Chapter 18 Part 1

20.7K 490 14
                                    

Author's Note: Ilang updates na lang at matatapos na ang Her Master. Sana ay mai-share niyo rin sa iba para dumami ang reads. Hehe. Salamat ng marami. :)

“MABUTI naman at naisipan mong magbakasyon uli dito sa inyo.”

Napatingin si Janice kay Marko – isa sa mga dating kaklase niya noon sa high school na nakasalubong kanina sa bayan. Namili kasi siya ng mga sangkap para sa lulutuing ulam mamayang hapunan. Tinulungan siya ng binata sa mga dala at inalok na ihahatid siya pauwi. Wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag.

Magda-dalawang linggo na rin mula nang manatili siya rito sa Pangasinan. At hindi gaya ng inaasahan, mas lalo lamang nadadagdagan ang kalungkutang kanyang nararamdaman sa pagdaan ng mga araw. There was no phone call from Martin, still. Hindi niya alam kung alam ba ng lalaki na wala na siya sa Manila. Hindi niya alam kung hinahanap ba siya nito?

“Balak mo pa bang bumalik sa Manila?” tanong pa ni Marko.

Bumuntong-hininga si Janice. “Hindi ko alam. Pero kailangan ko ring maghanap uli ng trabaho kaya siguro ay babalik pa ako. Nagbabakasyon lang naman ako rito sandali.”

Tumango naman ang lalaki. Mayamaya ay nagkukuwento na ito ng patungkol sa mga trabahong maaari niya raw pasukan dito sa Pangasinan. Hindi naman nagawang intindihin ni Janice ang lahat.

Hinarap niya ang binata nang mapatapat na sila sa pinto ng bahay nila. “Salamat sa paghatid,” wika niya.

“Tutulungan na kitang ipasok ang mga ito sa loob.” Itinaas pa ni Marko ang mga eco bag na dala.

“Hindi na,” tanggi niya. Kinuha ni Janice sa lalaki ang mga iyon. “Kaya ko na. Nice seeing you again.” Iyon lang at pumasok na siya sa loob ng bahay. Agad niya ring ini-lock ang pinto. Hindi niya gustong maging malamig ang pakikitungo kay Marko. Wala lang talaga siya sa mood na makipag-usap sa ibang tao.

Mag-isa lamang siya sa bahay ng araw na iyon dahil namasyal sina Jean at Krissa, kasama ang Mama Susan at Tita Mabel niya sa Manila. Baka bukas pa ang balik ng mga ito. Wala namang problema sa kanya iyon. Uubusin niya na lamang muli ang araw sa pagbabasa ng libro o pagtulog.

Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga pinamili nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Napahawak sa ulo si Janice at napabuntong-hininga. Lumakad siya patungo sa front door. Hindi pa ba umaalis si Marko? Bakit ba kung kailan gusto niyang mapag-isa ay saka naman—

Natigilan si Janice nang makita ang hindi inaasahang panauhin. Walang iba kundi si Martin Velasco! Animo tumigil sa pagtibok ang kanyang puso dahil sa pagkagulat. Ano’ng ginagawa ng lalaki dito? Nagha-hallucinate na ba siya dahil sa matinding pangungulila dito?

Hanggang sa makapasok sa loob ng bahay si Martin at maisara ang pinto ay hindi pa rin niya magawang makapag-isip ng matino. Pumihit siya paharap sa lalaki. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero naunahan na siya nito.

“Kung itatanong mo kung paano ko nalaman ang lugar na ito, pinilit ko ang mga kasamahan mo sa apartment niyo sa Manila,” wika ni Martin sa seryosong tono. “At kung bakit naman ako nandito?” Humakbang ito palapit sa kanya.

Napaatras si Janice hanggang sa sumandal na ang likod niya sa pinto. Sobrang bilis ng pintig ng kanyang puso habang nakatitig sa itim na mga mata ni Martin na may bahid na ng galit.

“Dahil hindi ko na magagawang makapagpigil at maghintay na bumalik ka,” dugtong ng lalaki.

Tiningnan niya ng masama si Martin. “Ikaw ang nagalit sa akin. Ikaw ang hindi tumatawag o nagparamdam man lang. Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin.”

Sumiklab ang matinding galit sa mga mata ng lalaki. Itinuon nito ang dalawang kamay sa pinto, trapping her. “Kung ganoon, bakit kailangan mong lumayo? Magpunta rito?”

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now