Chapter 7 Part 2

21.7K 519 16
                                    

“SALAMAT sa paghatid sa akin,” wika ni Janice nang makalabas sila ng pick-up ni Martin nang gabing iyon. Matapos ang trabaho sa bahay ng binata ay inalok siya nito na ihatid kahit ilang beses na tumanggi. Gabi na raw kasi at medyo nahirapan din siya sa pagkuha ng masasakyan dahil holiday nang araw na iyon.
“Walang anuman,” tugon ni Martin. Inihatid siya nito hanggang sa pinto ng apartment. “Tulog na siguro si Krissa ngayon.”
Tiningnan ni Janice ang suot na relo. Mag-a-alas-nueve pa lamang ng gabi. “Hindi pa siguro. Gusto mo ba siyang makita sandali?”
“Kung ayos lang sa ‘yo,” tugon ng binata.
Tumawa siya. “Siyempre naman.” Pinasunod niya lang ang lalaki sa kanya. “Si Aling Cora ang nagbantay sa kanya ngayong araw.”
Pagkapasok nila sa loob ng apartment ay agad niyang nakita si Aling Cora na nakaupo sa sofa habang pinapainom ng gatas sa bote si Krissa.
“O, ineng, mabuti naman at nandito ka na,” bati sa kanya ni Aling Cora. Sandali lang itong sumulyap kay Martin. “Hindi pa rin natutulog itong pamangkin mo.”
Lumapit si Janice sa mga ito at maingat na kinuha si Krissa. “Naku, pasensiya na po kayo talaga sa mga abalang ginagawa ko. Dapat nagpapahinga na rin kayo ngayon.”
Tumawa si Aling Cora. “Ayos lang ‘yon, ineng. Masaya naman akong maalagaan si Krissa, napakabait na bata.”
“Salamat po ng marami,” taos-pusong wika niya.
“Siya, sige, aalis na ako. Hindi pa bumabalik ang mga kasamahan mo dito sa apartment,” ani Aling Cora.
“Oh.” Bumuntong-hininga si Janice. “Nag-out-of-town po sina Yesha at Hannah kasama ang mga kaibigan nila. Baka bukas na sila bumalik.”
“Ganoon ba?” Tumango-tango si Aling Cora bago muling tumingin kay Martin. “Wala naman sigurong magiging problema dahil may makakasama kayo ngayon ni Krissa.” Ngumiti ang ginang bago tuluyan nang umalis.
Napatingin si Janice kay Martin nang maupo ito sa sofa, katabi niya. Dahil doon ay hindi na tinapos ni Krissa ang pag-inom ng gatas at nagpunta sa kandungan ng binata. Napangiti na lang siya.
“Kayo lang palang dalawa ni Krissa dito ngayong gabi?” mayamaya ay narinig niyang tanong ni Martin.
Tumango siya. “Inalok akong sumama nina Yesha sa out-of-town na ‘yon pero tumanggi na ako. May trabaho pa ako sa ‘yo at mahihirapan lang akong alagaan si Krissa doon.”
“Ayos lang ba na kayong dalawa lamang dito?”
Tiningnan ni Janice ang binata at nakita ang pag-aalala sa mga mata nito. Ngumiti siya. “Oo naman. May mga kapitbahay naman kami sa apartment na ito at saka ila-lock ko naman ang pinto.”
Bumuntong-hininga lang si Martin at ibinaba na ang tingin kay Krissa na nilalaro na ang mga sariling mga kamay.
“Makakatulog na ‘yan mamaya,” wika niya. “Basta naglalaro na siya ng ganya’n, inaantok na ‘yan.” Mahina pa siyang napatawa. “Ipagtitimpla muna kita ng maiinom.”
Hindi na pinasagot ni Janice ang binata at tumayo na para magtungo sa kusina. Walang nakahandang pagkain doon kaya tanging juice lamang ang maiaalok niya sa bisita.
Ilang minuto lang ay nakabalik na siya sa sala. Dahan-dahan niyang inilapag sa mesita ang basong hawak nang mapansin na nakatulog na ang pamangkin.
“Mukhang kailangan ko na siyang ilagay sa kuna niya,” mahinang wika ni Janice.
“Ako na ang maglalagay sa kanya,” wika ni Martin nang akmang kukunin niya ang pamangkin. “Hintayin mo na lang ako dito.”
Hindi na naman siya tumutol at itinuro sa binata ang kuwarto niya kung saan naroroon ang kuna ni Krissa. Nang mapag-isa ay naupo na lamang siya uli sa sofa at hinintay ang pagbalik ni Martin.
Napakatahimik ng buong apartment. Humugot ng malalim na hininga si Janice. The thought of being alone in her place with Martin Velasco made her feel warm all of a sudden. Marahan niyang ini-iling ang ulo. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito tuwing napapag-isa kasama ang binata.
Nagitla pa si Janice nang marinig ang pagtikhim ni Martin na hindi namalayang nakatabi na pala sa kanya. Iniiwas niya agad ang tingin nang magsalubong ang mga mata nila. “Inumin mo na ang juice mo bago mawala ang lamig,” wika niya.
Nagpasalamat si Martin at inabot ang basong nasa mesita. “Naisip ko lang...” panimula nito makalipas ang ilang saglit. “Puwede akong manatili rito hanggang bukas para may makasama kayo. Hindi rin ako mapapakali sa kaisipang kayo lamang ni Krissa dito ngayong gabi.”
Hindi inaasahan ni Janice ang sinabi ng binata. Napatingin siya dito para alamin kung nagloloko ba ito pero pawang kaseryusohan lamang ang makikita sa itim na mga mata ni Martin.
“Iyon ay kung ayos lang sa ‘yo,” dugtong ng binata. “Walang problema kahit na dito ako sa sofa matulog.”
Lumunok si Janice para alisin ang tila bara sa lalamunan. Magpapalipas dito ng gabi ang binata? Hanggang kailan pa ba siya balak torture-in ng lalaking ito? Bakit ba ito patuloy na gumagawa ng mga bagay na mas lalong nakakapagpasidhi ng nararamdaman niyang atraksiyon para dito?
Palihim siyang humugot ng malalim na hininga bago sumagot. “W-wala namang problema,” aniya. “Puwedeng... sa kuwarto ka na rin matulog. T-tatlo naman ang kama doon. Gamitin mo muna ang sa mga kasamahan ko.”
Tumango si Martin, tila nawala na rin ang pag-aalalang nasa mga mata nito simula pa kanina.
“K-kumusta na nga pala si Stefie?” tanong niya makalipas ang ilang sandaling katahimikan. “She’s pregnant, right?”
Tumango si Martin. “Maayos naman na ang lagay niya. Pansamantalang tumitira na rin si Bernard sa lugar ni Stefie,” tukoy nito sa kaibigang si Bernard Buenaventura na siyang nobyo ni Stefie. “Malapit na rin naman silang ikasal.”
Hindi napigilan ni Janice ang mapangiti. Masaya siya para sa matalik na kaibigang si Stefie dahil makakabuo na ito ng sariling pamilya. At mukha namang ayos na kay Martin ang relasyon ng kapatid sa kaibigang si Bernard.
Mahigit isang oras pa siguro silang nagkuwentuhan ni Martin patungkol sa kapatid nitong si Stefie at sa iba pang mga bagay hanggang sa unti-unti ay nakaramdam na siya ng antok. Napahikab na siya nang hindi namamalayan.
“Inaantok ka na ba?” narinig pa niyang tanong ni Martin.
Ini-iling ni Janice ang ulo kahit namumungay na ang mga mata. Hindi niya pa gustong matulog dahil mas nais pang makausap si Martin. Pero mukhang napagod siya kanina sa pagtatrabaho at biyahe.
Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Martin. “Huwag mo nang pilitin, dadalhin na kita sa kuwarto.”
“Dadalhin?” Natatawang ulit ni Janice. “Itutulad mo rin ako kay Krissa?”
Ngumisi ang binata. “Bakit hindi?”
Akmang ibubuka pa ni Janice ang bibig nang tumayo si Martin at walang sabi-sabing pinangko siya. Her heart tumbled in her chest. “I—” Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin nang maglakad ang binata papasok sa loob ng kuwarto niya.
Bumuntong-hininga na lamang siya at ikinawit ang mga braso sa leeg nito. It felt so good to be this close to him. No man had ever treated her like this. Na para bang isa siyang prinsesa.
Nang makapasok sila sa loob ng silid ay maingat siyang inilapag ni Martin sa ibabaw ng kama. Subalit hindi pa rin magawang alisin ni Janice ang pagkakapulupot ng mga braso sa leeg ng binata. Kahit inuutusan ng isipan ay hindi naman sumusunod ang katawan.
Sinalubong ni Janice ang tingin ng binata. They remained staring at each other’s eyes for a long while. Hanggang sa mayamaya ay naramdaman niya ang pagtaas ng isang kamay ni Martin patungo sa kanyang buhok.
He lightly caressed her hair, down to her cheeks. Umawang ang mga labi ni Janice nang mapadako ang tingin sa mga labi ng binata. She was so mesmerized by him – by his nearness, his scent, his warmth. At ang init ng katawan na kanina pang nararamdaman ay tila mas higit pang lumala.
“So beautiful,” Martin murmured in a low, husky voice.
Namungay ang mga mata ni Janice. Her heart was about to burst in her chest at any moment. She wanted to kiss him, to feel his lips on hers. Gusto niya iyong sabihin sa binata pero hindi naman matagpuan ang sariling boses. O baka hindi niya na kailangang sabihin dahil nakikita na iyon sa kanyang mga mata.
Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Martin palapit sa kanya. There was hesitation in his eyes for a while. Iglap ding naglaho at napalitan ng pagnanasa nang paglandasin ni Janice ang isang kamay sa balikat ng lalaki. Hindi naman nagtagal ay naramdaman na niya ang marahang paglapat ng mga labi ng binata sa mga labi niya.
She was expecting a slow, romantic kiss but Martin traced his tongue on her lower lip before kissing her passionately. Napaungol siya sa loob ng mga labi ng binata. Halos mabaliw siya dahil sa paraan ng paghalik nito.
Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sariling magpadala sa mainit na halik ni Martin. Hanggang sa unti-unti ay kusa nang gumagalaw ang kanyang mga labi para gantihan ang paghalik nito.
Lumipat ang isa niyang kamay sa buhok ng binata, higit pa itong hinihila palapit. Oh, he tasted so good. Her lips moved with his in a hungry way. Na para bang sobrang tagal na nilang ninasang matikman ang mga labi ng isa’t isa.
Mahabang sandaling naghinang ang kanilang mga labi at hinihiling ng puso ni Janice na sana ay hindi na matapos ang sandaling iyon. Subalit mayamaya ay bahagya nang naglayo ang kanilang mga labi para lumanghap ng hangin. Pareho silang naghahabol ng hininga.
Iminulat ni Janice ang mga mata at nasaluong ang itim na itim na mga mata ni Martin. There was lust in those eyes, and that made her heart beat even faster in her chest. Ano na ba itong nararamdaman niya? Ano na ba itong nangyayari sa kanyang puso?
Ipinikit niya muli ang mga mata at ibinalik ang pagkakapulupot ng braso sa leeg ni Martin. Isinubsob ni Janice ang mukha sa dibdib nito, ramdam na ramdam na ang matinding pag-iinit ng mukha. Hindi niya alam kung magagawa pa bang tumingin sa binata ngayon. “L-let’s... let’s go to sleep,” bulong niya na lang sa medyo garalgal na tinig.
Hindi niya narinig ang pagtugon ni Martin. Pero ilang sandali lang ay naramdaman niya na ang pagsampa nito sa kama para tumabi sa kanya. Ipinulupot nito ang isang kamay sa baywang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito.
Wala nang lakas si Janice para lumayo o tumutol, hindi rin naman iyon ang gusto ng puso niya. Iniyakap niya na lamang din ang isang kamay sa katawan ng binata at ninamnam ang init na ipinagkakaloob ng katawan nito.
Ni minsan ay hindi siya natulog katabi ang isang lalaki, kahit na sa mga dating naging nobyo. Alam niyang mayroon nang mali sa sarili ngayon. Sigurado siyang mayroon nang nagbago. Pero hindi niya alam kung magagawa bang aminin sa sarili kung ano ang mga iyon.

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now