janice. Nakakaramdam naman siya ng awa para sa babae kahit na ginawan siya ng kasamaan.

Nanatili lamang siyang tahimik habang kinakausap ni Martin ang mga pulis na naroroon. Napag-alaman din nila na nag-positibo rin pala si Andreah sa droga. Iyon siguro ang dahilan kaya ganoon na lamang ang pag-uugali ng babae.

“Kailangan niya ng tulong, Martin,” wika ni Janice habang nasa biyahe na sila pauwi. “Sayang din ang buhay niya.”

Inabot ni Martin ang isa niyang kamay at pinagsiklop ang kanilang mga palad. “Gusto mo pa rin siyang tulungan sa kabila ng lahat?” tanong nito.

Tumango siya.

Bumuntong-hininga si Martin. “Kailangan niyang manatili sa kulungan para sa kasalanang ginawa niya. Sa paraan ding ‘yon ay makaka-recover siya mula sa paggamit ng droga at mare-realize niya ang mga maling nagawa.”

Muling tumango si Janice. Ipagdarasal niya na lamang din na balang-araw ay maging maayos ang takbo ng pag-iisip at buhay ni Andreah. Hindi pa naman huli ang magbago at talikuran ang mga maling gawain.

Author's Note: Last one update to go. :) Please keep on sharing this story. Thank you so much!

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now