Chapter 16

1 1 0
                                    

Jansen's Pov

Tahimik kong nadatnan ang bahay namin. Baka nasa school pa ang kakambal ko. nasa America naman ang parents namin. Nagtungo ako saking kwarto at nahiga iniisip ang nangyari kanina at sumagi sa isip ko si Nic kaya tinawagan ko siya.

"Kyaaah! Tinawagan mo ako. Ang swerte ko. Tinawagan ako ng KAIBIGAN KO." sigaw niya mula sa kabilang linya. Hindi ko kasi siya tinatawagan. naguilty tuloy ako.
"May sasabihin ako." Sabi ko.
"Ayown! Saka mo nalang talaga ako naaalala kapag kailangan mo ako." Malungkot niyang sabi.
"Hoy! H---indi ah." Fuck. Bakit ngayon pa.
"Hindi daw. Haha. Tang-ina naman bes. Oo na sabihin mo na." Sabi niya.
"Kasi bes ano. Nakita ko kanina si Daves sa cafeteria na--"
"Wait. Ibig mong sabihin hindi kayo nagkasama kanina?" Pagpuputol niya ng sasabihin ko.
"Hin----" pinutol niya na naman.
"whaaaat? Bakit? Why? Anong nangyari bes. MAGKWENTO ka DALI." Diniin pa ang magkwento pero pinuputol naman niya ang sasabihin ko.
"Langya ka. Huwag ka mo na kasing sasabat. Hintayin mo akong matapos." inis kong sabi.
"Sorry naman bes." Natatawa niyang sabi.
"Ganito kasi yun."

FLASHBACK.

Inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin ng biglang may kuma-usap sakin.

"Ate ikaw si Jansen diba?" Tumango ako at ngumiti. "Boyfriend niyo po ba si Kuya Dave ate ?" Tanong niya. Ang kyut naman ng pisngi nito.
"Oo bunso. Sa katunayan nga hinihintay niya ako sa cafeteria ngayon. Gusto mo ikaw ang maging anak namin?" Nakangiti kong sabi.
"oo naman po ate pero sino po yung kasama ni Kuya sa cafeteria ate?" Kumunot naman ang nuo ko. Waaah! Ipinagpalit na niya ako.
"Baka kai--bigan lang niya yun bunso." nautal kong sabi.
"Magkatabi po sila ate. Kitang-kita ko po." Sabi niya. Binilisan kong inayos ang sarili ko.
"Mauna na ako bunso ha? Titignan ko king sino yang sinasabi mo." sabi ko.
"Alyza Corpuz nga pala ate." Sigaw niya ang kanyang pangalan. Kumaway ako sa kanya at ganun din siya.

Nagmadali akong pumunta sa Cafeteria. At nung nmalapit na ako. Binagal ko lang para kunwari hindi ako excited na makita siya. Hihi. Ng nasa pinto na ako nahagip ko agad siya at kasama si Eileen.

At sa hindi ko inaasahan

Hinalikan niya.

Naghalikan sila.

END OF FLASHBACK.

"Bakit hindi mo nilapitan bes para sinampal siya." galit niyang sabi.
"Baka naman siya lang kasi ang may gusto nun bes. Alam naman natin na mahal ako ni Dave." Sabi ko.
"Ayan. Ipagtatanggol mo na naman niya." Sabi niya.
"Hindi naman. Hindi naman natin alam ang nangyari. Nangako siya sakin na babawi siya sakin. Na gagawa pa kami ng madaming masasayang alaala." Kinikilig konng sabi.
"Suss! kung ganun, bakit may nalalaman ka pang walk out?" biro niyang tanong.
"masakit naman kasi bes. Kahit na sino masasaktan. Kaya kinailangan ko ng oxygen baka mahimatay ako dun. Haha." Natatawa kong sabi.
"Sabagay. Pero bakit ginawa ni Eileen yun bes.?" Tanong niya. Sasabihin ko ba ? Oo nalang. Bestfriend ko naman siya.
"Mukhang gusto niya si Daves bes. Ay. Mali. Mahal niya pala. Kasi binully niya ako kanina at sinabihan na HIWALAYAN ko daw si Dave at hindi lang daw iyon ang mararanasan ko kapag hindi ko siya hiwalayan." Sabi ko.
"Sinabi niya yun bes?" Gilat niyang tanomg.
"Kakasabi ko lang bes. Huwag ka namang BINGI. pangit kana nga bingi ka pa." Lol.
"Ang sama mo talaga sakin. Pero ano na ang gagawin mo bes? Hihuwalayan mo ba si Dave?" Hihiwalayan ko nga ba? Paano nalang ako? maaga akong mamamatay nito.
"HINDI bes. Haharapin namin ni Dave ito. Malakas ang kutob ko na malalagpasan namin ito." Sabi ko.
"yown. Pumapag-ibig bes. Anong lasa?" Tanga talaga nito. Pinatay ko na ang cellphone ko. Wala namang kwentang kausap yun. Baka bwisitin pa ako. Mahirap na.

Dave.....
Sana tama ako.
Sana hindi mo ginusto ang halik na yun.
Sana ako parin.
Sana wag mo ulit akong saktan.
SANA TAYO HANGGANG SA HULI NATING HININGA.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon