Chapter 20 Part 2

19.9K 480 9
                                    


SINUBUAN ni Janice ng ubas si Martin habang abala ito sa panonood ng football sa TV na nasa harapan. Naroroon pa rin sila sa ospital pero ilang araw na lang naman ay maaari nang i-discharge ang nobyo. Bukas nga ay tatanggalin na ang cast na nasa mga binti nito.

“Hindi pa rin ba nahahanap sina Andreah?” narinig niyang tanong ni Martin mayamaya.

Nagulat si Janice dahil sa tanong na iyon ng nobyo. Alam niyang madalas na kausap ni Martin si Bernard nitong nakaraang mga araw para makibalita sa paghahanap kina Andreah at sa lalaking dumukot sa kanya. “H-hindi pa,” tugon niya.

Nag-igting ang mga bagang ni Martin. “Kapag gumaling na ako, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mahanap sila. Hindi ako makakapayag na makatakas sila matapos ang ginawa sa ‘yo.”

Ramdam na ramdam ni Janice ang matinding galit ng nobyo. Umisod siya ng upo palapit dito at inihilig ang ulo sa balikat ng lalaki. “Siguradong pagbabayarin din sila ng Diyos sa kasamaan nila,” bulong niya. “She’s a crazy woman. Si Andreah. Hindi niya na alam ang ginagawa niya. Masyado sigurong tinamaan ang ego niya noong makipaghiwalay ka.”

“Tama lang ang ginawa ko,” ani Martin. “Wala rin naman siyang ibang ginawa kundi ang akitin ang mga lalaking nakapalibot sa akin na para bang nangongolekta ng laruan. Wala siyang kuwentang babae.”

“But you loved her,” sabi pa niya, nakanguso.

“Hindi ko siya minahal.” Tiningan siya ni Martin. “Sinabi rin ba niya sa ‘yo ‘yan?”

Umiling si Janice. Nawala ang nararamdamang pagseselos dahil sa sinabi ng nobyo.

Bumuntong-hininga si Martin. “Ikaw lang ang babaeng nakanakaw sa puso ko.” Ngumisi ito. “Hindi ko nga alam kung paano mo nagawa. Ginayuma mo ba ako?”

Naiinis niyang hinampas sa balikat ang lalaki pero agad din namang nag-alala nang makita ang pag-ngiwi nito. “N-nasaktan ba kita?” tarantang tanong ni Janice.

Tumawa si Martin at ninakawan ng halik ang kanyang mga labi. “Kidding.”

Napabuntong-hininga si Janice. “Ubusin mo na nga ‘tong ubas mo. Kaya mo namang kumain mag-isa.” Akmang tatayo na siya nang marinig ang muling pagsasalita ni Martin.

“Puwede mo bang iabot ang tray na nandiyan sa mesa?” tanong nito.

Tinignan ni Janice ang mesang naroroon at nakita ang isang pabilog na silver tray. Nilapitan niya iyon at kinuha. “Pagkain ba ito?” tanong niya pa, nagtataka dahil magaan lamang. Bumalik siya sa kama at inilapag sa gilid niyon ang tray.

“Buksan mo,” utos pa ni Martin, nakatutok lamang ang tingin sa TV.

Napailing na lang siya. Mukhang napaparami na ang utos ng nobyo, ah? Maging sa pagbubukas ng takip ng simpleng tray ay kailangan pang—

Ganoon na lamang ang pagkatigil ni Janice nang makita kung ano ang nakalagay sa loob ng tray. Punong-puno iyon ng heart-shaped candies at nasa gitna ang isang papel na may nakasulat na dalawang salita – ‘marry me’. Pakiramdam niya ay biglang nanlambot ang mga tuhod kaya naituon ang mga kamay sa kama.

Ilang sandaling nakatitig lamang siya sa tray. Pilit isinisiksik sa isipan ang ibig sabihin ng nangyayari. Martin was... was proposing to her? Hindi niya magawang maipaliwanag ang mga emosyong bumabalot sa buong pagkatao ng mga sandaling iyon. Her heart was about to explode with extreme joy. Gusto siya nitong pakasalan. Gusto siyang pakasalan ni Martin!

“Hindi ka ba sasagot o hihintayin mo pa ito?” mayamaya ay narinig niyang tanong ng nobyo.

Iniangat ni Janice ang tingin at napasinghap nang makita ang hawak na singsing ng lalaki. It was a silver ring with a shining diamond on top. Natutop niya ang bibig at hindi na napigilan ang mapahikbi. “B-bakit ka nagpo-propose sa lugar na ito?” nagawa niya pang itanong sa nagbibirong tinig.

Tumingin sa kanya si Martin, may nagbabanta na ring mga luha sa mga mata. “Dahil hindi natuloy noong inimbitahan kita sa isang lunch date.” Itinaas nito ang isang kamay para pahirin ang mga luha sa kanyang pisngi. “Kinausap ko pa si Stefie para tulungan ako sa paghahanda niyan. Dapat ay bukas pa para matapat na Valentines pero hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko. Tuwing nakikita kita, iyan lang ang nasa isip ko. Ang pakasalan ka. Ang opisyal kang itali sa puso ko, sa buhay ko. Habang-buhay. I’ve been like a fool since I fell in love with you. Binaligtad mo ang buong mundo ko. Hindi ko alam kung kailan kita minahal, siguro noong makita kita sa kalsada na napag-tripan ng mga tambay... siguro noong magsimula kang magtrabaho sa akin... siguro noong mag-date tayo sa E&P Hotel. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay nagawa kong malaman ang kahulugan ng pag-ibig simula nang guluhin mo ang buhay ko.”

Hindi na napigilan ni Janice ang mapangiti, pero patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha. Kitang-kita niya ang pag-ibig sa mga mata ni Martin. Ramdam na ramdam niya ang kaseryusohan sa bawat salitang binibigkas ng mga labi nito.

Inabot ni Martin ang kaliwa niyang kamay para isuot sa palasingsingan ang singsing na hawak. “Kaya gusto kong pakasalan mo na ako, Janice. Para wala nang ibang lalaki ang magtangkang lumapit sa ‘yo, ang magtangkang agawin ka pa sa akin. At para hindi na ako matatakot na tumakbo ka pa palayo balang-araw. I want you to bear my name and take good care of it.”

Sumampa si Janice sa kama at niyakap ang nobyo. “I will, Martin,” puno ng pagmamahal na tugon niya. “I love you.”

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng nobyo bago siya niyakap ng mahigpit. “Magpakasal na tayo kaagad kapag nagawa ko nang makalakad uli ng maayos, okay?”

Tumango siya at hinagkan ng mariin sa mga labi ang lalaki. Ilang sandaling naghinang ang kanilang mga labi hanggang sa maramdaman ni Janice ang mga kamay ni Martin sa kanyang dibdib. Kahit mahirap ay pinilit niya ang sariling bahagyang lumayo.

Napaungol ng protesta si Martin. “Baby...” may pagmamakaawa na sa boses nito.

“Not yet, Martin,” anas niya. Sumulyap sa hospital gown na suot nito at ngumisi nang mapansing naapektuhan na agad ang lalaki sa simpleng halik lamang.

Naiinis na sumandal si Martin sa headboard ng kama. “It’s still reacting, you know,” anito sa magaspang na tinig. “Mabuti na lang at hindi naapektuhan ng apoy.”

Malakas nang napatawa si Janice. “Well, I still love you no matter what.” Hinalikan niya sa pisngi ang nobyo at tumabi rito. “You’re still my one and only master.”

[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare)Where stories live. Discover now