Rage 7. Cheldon Lee

Start from the beginning
                                    

"Dr. Lee if you reject Mr. Kang I don't have a choice but to fire you" sabi naman ni Chairman kaya humarap na ako sa kanila at pilit pinapakalma ang sarili.

"Fine I will be your son's personal physician" pagkatapos kong sabihin yun ay agad na akong umalis at dumeretso sa office ko at padabog na umupo sa sofa.

♢♢

"Dito po ang room ni young master" guide sa akin ng maid kaya tumango ako at binuksan na ang pinto.

Malawak ang loob ng kwarto at sakto lang sa pasyente ang ambiance. Napalingon naman ako kung saan nakahiga ang anak ni Mr. Kang. Lumapit ako doon at hinawi ang kurtina, halos mabitawan ko ang hawak kong attache case ng makilala ko kung sino.

Nanlaki ang mata ko at nilibot muna ng tingin ang paligid at may nakita akong CCTV sa bawat sulok nitong kwarto. Alam kong sa oras na ito pinapanuod ako ni Mr. Kang.

I tried to calm myself at lumapit na kay Steve.

Hindi ko aakalain na buhay pa si Steve at sya pa mismo ang aalagaan ko everyday tss.

Bigla kong naalala si Clariz. . Pilit kong pinapamukha sa kanya na patay na si Steve. Hindi nya matanggap ang pagkamatay ni Steve but hindi ko sasabihin sa kanya na buhay pa ang lalaking minumukmok nya ngayon. Dahil masisira ang plano ko sa paghihigante kay Ericho.

Chineck ko ang pulse rate nya at may posibilidad na magising sya kasi normal na ang heart beat nya.

May cast din sya sa ulo at may sugat sa gilid ng kilay nya. Tinanggal ko ang kumot at pati pala kamay at paa nya mas cast din. Binalik ko nalang ulit ang kumot at umupo sa katabing upuan ng higaan nya.

Tinitigan ko ang kalagayan ngayon ni Steve, sigurado akong nabugbog ang katawan nya sa aksidente at kung titignan naghihirap sya ngayon sa sitwasyon nya.

♢♢

"Where's Clariz?" Tanong ko sa butler pagka uwi sa bahay.

"Nasa kwarto parin po sya at nagkukulong" napailing nalang ako dahil hindi parin sya makamove on kay Steve.

Ako na mismo ang pumunta sa kwarto ni Clariz at binuksan ang pinto. Gulo gulo na ang gamit nya at nakita ko syang nakaupo sa sahig habang nakatulala.

Tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan ang magkabila nyang balikat.

Namumutla na ang balat nya at namumula din ang ilalim ng mata nya sanhi ng kakaiyak. Hinawakan ko ang noo nya at sobrang init nya.

"Clariz ano bang ginagawa mo ha!? Pinapatay mo ang sarili mo e" sigaw ko sa kanya at inalalayan syang tumayo pero tinapik nya lang ang kamay ko.

"Mas mabuti ng mamatay na din ako" sabi nya kaya hinarap ko sya saken.

"Look Clariz. . Kung mamamatay ka paano na ang paghihigante mo kay Ericho? Sya ang may kasalanan kung bakit hindi natuloy ang kasal nyo" nanlaki ang mata nya at umiwas ng tingin.

Nakita ko ang nanggigigil nyang kamao kaya hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sya sa mata.

"Clariz. . Kailangan nating makuha ang hustisya. . Kailangan mong maipaghigante ang pinakamamahal mong si Steve" sabi ko kaya ngumiti sya at inalalayan ko na syang makaupo sa kama.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now