Chapter 34

3 0 0
                                    

Dave's POV

This is it! This is it Pancit!
Naku. Naku. Magpapa-gwapo ba ako? Hindi na kailangan Gwapo na ako. Maiingit kayo sa kapogian ko. Please lang.

Ginamit ko ang motor ko. Siguradong madami na naman kotse dun sa bahay nila kaya motor nalang gamitin ko.

Nadatnan ko si Monica at James. Wala pa Si Jinsen.

"Hey!" Bati ko sakanila.
"Effort ha? Hindi mo man lang sinabi na may pasurprise-surprise ka pa." Sabi ni Monica.
"Edi gumawa ka din ng iyo. Wala pa naman sila." Nakangiti kong sabi.
"Huwag na nakakahiya naman sayo. Baka makabog pa kita." Nakangisi naman ito.
"Tsss. Asa ka." Sabi ko.
"Anong oras daw ba sila dadating?"
"Hindi ko alam. Si tita nanay nakausap ko ih."
"Hindi si Jansen nagsabi sayong uuwi sila ngayon?" Gulat na tanong ni Monica.
"Gulat na gulat ha? Letse mo. Aba malay ko. Basta dadating na sila. Malapit na sila siguro." Sabi ko kaya tumango naman siya.

"Nanjan na sila." Singit ni Jinsen samin.
"Wooh!" Sigaw ko.
"Hoy. Nakakabingi. Akala mo babae kung tumili." Sigaw ni Monica kaya nag-peace sign ako.

Ayan na! Sinara namin ang pintuan para isurprise sila. Hihi. Para may thrill diba? Nadidinig ko na ang boses ni tita nanay. Na-excite na ako. Ayan na.

"WELCOME HOME JANSEN!" Sigaw namin ng magbukas ang pituan.

Lahat kami natahimik sa nakita namin. Nagulat kami. Wala ni isang nagsalita samin. Unti-unti ng may nabubuong tubig saking mga mata.

Nilapitan ako ni Tita Nanay. Niyakap ako. Hindi. Hindi totoo tong nakikita ko.

"Kung nananaginip ako ngayon. Paki-gising naman ako tita nanay." Sabi ko. Tumingin ako sa tarpaulin.
"Hindi ito panaginip anak. Ito ang kagustuhan niya. Sana maintindihan mo siya." Sabi sakin. Nilapitan naman ako ni Monica.
"Ayaw ka niyang nakikitang umiiyak." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Hindi. Hindi siya yan." Sigaw ko.
"Dave. Kailangan mong tanggapin anak."
"Paano nangyari? Pumunta kayo sa ibang bansa para magpagaling." Galit kong tanong.
"Hindi siya pumayag sa opersyon." Sabi ng tatay niya.
"Pumayag siya. Sinabi niya sakin. Diba Monica? Nandun ka pa nung sinabi niya yun?" Para na akong baliw.
"Simula nung nalaman niyang Si Christian ang Donor niya. Pinahirapan na niya lalo ang sarili niya. Hindi na siya lumaban. Gustohin man namin siyang iuwi dito pero yun yung dinig naming hiling niya sa langit." Tinignan niya ako. "HINILING NIYANG UMUWI NA SIYA SA LANGIT KUNG SAAN SIYA NAKATIRA." Nag-iiyakan na kaming lahat. tinignan ko ulit ang kabaong niya.

Oo. Patay na siya. Mahimbing na siyang natutulog sa puting kama niya. Ang amo ng mukha niya. Ang payat payat na niya.
"Jansen, bakit hindi ka lumban para sakin? Para samin? Paano na kami? Paano na tayo? Magpapakasal pa tayo. Jansen. Bakit mo ako iniwan?" Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nakikita siyang nakahiga habang ako nandito humihinga.
"Isama mo nalang ako Jansen. Wala din namang saysay tong buhay ko."

Lumapit na din sina Monica. Jinsen at James. Niyakap namin ang isat-isa.

Hindi kami makapagsalita. Wala na. Wala na ang kulay ng buhay namin. Wala ng magpapasaya samin. Wala na kaming tinuturing na baby namin.

Iniwan na kami ng pinakamamahal naming Jansen.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon