Chapter 26

1 0 0
                                    

Dave's POV

Napakalaki na ang kasalanan ko. Sinasaktan ko na siya. Sobra na siyang nahihirapan kaya gagawa ako ng paraan para sa paggising niya lalo siyang magaganahang lumaban.

"Eileen, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila.
"Narealize mo na ba na ako talaga ang mahal mo?" Nakangiti niyang tanong.
"Please Ei. Kahit ngayon lang. Magtino ka naman. Kailangan kita." pagmamakaawa ko.
"Kailangan. Ang ganda din ng rule ko sa buhay mo ano? Saka mo nalang ako kinakausap kapag MAY KAILANGAN KA." Seryoso niyang sabi.
"Hindi naman sa ganun Ei. makinig ka muna sakin." Inirapan niya ako at tinalikuran. "Sandali naman Ei. May sakit sa puso si Jansen." Sabi ko at napahinto naman siya. Tinignan ako.
"Anong pake alam ko? Buti nga sakanya yun." Sabi niya.
"Sinasabi ko sayo to para tigilan mo na siya."
"Umalis kana. Saka ka nalang babalik kapag yang ibabalita mo sakin ay patay na siya." nagdilim ang paningin ko.
"Wala kang puso. Subukan mo lang na saktan siya ulit ako ang makakalaban mo." Sabi ko at saka umalis na baka kung masaktan ko pa siya.

Bumalik na ako sa hospital. May naririnig akong tawa. Binuksan ko agad ang pintuan pero nagkamali ako. akala ko siya na yun.

"O Dave. Itsura mo." Sabi ni Monica.
"Akala ko kasi siya yung tumatawa." Malungkot kong sabi at pumunta sa tabi niya.
"Jansen, gising na mamahalin mo pa ako diba?" Sabi ko at binatukan naman ako ni Monica.
"Letse ka. Katutulog lang. Gigisingin mo na naman. Pagpahingain mo naman ang tao." What?
"Nagising na siya?" Gulat kong tanong.
"Oo. Sorry ka at hindi ikaw ang una niyang nakita." Singit ni Chris.
"Walangjo. Bakit hindi niyo ako tinawagan?" Galit kong sabi.
"OA mo Dave. Gigising naman siya ulit. Kailangan niya lang talagang magpahinga." Sabi ni Monica.
"Kasi naman ako dapat ang una niyang nakita. Walangjo ka Jansen. humanda ka sakin kapag hising kana." Sabi ko.

Nagkwentuhan kami nina Chris at Monica habang kumakain. Wala ang Kuya niya kasi may inaasikaso siyang papeles.

"Nasan pala si James, monic?" Nabilaukan ito.
"Chill Monica. Parang pangalan lang." Sabi ni Chris at saka inabutan ng tubig.
"Bakit mo kasi hinahanap ang wala?" Tanong niya.
"Alangan naman hanapin ko si Jansen diba? Nasan na ang utak mo Monica Reyes? sarkastiko kong sabi.
"PPppffft! Bully." Natatawang sabi ni Chris.
"Tse! Manahimik nga kayo. Baka magising si Jansen." Aba.
"Huwag mong ibahin ang usapan Monica. Haha. Mahal mo yun no?" Tanong ko.
"Patawa ka Dave. Patawa ka." Inis niyang sabi.

Nagtawanan kami ni Chris. Hahaha. Halata naman na mahal niya e. Napahinto kami sa pagtatawa ng may nagbukas ang pinto. Tumayo agad ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit kong tanong.
"Bibisita." Tipid niyang sagot.
"Mali ang napasukan mo." Sabi ko.
"Nandito ako para kay Jansen Dave." At tinignan niya si Jansen.
"ano? Masaya ka na ba Eileen? Masaya kana bang nakikita siyang nakahiga jan?" Tanong ko.
"Wala akong sinabi." Sabi niya.
"hindi ka namin kailangan dito, maari ka ng umalis." Sagot ko.
"Nandito ako para makipag-ayos pero mukhang ayaw mo naman. Sige. Aalis na ako." Lumakad na siyang palabas.
"Wait lang Eileen." Sabi ni Chris.
"Bro, hindi magugustuhan ni Jansen ang ginawa mo." Bulong niya sakin. Lakas maka-konsensya naman nito.
"Sige na nga Ei. Sorry." Sabi ko.
"Noo! Ako dapat ang hihingi ng sorry. Sorry dahil isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. Sorry kasi sarili ko lang ang iniisip ko." Naiiyak niyang sabi.
"Huwag ka sakin magsorry." Tinignan ko naman si Jansen at laking gulat ko ng nakadilat siya.
"Jansen!" lumapit akobsa kanya at niyakap siya.
"Hindi ako makahinga Dave." Nahihirapan niya g sabi.
"Sorry. Kumusta na pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo?" ngiti kong sabi.
"Ok na ako Dave. Alam kong hinihintay mo ako kaya nagising ako." Ha? Kinilig naman ako.
"Ikaw ah. Pero sorry kasi hindi ako ang una mong nakita kanina g nagising ka." Sabi ko.
"Tss. Drama mo. Lalake ka ba talaga?" Tanong niya.
"Ikaw naman. Sabihin mo lang kung namiss mo halik ko." Natatawa kong sabi.
"Tse! Manahimik ka." Sabi niya.
"Jansen." Sabi ni Ei. Ay nandito pa pala siya.
"Bakit?" Inosente niyang tanong.
"Sorry sa mga ginawa ko sayo. Sorry kasi sinaktan kita. Sana mapatawad mo ako." naiiyak niyang sabi.
"Sigurado ka bang hindi mo na ako ulit sasaktan pa?" Tanong ni Jansen.
"Oo naman Jansen. Hindi na mauulit yun basta mapatawad mo lang ako." Seryosong sabi ni Ei.
"Sige. Haha." Natatawa niyang sabi.
"salamat Jan." Saka niyakap iyo.

haysss! Salamat naman at natapos na din ito. Wala ng makakapigil saming pagmamahalan.
Sana.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon