Chapter 21

1 1 0
                                    

Jansen's POV

Naawa ako sa mga kaibigan ko. Mahal nila ang isat-isa pero hindi sila pwede. Nasasaktan na nila ang isa't-isa. sana hindi sila mag-give up.

"Jansen." Sabi ni Dave. Nandito kami ngayon sa dagat na pinuntahan namin nuon ni James.
"hmmmp?" Bored kong sabi.
"Nagugutom kana?" Tanong niya.
"Ok lang. Kakakain lang nati  kanina." Ngiti kong sabi.
"May therapy ka bukas. susundui  kita." Paalala niya.
"Oo naman. Yes." Masaya kong sabi.
"Kumusta na ang nararamdaman mo?" Tanong niya.
"Mukhang ayos naman. Wala paring pinagbago." Malungkot kong sabi.
"Look Jansen. Gagaling ka. Huwag kang mag-isip ng ganyan." nakangiti niyang sabi pero hindi abot sa tenga niya.
"Basta nandito ka sa tabi ko palagi. Malakas na ako Dave." Sabi ko.
"basta ba palagi kang makikinig sakin. Hinding-hindi ako mawawala sayo." Ha? Pinagsasabi nito.
"Parang sinasabi mong hindi kita pinagkakatiwalaan." Sabi ko.
"Alam ko Jansen pero basta. Mahal kita. Lagi mo yang itatak sa pusot isip mo." ginulo niya buhok ko.
"Mahal naman kita Dave. At ikaw lang." Inilapit niya ang labi niya sakin. Nag-kiss kami.

DAVE's POV:

hinalikan ko siya. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Nginitia  ko siya.

"Mahal na mahal kita Jansen. Kaya lumaban ka." Sabi ko.
"Lalaban tayo Cream." Nakangiti niyang sabi.
"Yan. Namiss ko yang tawag mo sakin. Hahaha. Ngayon mo lang ulit ako tinawag ng ganyan ha?" masaya kong sabi.
"May kailangan lang ako sayo cream. Hahaha." Natatawa niyang sabi
"Ang sama mo naman Cookies. Hindi mo na ako mahal." nagtatampo kong sabi.
"Tse. Tampororot naman ang mahal ko. Haha." Pinagti-tripan na naman niya ako.

Nagtawanan kami. Kwentuhan. Hanggang sa napagod kami. Hinatid ko na siya sa kanila.

"Pasok ka muna?" Tanong niya.
"Huwag na gabi naman na. May pupuntahan pa ako." Sabi ko.
"Dave, sabihin mong ako lang ang mahal mo." kumunot naman ang nuo ko.
"Pinagsasabi mo? Alam mong IKAW lang naman ang mahal ko diba?" Diniin ko ang ikaw.
"Oo. naninigurado lang. Haha." Nag-peace sign pa siya. Kinabahan ako dun.
"Oo na. Mahal na mahal kita Jansen. Matulog kana ha? MAMAHALIN MO PA AKO BUKAS." Sabay kindat.
"Oo na. Layas kana. Mag-iingat ka ha? Papakasalan mo pa ako." E? Kasal agad? Haha.
"Ikaw ha? Kasal agad nasa isip mo. Oo na. Mauuna na ako. Pasok kana." Tuluyan na siyang pumasok at pinaandar ko naman ang kotse ko saka pinaharurot ito.

"sana mapatawad mo ako sa gagawin ko Jansen."

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon