Chapter 13

2 0 0
                                    

Jansen's POV.

*kringg* ayan bell na. LUCH Time na. Nag-unahan ng lumabas ang mga ka-klase ko. Nagpahuli nalang ako, ayaw ko namang makipagsiksikan, masasaktan lang ako. Nakakapaghintay ang Cafeteria. Oh diba? Hahaha. Nakangiti akong nililigpit ang aking mga gamit. Palabas na sana ako ng biglang ..

"Ang tanga kasi." nataponan ako ng juice. Tinignan ko kung sino ang nagsalita. Hindi. Hindi ako nataponan.
"Sinadya mo yun." sabay tayo ko.
"Wow ha? Sumasagot kana ngayon. Hindi porket kayo na ulit ni Dave kaya mo ng lumaban. Hindi ka nun mahal." Nakangiti niyang sabi.
"Kung hindi niya ako mahal bakit kinailangan niya pang mag-EFFORT para magkabalikan kami." Matapang kong sagot. Sinampal ako.
"hindi lang yan ang mararanasan mo kapag hindi mo siya hiwalayan." Sabay walk out.

Grabe ako na nga tong nasaktan, siya pa tong ganang mag-walk out. Wow lang Eileen. dumiretso ako sa locker ko para kunin ang PE uniform ko.

Binuksan ko ang locker ko ng may nakita akong multo.
"Kyaaaaah!" Sigaw ko. muntik na akong maiyak ng may narinig akong natatawanan. Grabe na siya.
"PATHETIC! Hahahaha. Look girls. Para siyang tanga. Maskara lang takot na siya. Pano nalang kung buhay na ipis ang nilagay natin?" Tuwang-tuwa niyang sabi. Pinabayaan ko nalang siya. Ayaw kong lumban baka mas lalo lang lalala. Ayaw ko naman na dumami pa haters ko dahil sa sikat siya. Kinuha ko na ang damit ko at lalakad na sana palayo ng pinigilan niya ako.
"Hiwalayan mo o HIWALAYAN mo. Mamili ka jan  kung ayaw mong mas malalala pa jan sa gagawin ko." Tinignan niya ako ng masama at linayasan ako. Hindi niya ako matatakot sa mga ganyan niya. Pumunta na ako ng CR at nagpalit.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon