Chapter 1 Part 2

33.8K 689 9
                                    

KINAWAYAN ni Janice ang kaibigang si Stefie Velasco nang makita ang pagpasok nito sa loob ng coffee shop kung saan ito nakipagkita.

Matapos nilang um-order ng maiinom ay agad niya nang tinanong ang kaibigan. "So, ano namang problema ngayon?" Kanina pa niyang napapansin na parang sobrang lalim ng iniisip nito. "Bakit parang pinagsakluban ka diyan ng langit at lupa?"

Inabot ni Stefie ang sariling baso ng hot chocolate bago bumuntong-hininga. "Wala naman," mahinang sagot nito. "Masyado lang akong maraming iniisip."

"At ano naman ang mga iyon?" pang-uusisa pa ni Janice. Hindi siya naniniwala na wala itong pinoproblema. Halatang-halata naman sa kaibigan na mayroon.

Ilang sandali siyang naghintay bago narinig ang muling pagsasalita ni Stefie. "May gusto lang akong itanong." Tumikhim ito, tila nag-aalangan pa. "Ma... Maiiwasan... bang mabuntis kahit tapos nang makipag-" Napailing ito, hindi maituloy ang sinasabi.

Nagdududang napatingin si Janice sa kaibigan. Kahit hindi nito ituloy, nakukuha niya na kung ano ang ibig sabihin ni Stefie. "Nakikipag-sex ka na ba?" deretsahang tanong niya.

Hindi magawang tumingin ni Stefie sa kanya, namumula ang mukha.

"Hindi siya gumamit ng condom?" patuloy na pagtatanong ni Janice.

Nahihiyang tumango ang kaibigan.

"Did he..." Sandali siyang huminto para luminga-linga sa paligid. Bahagya siyang lumapit sa kaibigan, bumulong. "Inside you?"

Muli ay tumango si Stefie, hiyang-hiya.

Napasandal si Janice sa upuan at napabuntong-hininga. "Bakit ba hindi kayo nag-iingat ni Kenneth?" tukoy niya sa long-time boyfriend ng kaibigan na si Kenneth Abiera. Alam niya na disenteng babae si Stefie, madalas nitong sabihin na nais daw ibigay ang pinakaiingatang dangal sa lalaking mahal nito at nais makasama habang-buhay. Siguro ay sigurado na nga ito kay Kenneth kaya nagawa iyon. Pero bakit ito natatakot na mabuntis?

"Hindi si Kenneth," pagtatama ni Stefie.

Ganoon na lang ang pagkagulat ni Janice dahil sa winika ng kaibigan. "Hindi si Kenneth?" Hindi makapaniwalang ulit niya. Hindi si Kenneth ang pinag-alayan nito ng pinakaiingatang pagkababae? "May karelasyon kang iba? Nababaliw ka na ba, Stefie?! Anong pumasok sa utak mo-"

"Pinagtaksilan niya ako," putol ni Stefie sa pagpapagalit niya, napaluha na. "Pinagtaksilan ako ni Kenneth."

"Oh my gosh," sambit ni Janice. "Ano'ng nangyari?" Napuno na ng pagkaawa ang puso niya para sa kaibgian. Hindi lang basta matalik na kaibigan ang turing niya kay Stefie, para niya na rin itong nakababatang kapatid. Dalawang taon din kasi ang tanda niya dito.

Ikinuwento sa kanya ni Stefie ang nasaksihan nitong pagtataksil ng nobyong si Kenneth, ganoon din ang pagkakaloob nito ng sarili sa isang lalaki dahil na rin sa matinding kalungkutan. Kitang-kita pa rin ang sakit at galit sa mukha ng kaibigan.

Janice had been heartbroken a few times. Pero ni minsan ay hindi pa naman niya nahuling pinagtataksilan ng mga nakarelasyon. Siguradong napakasakit niyon para kay Stefie, lalo na at sobrang tagal na ng relasyon nito at ng Kenneth na iyon. Mabuti na lang at hindi naibigay ng kaibigan ang lahat sa manlolokong iyon. Pero ibinigay naman sa isang estranghero.

Malungkot na napabuntong-hininga si Janice. "So, that's it. Kaya mo ibinigay sa isang estranghero ang iniingatan mong dangal ay dahil doon?"

Hindi sumagot si Stefie. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Tumingin sa kanya ang kaibigan at hindi na nagawang itago ni Janice ang pagkaawang nararamdaman.

"Go on the pill, Stefie," mayamaya ay suhestiyon ni Janice. "Pumunta ka na sa doktor mo ngayong araw para magpa-prescribe no'n. Iyon na lang ang paraan para maiwasan mo ang pagbubuntis hangga't hindi pa handa. Just be sure to ask your doctor for safety."

Hindi naman sa pabor siya sa contraceptives, pero wala na naman siyang maipapayo kundi iyon. Hindi niya naman gustong mabuntis ang kaibigan at walang mananagot doon.

Tumango-tango naman si Stefie.

"Ano na'ng plano mo ngayon, Stefie?" tanong pa ni Janice. "Ano'ng plano mo sa relasyon mo diyan kay Kenneth at sa estrangherong tinutukoy mo?"

Nakatitig lamang ang kaibigan sa tasang hawak. "Makikipaghiwalay na ako kay Kenneth. Kahit mahirap at masakit, kailangan kong gawin." Nangilid na naman ang mga luha nito. "I need to save my pride, at least. Pinagtaksilan niya 'ko. Kapag hinayaan ko pa siyang manatili sa tabi ko at binigyan ng isa pang pagkakataon, gagawin niya ulit iyon. Ayoko nang tapakan pa ulit niya ang puso at pagkatao ko."

"Masaya ako na nagpapakatatag ka sa kabila ng lahat, Stefie." Tunay na hinahangaan niya ang kaibigan.

Tumingin sa kanya si Stefie at ngumiti.

Ginantihan naman ni Janice ang ngiti nito. "Paano naman ang estrangherong iyon? Alam mo ba kung nasaan siya? Plano mo pa bang makipagkita sa kanya?"

Napayuko si Stefie. "H-he... he offered me... a relationship," anito.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Sigurado ka bang hindi masamang tao 'yan?"

Umiling ang kaibigan. "Hindi." Mukhang siguradong-sigurado talaga ito sa sagot, na naging dahilan ng pagtataka ni Janice.

"Gusto mo ba siya?" sunod na tanong niya.

Gulat na napatingin si Stefie sa kanya, mukhang hindi inaasahan ang tanong na iyon. Humugot ito ng malalim na hininga. "I want him," sagot nito.

Pinigilan ni Janice ang mapangiti. "Want him? Is he that good?" pang-aasar niya pa.

Pinamulahan ng mukha si Stefie, tumango.

Kinikilig na napatili si Janice. "Oh, my! Gusto ko siyang makilala," nasasabik na wika niya. Though, may parte sa puso niya ang nakakaramdam ng inggit. Maging si Stefie ay naunahan na rin siyang makaranas ng isang magandang gabi sa piling ng isang lalaki. Napag-iiwanan na talaga siya.

Ilang sandaling tila nahulog sa malalim na pag-iisip ang kaibigan. Mayamaya ay ngumiti ito. "Huwag na natin siyang pag-usapan," bigla ay pagsasara nito sa topic na iyon.

Lumaglag ang mga balikat ni Janice at ipinaikot ang mga mata. Higit na nadagdagan ang curiosity niya sa lalaking tinutukoy ng matalik na kaibigan, pero wala namang magagawa kung ayaw sabihin ni Stefie. "Fine. Magpakasawa ka diyan sa bago mong papa."

Tumawa si Stefie at sumulyap sa suot na relo. "Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko pang dumaan sa doktor."

Tumango siya at kumindat. "Good luck. Tawagan mo ako, okay?"

Tumango rin ang kaibigan bago tuluyan nang umalis. Naiwan na lamang siyang mag-isa, nakatitig sa tasang nasa mesa.

Nagitla pa si Janice nang marinig ang pagtunog ng cell phone na nasa handbag na dala. Kinuha niya ang aparato at nagtaka pa nang makita sa screen ang pangalan ng kapatid na si Jean Perez.

"Hello, Jean?" sagot niya sa tawag.

"Janice, anak," tinig ng kanyang Mama Susan ang narinig.

"Mama?" Higit na nadagdagan ang pagtataka ni Janice. Bakit ang kanyang ina ang tumawag gamit ang cell phone ng kapatid? May nangyari ba kay Jean?

"Anak, nandito kami sa ospital ngayon," pagpapatuloy ng ina. "Nagle-labor na ang kapatid mo."

Napatayo mula sa kinauupuan si Janice. Nanganganak na ang kapatid na si Jean? "May kasama po ba kayo diyan?"

"Ang Tiya Mabel mo lang, pero umalis siya para kumuha ng damit sa bahay," tukoy nito sa isa sa mga tiyahin nila na wala pang asawa. "Puwede ka bang pumunta dito, anak? Nag-aalala ako para kay Jean."

"Sige po, 'Ma," mabilis na sagot ni Janice. Maging siya ay nag-aalala rin para sa nakababatang kapatid na si Jean.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now