Chapter 14 Part 1

22.8K 506 14
                                    

IMINULAT ni Janice ang mga mata at agad na napansin na nasa hindi pamilyar na silid siya. Sandali niyang ipinikit ang mga mata para alalahanin ang naganap ng nagdaang gabi. Mahina siyang napaungol. Yeah, right, she gave up her innocence to Martin Velasco. Sinubukan niyang igalaw ang katawan pero napangiwi lamang nang maramdaman ang pananakit niyon, ganoon din ang paghigpit ng brasong nakayakap pala sa baywang niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman ang paghalik ni Martin sa kanyang buhok. “Gising ka na rin, sa wakas,” bulong ng binata.
Humugot siya ng malalim na hininga. Bakit kailangang maunahan siyang magising ng lalaki? Akala niya ay magagawa pang tumakbo muli.
Hinigpitan pang lalo ni Martin ang pagkakayakap sa kanya. “Balak mo na namang tumakbo, tama?” tanong nito.
Sandaling natigilan si Janice pero mayamaya ay sumuko na rin. “M-Martin... w-wala ka bang pasok?” mahinang tanong niya.
“Mamaya na ako papasok.” Ipinihit siya ni Martin paharap dito.
Wala na namang nagawa si Janice kundi ang tanggaping hindi na siya makakatakas ngayon sa binata. Napalabi siya nang masalubong ang seryosong itim na mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o gagawin.
Ngumiti si Martin at hinapit siya palapit sa katawan nito. “Ano’ng gusto mong gawin muna?” tanong muli nito, medyo magaspang na ang boses.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang pagkalalaki nitong pumipintig sa parteng tiyan niya. Bumuhos sa alaala ni Janice ang lahat ng nangyari ng nagdaang gabi, ang paraan ng pag-angkin ng binata sa kanya, ang pagkakaloob nito ng walang kapantay na sensasyon sa kanyang buong pagkatao.
Yumakap siya kay Martin at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. She could still remember the feel of his hard and huge manhood slipping in and out of her, making her go even crazier than before. Pasimple niyang sinulyapan ang pagkalalaki ng binata. It was not yet fully erect like last night. She knew his size was more than the average. Siguradong napakaraming mga babae ang magkakandarapa kung sakaling makita ang parteng iyon ng lalaki.
He was not just hot. He was beautiful. At masaya si Janice na nagawa niyang maranasan ang maangkin ng lalaking ito. Hinding-hindi niya pagsisisihan ang nangyari sa kanila kahit na saan pa dalhin ng desisyon.
Bumuntong-hininga siya at ini-angat ang tingin para salubungin ang nagbabagang mga mata ng binata. “M-magtatagal ba ang hapding nararamdaman ko?” Mahinang tanong ni Janice, tinutukoy ang mumunting hapdi sa parte ng pagkababae.
Bumahid na ang pag-aalala sa itim na mga mata ni Martin. “N-nasaktan ba kita ng sobra, baby?” Bahagya itong umagwat. “Sabihin mo sa akin kung—”
“Hindi naman masyado,” putol ni Janice sa binata. Hindi niya na napigilan ang mapangiti. Baby. Gustong-gusto niya tuwing tinatawag siyang ganoon ng lalaki. Pakiramdam niya ay pag-aari na talaga siya nito.
Humugot ng malalim na hininga si Martin bago masuyong hinaplos ang pisngi niya. “I’m sorry... dapat naging mas maingat ako kagabi,” anito. Kinintalan nito ng mabilis na halik ang kanyang mga labi. “Huwag kang mag-alala, makakapaghintay naman ako para sa pangalawang round.” May bahid na ng biro ang boses nito.
Pinamulahan ng mukha si Janice. Well, kung hindi lang talaga siya nakakaramdam pa ng hapdi ay papayagan niya ang binata sa nais nito. Napatawa na siya sa naisip.
Ngumiti naman si Martin. “Do you want to just snuggle here?” tanong nito mayamaya.
“I’m famished,” pag-amin niya. Kanina pa kumukulo ang kanyang sikmura dahil kagabi pang walang kinakain.
Napailing ang binata. “Hindi ka kasi kumain ng dinner kagabi.” Maingat siya nitong pinakawalan para maupo sa kama. “Mag-o-order na lamang ako ng makakain natin para—”
“Huwag na,” aniya at pinilit ang sariling maupo. “Gusto kong ipagluto ka.”
Ilang sandaling tila nag-alangan si Martin pero wala na namang nagawa nang bumaba na siya ng kama. Inabot ni Janice ang damit ng binata kagabi at iyon na lamang ang isinuot pagkatapos ay paika-ika pa siyang naglakad patungo sa pinto.
Napatigil lang si Janice nang pigilan siya ni Martin. Bago pa magawang makalingon sa lalaki ay napangko na siya nito nang walang paalam. Impit siyang napasigaw at ikinawit ang mga braso sa leeg nito.
Tiningnan niya ng masama ang binata nang marinig ang mahinang pagtawa nito. Pero sa kaibuturan ng puso ay nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Ibinaba lamang siya ng lalaki nang makarating sila sa kusina.
“Ano bang gusto mong lutuin ko?” tanong ni Janice habang naglalabas ng iba’t ibang sangkap sa fridge.
“Kahit ano,” sagot ni Martin na nakasandal lamang sa kitchen counter katulad ng madalas nitong gawin tuwing pinagmamasdan lamang siya sa pagluluto. “Lahat naman ng luto mo ay masarap... parang ikaw.”
Pinamulahan siya ng mukha at ngumiti na lang, nagsimula na sa pagluluto, tinutulungan din naman siya ni Martin sa maliliit na mga bagay. Subalit hindi niya magawang ituon ang lahat ng atensyon sa ginagawa dahil sa binata. Bakit ba naman hindi? Wala itong kahit na ano’ng saplot sa katawan. And he already had an erection! Pilit man niyang huwag pansinin ay makulit pa rin ang kanyang katawan at nakakaramdam na naman ng pag-iinit.
Tumikhim siya, hinihintay na lang niyang kumulo ang niluluto. “H-hindi ka ba muna magbibihis, Martin?” lakas-loob na tanong ni Janice.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Martin. “Bakit? Nakita mo na naman lahat 'to, ah?” may panunudyo na sa tinig.
Nag-init na naman ang mga mukha ni Janice, lumabi. “N-nadidistract ako,” pag-amin niya.
Mas lalong lumakas ang pagtawa ng lalaki. Lumipat ito sa likuran niya at niyakap siya sa baywang. He teasingly rubbed his erection on the small of her back. “Hindi ko magawang pigilan ang sarili ko,” magaspang na wika ni Martin, isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg niya.
Napaungol si Janice. Nag-aalab na ang apoy na tumutupok sa kanyang pagkatao. Just one night. Iyon ang sinabi niya sa sarili bago ipagkaloob ang sarili sa binata. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang lumayo dito? Paano kung ma-attach ng sobra ang damdamin niya kay Martin? Paano kung masaktan lamang siya balang-araw kapag hindi pa umagwat dito. “M-mali ‘to.” Hindi niya na namalayang usal.
Naramdaman ni Janice ang pagkatigil ni Martin nang marinig marahil ang kanyang sinabi. Ipinaikot siya ng binata para mapaharap dito. “Ano ang mali, Janice?” tanong nito, may bahid na ng inis ang tinig.
Sinubukan niyang iiwas ang tingin sa lalaki pero hinuli lamang nito ang kanyang baba at sapilitang pinatingin dito.
“Tingnan mo ‘ko,” utos ni Martin. “Bakit ba palagi mo na lang sinasabing mali ang kung anumang ginawa natin? Bakit gusto mo lang palaging tumakbo? Mali ba kung sakaling magkarelasyon tayo? Bakit? May asawa ka ba?”
Mabilis siyang umiling.
“May boyfriend ka?” tanong pa ng binata.
Muling umiling si Janice.
“Wala naman pala. Wala rin akong karelasyon ngayon.” Bumuntong-hininga si Martin. “Hindi ko na gustong marinig pang sabihin mo na mali ito.”
Napalabi siya. “P-pero... k-kaibigan ko ang kapatid mo, Martin. Siguradong hindi magugustuhan ni Stefie kapag nalaman niyang—”
“Hindi ako nakialam kay Stefie kahit nakipag-relasyon siya sa kaibigan kong si Bernard, kahit na itinago niya pa sa akin,” putol ni Martin sa kanya. “At wala ring pakialam ang kapatid ko kung sino ang nais kong makarelasyon. Naiintindihan mo? Girlfriend na kita ngayon, pag-aari na kita, Janice.”
Gulat na napatingin si Janice sa binata. Girlfriend? Hindi niya inaasahan ang salitang iyon kaya biglaan din ang pagtalon ng puso. “M-masyado namang m-mabilis ‘ata,” wika niya pa, nakanguso. “H-hindi mo nga ako niligawan.”
Ngumiti si Martin. “Hindi ako nanliligaw ng babae,” anito. Hinapit siya nito palapit at marahang ikiniskis ang pagkalalaki sa parteng tiyan niya. “At gusto mo pa bang pumunta sa stage na iyon?”
Tiningnan niya ng masama si Martin pero agad din namang ngumiti. Malambing niya itong niyakap sa baywang. Well, tutungtong na siya ng treinta. At thirty-four si Martin. Hindi na dapat nilang aksayahin ang oras sa ligawan. Mas gusto niya ang magkaroon ng maraming maiinit na sandali kasama ang binata. Minsan talaga ay may mga araw na hindi mananalo ang kanyang isipan dahil mas malakas ang hatak ng sariling puso. Dapat niyang tanggapin iyon.
Pinakatitigan siya ni Martin sa loob ng ilang sandali. “Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang unang lalaking naka-angkin sa ‘yo,” anas nito sa magaspang na boses.
“Masama ba ‘yon?” inosenteng tanong ni Janice.
Umiling ang binata. “That’s a very good thing.” Dinampian nito ng halik ang tungki ng kanyang ilong. “Puwede kitang turuan ng lahat ng alam ko pagdating sa sex. Iyon ay kung gusto mo.”
Kumislap ang mga mata niya. “I would love that,” tugon niya sa nang-aakit na tinig.
Ngumisi si Martin. “Good. Ako ang master mo simula ngayon. Susundin mo ako dahil pag-aari kita.”
Napabuntong-hininga si Janice. He looked so hot talking like that. He was indeed a dominant type when it comes to bed. Tama ang hinala niya noon. At gusto niya ang ganoon. Gusto niyang matutunan ang lahat ng alam ng binata.
Ibinaba ni Martin ang ulo para hagkan ang kanyang mga labi. Agad namang tinugon ni Janice ang halik na iyon. Every time he kissed her, her whole world seemed to vanish. Wala na siyang ibang naiisip kundi ang init at tamis ng mga labi ng lalaki. Kung hindi pa siguro naghiwalay ang kanilang mga labi ay hindi niya pa narinig ang tunog ng pagkulo ng niluluto.
Naiiling na napatawa si Janice at sapilitang pumihit paharap sa niluluto. Maaari naman silang sumubok ng panibagong round pagkatapos kumain. Gutom na gutom na talaga siya at hindi na maipapagpaliban iyon.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now