Chapter 6

10 1 0
                                    

Jansen's POV

Nagising ako dahil may narinig akong familiar na boses. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Teka! Bakit puti lahat ang nakikita ko. Patay na ba ako? Ako ba ang nasagasahan? Ibig sabihin ba nagkapalit kami ng katawan ni Nic-nic?

"Waaah! Patay na ako!" Sigaw ko kaya lumapit naman silang lahat sakin at binatukan naman ako ng kuya ko.
"Kuya? Kyaaah!" Yinakap ko siya "akala ko patay na ako kuya." Umiyak ako.
"mapapatay talaga kita. Nahimatay ka lang naman. Ang hilig mo mahimatay ano? Kung tuluyan kaya kitang patayin?" Ang sama talaga ni kuya. Teka ang kaibigan ko.
"Kuya, si Nic-Nic? Kuya nakita ng dalawang mata ko, nasagasahan siya. Kuya nasan siya? Kailangan niya ako. Kuya!" Tuluyan na akong umiyak. Tatayo na sana ako ng may nahagip ng aking mga mata.
"Nandito ka na naman?" Tanong ko.
"Ganyan ka ba magpasalamat bunso? Siya lang naman ang nagdala sayo dito." Sabi ni kuya.
"na naman? guardian angel ka ba? Haha." Natatawa kong sabi. Binatukan ako ng kuya ko. Inirapan ko siya at tumayo na ng tuluyan. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni kuya.
"San ka pupunta. Magpahinga ka muna." Tinignan ko siya at ngumiti.
"Magpahinga kuya? Sa tingin mo hihiga lang ako dito samantalang ang kaibigan ko na tinuring kong parang ate nasa bingit ni kamatayan? nakita ko kuya. Nasagasahan siya. Kasalanan ko yun dahil hinabol ko siya. Kuya hindi ko alam kung makakaya ko kung mawawala siya sakin. Kaya please lang kuya manahimik ka kung ayaw mong ikaw ang isunod kong ihiga jan." Naiiyak kong sabi pero nagpipigil siya sa tawa. Walang hiya naman ito. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Makalayas na nga. Tinalikuran ko siya at nakita ko naman si James na nakangiti.
"Walang nakakangiti sa sinabi ko. Akala ko ba gusto mo siya? patay na ang kaibigan ko at soon to be girlfriend mo letse ka." Sinabi ko at kinuha ang flower vase at binato sa kanya pero naka ilag siya. Bubuksan ko sana ang pinto ng biglang may nagbukas. Napa upo ako.
"Ang sakit." Sabi ko at tinignan kung sino ang nagbukas pero
"Kyaaaah! Nag-usap na ba kayo ni kamatayan? Ano sabi ? Bes magsalita ka. Sinusundo mo na ba ako?" Yinakap ko siya at nagtawanan silang lahat. Kinuha ko tsinelas ko at tig isang binato kay Kuya at James.
"Anong pinagsasabi mo bes?" nagsalita nga. Tumakbo ako palayo sa kanya at pumunta sa likod ni kuya.
"Kuya nagsalita siya. Multo siya kuya. tumawag ka ng pari. Kuya paalisin niyo siya." Tuloy-tuloy kong sabi pero tinawanan lang nila ako.
"Para kang tanga. Ay. Wait. TANGA ka talaga." Sabi ni James. tinignan ko si Monica. Lumalapit siya samin ni kuya.
"Kyaaaah!" Sigaw ko at naitulak ako ni kuya kaya napa upo na naman ako. Ang sakit nun ha. Kanina pa ito. pero tumakbo ako papunta kay James at yinakap siya. takot kaya ako sa multo pero gustong-gusto ko manuod ng horror.
"Hoy! Chansing kana bes a." Nagsalita si Nic.
"Waaah! Nagsasalita talaga siya James. Itago mo ako." Tinawanan lang ako.
"Ano ba kasing nangyari Kuya Jinsen?" Tanong ni Nic kay Kuya. Waaah! Mag-uusap sila ? tumakbo ako papunta sa pinto para lumayas dito at bubuksan kona sana pero may nagbukas na naman kaya ayun napa upo na naman ako.
"Ayaw ko na. Pinaglalaruan na ako ng multo. Huhuhu." Umiyak na ako. Kinuha ako ni kuya at ipinahiga. Umiyak lang ako ng umiyak.
.......
Nagising ako ng may narinig akong nagtatawanan. Minulat ko ang aking mga mata.
"Ma/pa." Nandito sila. Wow!
"Kumusta ang pakiramdam mo baby?" Tanong ni papa.
"Okay naman ako pa. mukhang masaya kayo ha? Ano po pinagtatawanan niyo?" Tanong ko at umopo narin.
"Ikaw lang naman anak." sabi ni mama at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang dami kasing katangahang ginawa." Singit naman ni kuya kaya nagtawanan silang tatlo. tumigil lang sila ng may pumasok.
"kyaaah! Multo! Sigaw ko kaya lumapit sakin si mama.
"Jansen, hindi patay ang kaibigan mo. Kung anu ano ang iniisip mo. Bawas-bawasan mo kasi amg panunod at pagbabasa ng horror." Tinignan ko si Nic at nakangiti.
"Pero ma nakita ko po. Nakita ko kung paano siya masagahan." naiiyak kong sabi.
"Hindi ako nasagasahan TANGA. hindi mo nakita ang buong nangyari kasi nahimatay ka." Sabi ni Monic.
"Waaaaah! Ibig sabihin? Waaaaah! Sigaw ko kaya lumayo sakin si mama. Tumayo ako at yinakap si Monic.
"Ang daming kamalasan ang nangyari sakin kanina tapos sasabihin mong hindi ka nasagasahan kung sinabi mo sana ng maaga di hindi ako nag-isip ng kung anu-ano." Sabi ko ng naiiyak.
"huwag kang iiyak. Kasalanan ko bang TANGA ka?" Diniin pa talaga ang tanga. Natahimik lang kami ng may pumuntang doctor. Lumabas naman sina mama at papa para kausapin ang doctor.
"So si James pala ang muntik ng makasagasa sayo bes? At siya na din ang kasama mong nagdala sakin dito?" Tanong ko. Kaya tumawa silang dalawa.
"Magtanong ka muna kasi bes. Mukha kang tanga." Sabi niya. Tumahimik nalang ako. Ganun pala ang nangyari. Hahaha. inaamin ko ng ang GANDA ko. Kumakain lang kami ng may pumasok. Sina mama at papa lang pala.
"Anong sabi ma?" Tanong ni Kuya. may pumatak na luha galing sa mga mata niya pero agad itong pinunasan. ngumiti naman si papa kaya ngumiti din ako.
"Tara. Makakauwi kana baby." Sabi ni papa na nakangiti pero pilit lang ang ngiti niya. May nangyari ba? Hindi ki pinahalata at sumunod nalang ako. Nag-ayos kami. At tuluyan ng lumabas.
"Kita nalang tayo sa school bes." Sabi ni Nic kaya yinakap ko siya.

Tahimik naming tinatahak ang daang pauwi. Ng makarating kami sa bahay. Wala parin kibuan. parang may mali pero pinabayaan ko nalang at dumeretso ako sa kwarto ko at natulogg.
Ssszzzzzhzzzzss........

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon