Chapter 12 Part 1

20.1K 429 6
                                    


PAGKATAPOS ayusin ang mga pinamili nilang grocery ni Martin nang araw na iyon ay inabala naman ni Janice ang sarili sa pagluluto ng hapunan para sa lalaki. Mahigit dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang muli siyang bumalik sa trabaho dito sa bahay ng binata. Kahit medyo nakakaramdam pa ng pagkailang, lalo na kapag naglilinis ng living area, ginagawa niya naman ang lahat para hindi maipakita iyon sa lalaki.
Napatingin si Janice sa bukana ng kusina nang maramdaman na parang may nakatingin sa kanya. Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso nang makita si Martin. Kanina pagkabalik nila mula sa grocery store ay sinabi nitong may kailangan itong tapusing trabaho patungkol sa panibagong branch ng Velasco Auto Supply na nais buksan sa susunod na buwan.
Humakbang si Martin palapit sa kanya. “Kailangan mo ba ng tulong?” tanong nito.
“Ah... h-hindi na,” tugon niya, iniiwas ang tingin sa binata. She hated the way she was easily lost every time he was near. Inabot ni Janice ang isa sa mga patatas na naroroon para talupan. “Akala ko ba may gagawin ka?”
“Mamaya ko na siguro tatapusin.” Inabot ni Martin ang isang mansanas na nakalagay sa fruit basket. Dahil doon ay hindi sinasadyang nagkadikit ang kanilang mga braso ng binata.
Napapiksi si Janice nang maramdaman ang tila kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan dahil sa simpleng contact na iyon. Pinilit niyang ituon ang pansin sa ginagayat na patatas at hindi pinag-uukulan ng pansin ang pag-iinit ng katawan.
Sumulyap siya kay Martin. Isang pagkakamali dahil natuon lamang ang kanyang paningin sa mga labi nitong ngumunguya, medyo basa pa dahil sa katas ng mansanas na kinakain. Her mind wandered at the night he made her climaxed using just his mouth and fingers. Hindi niya magagawang makalimutan ang mga labing iyon.
Mabilis na iniiwas ni Janice ang tingin nang tumingin sa kanya ang binata. Paulit-ulit na minumura ang sarili sa isipan. Bakit ba nagkakaganito siya? She felt like a woman who was desperate to get laid with a man. Why was she this foolish? At bakit hindi na niya magawang kontrolin ang tawag ng pagnanasa sa kanyang katawan ngayon? Hindi naman siya ganito sa dating mga lalaking nakarelasyon!
Pinilit niyang mag-focus na lamang sa pagluluto ng hapunan kahit na ilang sandali na lamang ay mahihimatay na siya sa kinatatayuan. Gusto niyang sigawan si Martin na umalis sa kanyang tabi, na tigilan na ang pagmamasid sa kanya. Hindi ba alam ng binata ang idinudulot ng simpleng presensiya nito sa kanyang buong pagkatao?
Hanggang sa matapos sa pagluluto ay hindi pa rin umaalis si Martin sa pagkakasandal sa kitchen counter. Wala naman itong sinasabi kaya mas higit tuloy nagkakaroon ng tensyon sa paligid. A different kind of tension that Janice couldn’t explain.
Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng binata, kung ano ang nais nitong gawin. Natatakot din naman siyang magtanong kaya hanggang sa makapaghanda siya sa dining table ng pagkain nito ay ipinanatili lamang ang pagiging tahimik.
“Dito ka na rin kumain,” pagbasag ni Martin sa katahimikan.
Bahagya pang nagulat si Janice nang marinig ang boses ng lalaki. Tumingin siya dito at pinilit na ngumiti. “H-hindi na, aalis na rin ako.” Dahil kapag hindi ako umagwat sa ‘yo ay baka makalimutan ko na naman kung ano ang tama.
Hindi niya napalampas ang pagbahid ng disappointment sa mga mata ni Martin pero natakluban iyon ng isang ngiti, o ngisi. Hindi niya alam. “Sige, mag-iingat ka.” May kalamigan na sa tono nito.
Ikinuyom ni Janice ang mga kamay nang makaramdam ng kirot sa puso. Tumango na lamang siya at naglakad na palayo. Kung anu-ano na ang mga nararamdaman niya tuwing kasama ang lalaking iyon. Hindi niya na nagugustuhan ang lahat ng ito. Natatakot siya na baka hindi lamang simpleng pagnanasa ang nararamdaman ngayon para kay Martin.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now