Chapter 18

1 1 0
                                    

Jansen's POV

"Bessss! Ano ba tong babaeng to. Kung makasigaw naman. nakitang kakapasok ko palang. Hindi ko siya pinansin.
"Hi James.!" Bati ko.
"Ang sama mo talaga sakin. Excited pa naman akong makita ka tapos yang mokong na yan ang papansin mo." Nagtampo agad.
"Oh. Nanjan ka pala Nic. Hindi kasi kita napansin. Mas malaki kasi bunganga mo kesa sa height mo." Nakangiti kong sabi. mapikon nga to. Nagpipigil naman ng tawa si James. Haha.
"Ang sakit mong magsalita bes. Hindi mo na ako mahal." hinawakan pa talaga niya ang kanyang puso.
"Hindi naman talaga kita mahal bes. nung una palang." Nakangisi kong sabi. Haha. Nakikita ko naiiyak na siya. Naguilty tuloy ako. "Kasi mahal na mahal kita bes. Huwag ka ng ano jan. Baka itakwil pa kita." sabi ko kaya napangiti naman siya. Magsasalita na sana siya ng dumating ang instructor namin. At hanggang ngayon hindi niyo pa alam kung anong yr na kami at kung ano ang kurso namin. Haha. Pwes eto. Kumukuha kami ng Political Scince. At 4th yr na nami  ngayon. Yes naman. Oo. Sinulyapan ko si James at nakita kong nakatingin kay Monica. Tinignan ko naman si Monica nakatutok lang siya sa blackboard. Napangisi ako ng may naiisip na naman ako.

Nagsulat ako sa dalawang maliit na papel saka binato kay Nic yung isa at kay James naman yung isa. Sana gumana na ito. Ang talino ko talaga. Tumingin ako sa pintuan ng nakita ko si Eileen. Nasa di kalayuan at nakatingin dito sa gawi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Ang pinagtataka ko nakangiti siya. Grabe talaga babaeng yun. Napakadesperada. Bakit nung naghiwalay kami ni Dave hindi ako ganun. Tsk! Nawala ako sa pag-iisip ng marinig ko ang bell. Nauna na akong lumabas, inunahan ko pa instructor namin. Wala e. Baka magtanong yung dalawa.

Agad akong nagtungo sa cafeteria. Wala pa si Dave kaya bumili nalang ako mg kakainin namin para pagdating niya kakain nalang kami. excited ako bakit ba? Hindi pa ako nakaka-upo nakita ko na siya at ngumiti.

"Tara na. Bilisan natin kumain may pupuntahan tayo." kumunot naman ang noo niya.
"Saan? Huwag mong sabihing may surpresa ka sakin." Mapagtripan nga din ito.
"Hindi na surpresa kapag sinabi ko." Nakangiti kong sabi. Sumobo ako ng sumobo.
"Dahan-dahan naman Baby. Gusto mo ba na ang dahilan ng pagkamatay mo ay nabulonan ka?" medyo natutuwa niyang sabi.
"Bilisan mo nalang kasi Dave." Sabi ko.

"patay gutom." Sabi ng pamilyar na boses. Tinignan ko at. Nakangiti ang loka.
"Pwede ba Ei. Pati ba naman dito?" Sabi ni Dave.
"Bakit? Nananahimik ako dito. Kinakausap ko si Ella. Diba Ella?" Sabay tawa naman ni Ella. Hinawakan naman ni Dave ang kamay ko. Napayuko nalang ako.

Nang naramdaman kong naglakad na si Ei. Umangat naman ang ulo at Punyemas. Sakto sa mukha ko.

"Jansen!" tarantang sabi ni Dave. Tinaponan ako ng spaghetti ni Eileen. At nilayuan kami. Hindi man lang nag-sorry.
"Ayos lang ako." Sabi ko. ayaw kong patulan. May pupuntahan pa kami.
"Hindi Sen! Palagi nalang ikaw ang inaapi niya." Nag-alala niyang sabi.
"Ayos lang talaga ako Dave. Huwag kang mag-alala. Nandito ka naman. Huwag nalang natin siya patulan." malungkot kong sabi.
"Mauna kana sa cr niyo at kukunin ko lang damit mo sa locker mo." Sabi niya habang paalis kami sa cafeteria.

Hanggang kailan kasi niya ako aapihin? Kung sasabihin ko ba na anak ako ng may-ari ng school na to, tatahimik siya? Haays!

"Jansenn!" Sigaw ni Dave.
"dito sabi ko at iniabot naman ang damit ko." binilisan ko ang nagbihis dahil may pupuntahan pa kami.
"Tara na." Sabi ko at kinuha ko na ang kamay niya saka tumakbo.
"Teka lang naman Cream. Baka mapagod ka." Sabi niya kaya binagalan ko nalang.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya.
"Sa rooftop." Sabi ko
Seryoso ka? Anong gagawin natin dun?" Nakangiting tayong niya
"Oo naman. YES! Nandun kaya sina Nic at James." sabi ko.
"Ano namang gagawin nila dun at teka. Bakit alam mo?" Takang tanong niya.
"Syempre ako ang nagpapunta sa kanila dun. Hahahaha." proud kong sabi kaya tumawa na din siya.

Nagulat ako ng binuhat na niya ako. Haha. Mas excited pa to kesa sakin. Hahahaha.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon