Chapter 33

1 0 0
                                    

Dave's Pov

Ilang araw ng nakalipas simula nung huling tumawag si Jansen. Nagsimula na kaya ang operasyon niya? Sana nga. Sana nga malagpasan niya to. Nahihirapan na din akong nakikita siyang ganun. Ibang-iba ng Jansen ngayon. Ang tamlay na siyang tignan ngayon kahit nakangiti pa. Kawawa naman ang girlfriend ko. Kung pwede lang sanang kunin ang sakit niya matagal ko ng ginawa.

*kriiiing* nagulat ako. Kinuha ko ang phone ko. Napangiti ako sa nabasa ko ang pangalan ng tumatawag.

"Hello Babe. I miss you. Kumusta na?" Tanong ko.
"Ahh. Dave. Mama ni Jansen to." Ahh? Bakit?
"Nasan po si Jansen tita nanay?"
"Nakahiga siya anak. Natutulog. Nagpapahinga na." hayss! Babaeng talaga yun.
"Pasaway parin ba tita nanay?"
"hindi na anak. Tahimik na siya." Ang dami palang nagbago sakanya.
"Bakit pala kayo napatawag tita nanay?" Tanong ko.
"Sasabihin ko lang na sa isang araw na kami babalik jan." Totoo?
"Talaga po? Anong oras po? Umaga ? Gabi? Sabihin niyo po para mapaghandaan ko. Susunduin po namin kayo sa airport." Excited kong sabi.
"Hindi ko alam anak. Sa bahay mo nalang kami hintayin. Sige na. Madami pa akong aayusin. Alagaan mo sarili mo. Bye na."

Pinatay na niya ang tawag. Waaaaah! Dadating na ang pinakamamahal ko. Kailangan kong maghanda. Surpresahin ko siya.

Pumunta ako sa mall at nagpagawa ng tarpaulin na may sulat na "WELCOME HOME BABY CREAM" Bibili din ako ng madaming Cookies and Cream for sure namimiss na niyang kainin mga to. Bibili ko na lahat ng dapat kong bilhin.

Dumiretso ako sa bahay nila at nadatnan ko si Jinsen.

"Hey brod." Nagulat naman siya. bakit namamaga ang mga mata niya?
"Napadalaw ka?" Sabi nito.
"Uuwi na daw sina Jansen Brod kaya su-surpresahin ko siya. Tulungan mo naman ako."
"Anong maitutulong ko?" Yas! Kaya to.
"Dito ka sa kusina brod at ako dun sa kwarto niya." Tumango naman siya.

Sana magustuhan niya to. Sana matuwa siya. Sinimulan ko na ang naglinis sa kwarto niya at nilagyan ng design. Puro Cookies and Cream ang design. Siguradong mapapaiyak ko na naman siya. Mapapaiyak sa tuwa. Grabe. Ang gwapo ko talaga.

Ng natapos ko na bumaba na ako. Nakita ko naman na tapos na din si Jinsen.

"Salamat brod." Ngiting sabi ko.
"Ayos lang brad" sabi naman niya.
"Bakit pala namamaga mga mata mo?" Tanong ko sakanya.
"Wala to. Dito ka na ba matutulog?"
"Uuwi muna ako brad. Maaga nalang ako pupunta bukas."
"O. Siya sige. Akyat na ako. Kita nalang tayo bukas." Tumango ako.

Umuwi na ako at naghiga sa kama ko. Napangiti nalang ako na wala sa oras.

Excited na akong makita ka Jansen.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon