Chapter 25

1 0 0
                                    

Monica's POV

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nakikita ang kaibigan kong nakahiga sa kama habang malambing na natutulog. Napakaamo ang mukha niya.

Nahihirapan na siya. Pinapakita niya lang na malakas siya samin.

"Mauna na ako Kuya Jinsen." Malungkot kong sabi. Tumango naman siya. Sinulyapan ko muna si Jansen bago tuluyang lumabas.

"Hatid na kita." prisinta ni James. Tinignan ko naman si Chris para humingi ng tulong baka kasi makita kami ng ate ko pero nginitian lang ako kaya tumango nalang ako.

Tahimik naming tinahak ang daan. Wala ni isang nagsalita samon hanggang sa nakarating kamia sa bahay.

"Salamat." Sabi ko at bumaba na ako sa kotse niya.

"San kayo nanggaling?" Bungad sakin ni ate.
"Wala ate." mainahon kong sagot.
"Wala? Magkasama kayo sa iisang kotse tapos wala kayong pinuntahan?" sarkastiko niyang sabi.
"Hinatid niya lang ako ate."  Sabi ko.
"Nagpapahatid ka na ngayon. Bakit naghihirap na ba tAyo?" Sabi niya.
"Ate, pwede ba. Pagod ako. Bukas nalang tayo mag-usap." Tinalikuran ko siya pero pinigilan niya ako at sinampal.
"Huwag mo akong tatalikuran habang kinakausap kita." Galit niyang sabi. Napahawak ako sa sinampal niya. naglabasan na ang aking mga luha.
"ano bang problema mo ate? ginagawa ko naman lahat ng gusto mo. Nilalayuan ko na nga si James. Hindk na nga kami masiyyadong nag-uusap ni Jansen. Wala na nga kaming communication ni Christian. Ano pa ba ate?" Sigaw na tanong ko sakanya. Saka tumakbo papunta sa kwarto ko.

Magkalaban kasi ang boutique ni ate at ang boutique nila kaya ayaw niya na lumalapit ako kay Jansen at Christian. Kay James naman, mahal niya ito.

Ang daming paghihirap.
Akala ko ba malakas ako? Akala ko kaya ko na ang lahat. Binuksan ko ang bintana at saka nagpahangin pero laking gulat ko ng may nakatayo.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong.
"Narinig ko kayo ng ate mo." Sabi niya.
"Yun naman pala e. Alis na baka makita ka pa na nandito. Masasampal na naman ako." issasara ko na sana ang bintana ng iharang niya ang kanyang kamay.
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Tanong niya.
"Wala dapat akong sasabihin sayo." Sagot ko.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na MAHAL MO AKO?" Naiyak na nman ako.
"Mahal ka ni Ate James. Ayaw kong malayo sayo." Sabi ko
"Bakit hindi mo sinabi agad sakin?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. "Sana kinausap ko ang ate mo." Dagdag niya.
"Hindi yun makikinig. Kapag gusto niya. Gagawin niya lahat mapa sakanya lang. Yan ang ugali ni ate James. Wala akong laban sakanya." Sabi ko.
"Kung mahal niya talaga ako kaya niya akong pakawalan. Ganun ang pagmamahal Monica. Ibibigay niya ang kaligayahan ng taong mahal niya." giit niya.
"Iba si ate. Hindi niya gagawi  yan." Pagpipilit ko sakanya.
"Maiintindihan tayo ng ate mo Monica. Matatanggap din naman niya." Sabi nito.
"Ayaw kong masaktan si ate." Sabi ko naman.
"Paano ka? Paano ang nararamdaman mo?" nag-alala niyang tanong.
"Okay lang ako James. Huwag mo akong alalahanin. Malayo to kumpara sa pinagdadaanan ngayon ni Jansen." Malungkot kong sabi.
"Monica, kakausapin ko ang ate mo. Sasabihin kong ikaw ang mahal ko." Sabi niya.
"Huwag na James."
"Please Monica. Kahit ngayon lang makinig ka sakin." Pagmamaka-awa niya.
"Sorry James pero." Huminga mu na ako ng napakalalim.
"HANGGANG KAIBIGAN LANG TALAGA TAYO." Sabi ko at sinara na ang bintana.

Patawad James. Mahal kita pero mahalaga ka sakin. Ayaw kitang malayo sakin.
Sana maintindihan mo.

Hiling Ng LangitHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin