Chapter 9 Part 3

20.4K 487 6
                                    

INIIWAS ni Martin ang tingin kay Janice nang makita ang pagtingin nito sa kanya. He gritted his teeth to control himself from the heat that was slowly conquering his whole body. Alam niyang naiinitan na ang dalaga at tinangkang hubarin ang suot na damit. Kung hindi lang siguro ito napatingin sa kanya ay baka naituloy na nga.
Narinig niya ang pagtikhim ng dalaga kaya muli siyang napatingin dito. “M-may itatanong nga pala ako,” anito habang inaayos ang pagkakaupo.
Matapos ayusin ang playstation ay bumalik na siya sa pagkakaupo sa couch. “Ano ‘yon?” Inabot niya pa ang isang lata ng beer at uminom, hinihiling na mapawi niyon ang pag-iinit na nararamdaman.
“A-ayos lang ba na... na manatili muna ako sa trabaho ko rito sa ‘yo?” tanong ni Janice, may mahihimigang hiya sa tono. “H-hindi ko pa kasi alam kung... kung magagawa kong mag-apply ngayon. Kailangan ko muna sigurong maka-get-over sa pagkawala ni Krissa.”
Napatitig si Martin sa dalaga ng ilang sandali. Tama, pansamantala nga lang pala ang pagtatrabaho ni Janice sa lugar niyang ito. Nakalimutan niya iyon. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot. “Walang problema. Stay in this job for as long as you want. Kung hindi sapat ang kinikita mo, willing akong taasan ang suweldo mo.”
Tumawa ang babae. “You’re treating me like a charity,” iiling-iling na wika nito. “Pero salamat... sa lahat.”
Hindi naman sumagot si Martin, nilagok niya na lamang ang natitira pang lamang beer sa latang hawak. Mayamaya ay napatingin siya kay Janice nang tumayo ito.
“M-maghuhugas lang ako ng kamay at maghahanda na sa pagtulog.” Ngumiti ito. “Dapat ko nang tigilan ang pag-inom dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga nararamdaman ko.”
Pinagmasdan niya lang ang dalaga hanggang sa makalakad ito palayo patungo sa kusina. Inilapag ni Martin ang hawak na lata sa mesita pagkatapos ay ilang sandaling nakatitig lamang sa kawalan.
Nang hindi pa bumabalik si Janice ay nagdesisyon na siyang sundan ito. Pagkarating sa kusina ay agad niyang nakita ang dalaga na nasa kitchen counter, nakatalikod sa kanya at katatapos lamang uminom ng tubig.
Damn, she was so beautiful and hot even from behind. Dapat ay umaalis na siya doon nang mga sandaling iyon pero hindi naman magawang sumunod ng katawan. Kanina pa siya nakakaramdam ng matinding pag-iinit. Ganito naman siya madalas tuwing malapit sa babaeng ito.
It was like he was being enchanted by her. Hindi naman ganito ang tipo niyang babae. He was more into model-types. Pero hindi maunawaan ni Martin kung bakit napakalakas ng epekto sa kanya ng babaeng ito. Yes, Janice was also very beautiful... and sexy, as well. Imposibleng hindi ito mapansin ng isang lalaki.
Marahang humakbang si Martin palapit sa kinatatayuan ni Janice. Mukhang hindi nito napansin ang presensiya niya kaya hindi pa rin humaharap. Gusto ng isipan niya na utusang humarap ang babae upang mapigilan niya pa ang sarili.
Nang tuluyang makalapit sa likod nito, wala nang matinong kaisipan ang dumaloy sa utak ni Martin. Her amazing womanly scent and her heat erased all reasonable thoughts in his mind. She was just so inviting that he couldn’t control himself and circled his arms around her waist.
Naramdaman niya ang pagkatigil ni Janice, narinig ang pagsinghap nito. “M-Martin,” usal nito sa kanyang pangalan, hindi pa rin umiikot paharap.
Mas higit na napag-igting ng pagbanggit nito sa kanyang pangalan ang init na nararamdaman ni Martin. Isinubsob niya ang mukha sa gilid ng leeg ni Janice, nilalanghap ang mabangong amoy nito. “You’re so hot,” he whispered huskily.
Bumilis na ang paghinga ng dalaga. “M-Martin... a-ano bang—”
Hindi na naituloy ni Janice ang nais sabihin nang simulan niyang halikan ang leeg nito. Ang isang kamay ni Martin ay humawi sa mahabang buhok ng dalaga para paglandasin ang mga labi sa batok nito. He felt Janice shivered and it was turning him on more than ever. Sigurado siyang nararamdaman na nito ang epekto ng lahat ng iyon sa pagkalalaki niya.
“M-Martin... d-don’t...” nangangatal na ang boses ni Janice.
Hinintay niyang ituloy ng dalaga ang nais sabihin. Kung tututol ito ay titigil siya. Kahit mahirap ay titigil siya. Pero hindi narinig ni Martin ang pagpapatuloy ni Janice. Sa halip ay naramdaman niya ang isang kamay nito na lumapat sa kamay niyang nakapulupot pa rin sa baywang ng dalaga.
Martin groaned and moved his lips to her earlobe, nibbling at it gently. Damn, gusto niyang mahalikan muli ito. He wanted to feel every part of that luscious body. He wanted to taste her. He wanted to make her his. At siguradong hindi niya na magagawa pang pigilan ang sarili ngayon. Mababaliw siya kapag nangyari iyon.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora