Chapter 28

2 0 0
                                    

Jansen's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang bigat ng pakiramdam ko. Kinapa ko ang mga tao sa paligid ko. Nakakunot akong pinagmasdan sila.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" Takang tanong ko. Lumapit naman sakin si Monica at niyakap ako.
"Power hug bes. Para may babaonin ka." Sabi niya.
"Papatayin mo ba ako sa yakap mo? Letse nito kung makayakap akala mo hindi tayo nagkita kanina." Inis kong sabi.
"Bes naman. Huwag ka ngang hard sakin." Malungkot kunwari niyang sabi.
"Mag-ayos na kana, pwede ka ng lumabas." Singit ni Christian.
"Ikaw nalang pinsan baka mapagod ako." Sabi ko. Oo. Pinsan ki siya. Haha.
"fuck. Ginagamit mo na ngayon ang sakit mo?" Sabi niya kaya napangiti ako.
"Hindi pinsan. Pinsan tayo diba? Kaya ikaw nalang. Tara na nga Bes." hinila ko ang kamay ni Monica.
"Dahan-dahan naman Jansen." Sabi ni James.
"Nanjan ka pala. Akala ko pader yan. Magkakulay kasi kayo. Anong meron sa white ngayon?" Natatawa kong sabi
"Huwag ka ngang ano jan bes. Nakapagpahinga lang saglit hyper na naman agad." pagpipigil sakin ni Monica.
"Tse! Huwag kang OA." Sabi ko. "Nasan pala si Dave?" Tanong ko. Hindi nila ako sinagot. Nagpalit-palit pa sila ng tingin.
"Nasan si Dave?" Pag-uulit ko.
"Si Dave?" Tanong ni Monica.
"OO si DAVE." Sigaw ko.
"Si Da--ve. Ano kasi. Si Dave. Tama. May pinuntahan si Dave mo. Bumili." Natatarantang sagot ni Nic.
"Sinungaling." Sabi ko at nauna ng naglakad.

Iniwan na naman ba ako? Akala ko ba ok na kami? Wala pala silbi ng pagpapagaling ko. Sana namatay nalang ako. Unti-unti din naman akong nasasaktan. Nasa sasakyan na kami. Walang nagsalita ni isa samin. tumingin ako sa labas ng bintana. Medyo madilim na pala. Tsss. Hanggang kailan ba kasi ako magiging ganito? Hanggang kailan matatapos ang paghihirap ko?

"Baba na. Nandito na tayo." Sabi ng pinsan ko. Bumaba naman ako. Nauna ng pumasok sina James at Monica.
"Dalian mo namang bumaba." Sabi ko sa kasama ko.
"Maghintay ka naman. May inaayos lang ako." Sabi niya.
"Tse! Pabababain mo ako tapos paghihintayin mo pala ako dito sa labas. Edi sana sinabi mo nalang na ayaw mo akong isakay diyan." Tampo kong sabi.
"Manahimik ka nga. Kotse mo to." pagpapa-alala niya. "Tara na." Nauna na siyang naglakad.
"Kung mauuna ka din naman maglakad sana sinabi mo kanina na ng nauna na ako at hindi na kita hinintay pa." Sigaw ko. Tinawanan lang ako.

Buset. Buset na buset. Mapapatay ko talaga yung lalakeng yun. Ughhh! At sinara pa niya ang pinto. Buset. Walang kwenta. Bahay niya to. Bahay niya? Tsss. Binuksan ko ang pinto.

"Welcome home Jansen!" Sigaw nila. Naiyak ako.

Nilapitan ako ni Dave. Bakit nila ginawa to? bakit kailangan pa nila akong isurprise ng ganito?

"Ilang araw lang naman ako sa Hospita kung maka-welcome home kayo." iyak kong sabi.
"Isang linggo ka kaya natulog." Sabi ni Dave.
"What? Isang linggo? as In days ?" Gulat kong tanong.
"Tsss." Sagot niya. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong ko.
"May magagawa ka ba kung sinabi ko sayo?" Tanong niya din. Walang kwenta.

Isang linggo. Paano nalang kaya kapag hindi ako nagising? Ganun na ba talaga kalala ang sakit ko? Bakit hindi ko na maramdaman ngayon? Anong nangyare sa isang linggo na yun?

"Huwag ka ng umiyak. Madaming Cookies and Cream sa kwarto mo." Sabay yakap niya sakin.
"Tara na kain na tayo. Hinihintay na nila tayo." Sabay kaming pumunta ng kusina. Kami-kami lang ang nandito. Ako. Dave. Kuya Jinsen. Christian. Monica. James at Eileen.

"Kain na tayo. Bawal paghintayin ang grasya." Sabi ko. Nag-pasalamat muna kami Sa Panginoon.
"Kainan na!" Sigaw ni Monic.
"hoy bunganga mo." Pagpipigil ni Eileen sa kanya
"Anong ganap ba ngayon?" Tanong ko habang kumakain kami.
"Wala naman. as in wala talaga. WALA diba Kuya Jinsen?" Sabi ni Nic.
"WALA talaga. Diba kambal?" Sabi naman ni kuya sakin.
"Anong malay ko sa inyo kaya nga ako nagtatanong." Tsssss.
"Kasi Cream diba magpapagamot ka?" Sabi ni Dave.
"Oo. Alam ko." Sabi ko naman.
"Nag-alala lang kami sayo kaya pinaaga nag-usap-usap kami nung tulog ka." Pagpapaliwanag niya.
"Bakit?" Sabi ko.
"bukas kana pupunta sa America." Sabi ni Kuya.
"O---okay." Malungkot kong sabi.
"Sorry Jansen. Gusto lang namin na gumaling kana." Singit ni James.
"Sorry. Iniisip lang namin na habang maaga pa mas mabuti kung maagapan ngayon." Sabi ni Chris.
"Kaya ka ba nandito?" Tanong ko. Tumango siya.
"Sasamahan kita." Sabi niya.
"Bes. Sorry kung nilihim ko sayo." Naiiyak ng sabi ni Monic.
"Okay lang. Huwag kayong mag-alala. Magiging maayos din ang lahat." Ngiti kong sabi. Pero hindi yung abot sa tenga.
"Cream. Sorry. Sorry kasi wala man lang ako magawa. Sorry kasi hindi kita masasamahan." Sabi ni Dave.
"Suporta mo lang ang kailangan ko Dave." Sabi ko.
"Tapos na ako. Akyat muna ako." Sabi ko at tinignan nila ako.
"Huwag kayong mag-alala. Magpapagamot ako." Tumango naman sila.

Nahihirapan akong nakikita silang nahihirapan.
Wala na akong ibang ginawa kundi ang bigyan sila ng problema.
Nadadamay na sila sa lungkot ko
kung pwede lang sanang bumigay na pero alam kong masasaktan lang sila
Lalaban ako hanggang sa makaya ko.
Kakayanin ko hanggat maaari.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon