Chapter 2 Part 1

26.1K 550 14
                                    


Chapter 2

HINAPLOS-HAPLOS ni Janice ang maumbok na pisngi ng pamangkin na si Krissa na nasa loob ng kuna malapit sa kama niya sa apartment na tinutuluyan sa Manila. Tumatawa lamang ito habang nakatingin sa kanya. Ilang buwan na rin mula nang makabalik siya dito. Laking pasasalamat niya dahil naunawaan ng boss nila ang dahilan ng kanyang pag-absent ng ilang araw sa trabaho noon, may warning na nga lang siya.

Bumuntong-hininga si Janice. Kahit nais sanang isama ang Mama Susan dito, tumanggi ito dahil mas gusto raw ng ina na manirahan sa probinsiya. At gusto raw nito na may madadatnan si Jean 'pag naisipang bumalik. Kasama naman ng ina sa bahay sa Pangasinan ang tita nila na wala pang asawa.

Hindi naman naging mahiap ang pag-aalaga kay Krissa. Napakabait na bata nito. At tinutulungan din naman siya ng mga kasama dito sa apartment, kapag umaalis naman siya ay inihahabilin ang pamangkin sa landlady na si Aling Cora. Biyuda na ito at walang anak kaya masaya pa.

Napatingin si Janice sa cell phone na nakapatong sa unan nang marinig ang pagtunog niyon. Inabot niya ang aparato para basahin ang mensahe doon. Naiinis siyang napailing. Galing na naman ang mensahe kay Joseph – ngayon ay ex-boyfriend na lang niya.

Noong nasa Pangasinan ay nakipaghiwalay siya sa lalaki dahil hindi na nagustuhan ang pagtrato sa kanya. The man was just being a big jerk. Minamadali ba naman siyang pauwiin noon kahit sinabi nang kailangan siya ng pamilya. Tinakot pa siya na makikipaghiwalay ito kapag hindi siya sumunod. Inunahan niya na ito. Sino ba ang lalaki para utos-utusan lamang siya? Samantalang tuwing siya ang nanghihingi ng kahit katiting na oras nito ay puro dahilan.

Ngayon nga ay puro text ito para humingi ng tawad. Well, hindi na magbabago ang isip niya. Na-realize ni Janice na mas maayos na muna ang maging single ngayon para ang lahat ng atensyon ay na kay Krissa. Sa loob lamang ng ilang buwang pag-aalaga sa sanggol, sobra na itong napamahal sa kanya na animo tunay siyang ina.

"Aalis ka ba ngayon, Jan?" narinig niyang tanong ng isa sa mga kasamahan niya sa apartment, si Yesha.

Tumingin si Janice sa suot na wristwatch. Alas-kuwatro pa lamang ng hapon. Off niya nang araw na iyon at planong magtungo sa mall para mamili ng ilan pang mga gamit ni Krissa. Nagpapasama siya sa kaibigang si Stefie na dadaanan sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito na hindi naman kalayuan.

"Oo," sagot niya. "Ihahabilin ko muna si Krissa kay Aling Cora sandali. Ayos lang naman sa inyo na mag-stay muna dito si Aling Cora, 'di ba?"

"Walang problema 'yon," sagot ni Yesha. "Tutulungan ko na rin siya sa pagbabantay kay Krissa kapag tapos ko na ang mga ipinagagawa sa aking reports."

Nagpasalamat si Janice sa babae at nag-ayos na ng sarili paalis.

Mahigit isang oras din ang ginugol nila ni Stefie sa isang mall na naroroon lang din sa Manila. Dahil nais pang makabonding ang kaibigan ay sumama muna siya dito sa bahay na nirerentahan nito sa lugar ding iyon.

Hindi mawala-wala ang pagkamangha ni Janice nang makapasok sa loob ng bahay ni Stefie. Sinabi sa kanya ng kaibigan na rent-to-own ang bahay na iyon. It was just a bungalow type. Sapat na ang laki para sa isang maliit na pamilya.

"Wow, your place is really beautiful, Stefie," hindi niya napigilang usal. "Mukhang hindi basta-basta ang upa dito, ah? Maging ang lahat ng mga furnitures at appliances."

Bumuntong-hininga si Stefie. "You know I can't afford this. Halos pareho lang ang rate ng mga trabaho natin." Tumawa pa ito ng mahina.

Kumunot ang noo ni Janice. Iyon nga ang nasa isipan niya. "That guy?" aniya, tinutukoy ang bagong karelasyon nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala.

Tumango si Stefie, may inis na sa mga mata. "Wala na akong nagawa dahil nabayaran niya na lahat. Pero sinabi ko sa kanya na babayaran ko ang lahat ng nagastos niya kada suweldo ko."

Janice envied Stefie. Mukhang napakabuting lalaki ng karelasyon nito ngayon. Bihira lang ang mga lalaking magbibigay ng ganitong mga bagay sa girlfriend nila. Kailan kaya siya makakatagpo ng matinong lalaki?

"Alam ba ng kuya mo ang tungkol dito? Ang tungkol sa bago mong karelasyon?" tanong pa ni Janice.

Umiling si Stefie. "Ang alam lang niya ay hiwalay na kami ni Kenneth, hanggang doon lang. Nagdahilan na lang din ako nang magtanong siya sa bahay na ito." Malungkot itong napabuntong-hininga. "Hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat."

Ilang sandali pa siguro siyang nakipagkuwentuhan sa kaibigan nang mapansin ang oras. Pasado alas-siete na ng gabi. Kailangan niya nang umuwi.

"Mukhang kailangan ko nang umalis, Stefie," paalam niya, tumayo. "Hindi ko na namalayan ang oras. Kailangan na ring magpahinga ni Aling Cora at ni Krissa. May pasok pa bukas kaya kailangan na rin nating magpahinga."

Humarap sa kanya si Stefie na katatapos lang hugasan ang ininuman nilang baso. "Bibisita na lang ako sa inyo bukas 'pag tapos ng trabaho. Gusto ko ring makita si Krissa."

Malawak na napangiti si Janice. "Sige, hihintayin ka namin doon." Lumakad na siya patungo sa living area na kinaroroonan ng mga pinamili kanina.

Sinamahan siya ni Stefie palabas pero napatigil ito sa pagbubukas ng gate. Nang mapatingin si Janice sa tinitingnan ng kaibigan ay nakita niyang lumabas sa isang pick-up na sasakyan ang kapatid ni Stefie na si Martin Velasco.

Nang tuluyang mabuksan ang gate ay lumapit sa kanila si Martin. Sumulyap ito sa kanya ng sandali. Matagal-tagal na rin mula nang huli niyang makaharap ang lalaki. At ngayon niya lang na-realize na napakaguwapo pala nito sa malapitan.

Nakatitig lamang siya kay Martin ng ilang sandali. Clean-cut ang itim na buhok nito na nakataas ang unahang parte. May mga stubbles din sa ibabang parte ng mukha. His face was a real epitome of a man – a strong man who could protect his woman.

Ibinaba ni Janice ang tingin sa katawan ng lalaki. Nakasuot lamang ito ng simpleng dark blue shirt at denims pero hindi niyon naitago ang magandang built ng katawan nito. Halatang alagang-alaga sa ehersisyo. Gosh, his body looked so hard and... yummy.

Ipinilig ni Janice ang ulo at pinagalitan ang sarili. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoon. Kuya ito ng kaibigan niya, parang nakababatang kapatid na rin siya ni Martin kahit sa pagkakaalam niya ay apat na taon lang naman ang tanda nito sa kanya.

"May pupuntahan ba kayo?" narinig niyang tanong ni Martin. He had a deep, husky voice that made him even manlier.

Umiling si Stefie. "Wala naman. Paalis na si Janice at inihahatid ko lang dito sa labas." Ngumiti ito. "Kilala mo naman siya, 'di ba, Kuya?"

Tumango lamang si Martin bago tumuloy na sa loob ng bahay. Hindi inaasahan ni Janice na naaalala siya ng kapatid na iyon ni Stefie. Mukhang suplado rin kasi ito at parang pili lang ang mga kinakausap. Or sadyang seryoso lang ito sa pakikitungo sa kahit na kanino. Napaisip tuloy siya kung ano'ng klase ng lover ito. Baka para rin itong bato. Gustong matawa ni Janice sa naisip.

Tumikhim siya at muling humarap sa kanya si Stefie. "Aalis na ako, Stefie. Mukhang may kailangan pa kayong pag-usapan ni Kuya Martin."

"Sige, mag-iingat ka."

Tuluyan nang lumabas ng gate si Janice at naglakad palayo. Mabigat man ang mga dalang pinamili, pinilit pa rin niyang maglakad patungo sa main road kung saan doon maghihintay ng masasakyan pauwi.


Author's Note: Muli, paalala lang na ang pagpost ko dito sa wattpad ng story na ito ay promotion purposes lamang. Hindi ko pa alam kung hanggang saang chapter ang ipopost ko dito but I hope ma-enjoy n'yo sina Martin. Salamat. :) Please bear with my slow update. I'm too busy writing my new novel: Cold Eyes Saga. - VJ

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now