Chapter 8

3 1 0
                                    

Jansen's Pov.

Naglalakad ako papunta sa classroom namin ng pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko estudyante. Kung kailan papasok ako sa klase ko gagawa pa sila ng eksena. Pinabayaan ko nalang sila hanggang sa may isang lalaking nag-abot sakin ng isang rosas at may itinuro din siya. pumunta naman ako sa tinuro niya at binigyan din ako ng rosas. Hindi ko naman debut para bigyan nila ako. Ano bang meron ? Ng mapagod na ako at malapit na naman ako sa tinuro ng lalake. hindi ko alam kung pang-ilang lalake na to. pero napagod na talaga ako ang layo ba naman kasi sila sa isat-isa. langya! Nang makuha ko ang rosas na binigay niya ay umupo na ako. bakit kasi nagpa-uto ako? Aanhin ko ba ang mga to? Hays! Ang tanga ko sobra. Itinapon ko ang mga ito at naglakad papunta sa room namin. Binuksan ko ito at nagulat naman ako dahil sa tambol. at ang mas nagulat ako ng may kumanta.

"Sorry na kung nagalit ka di ko naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo"

Ang sarap pakinggan ang boses niya. Nakakalaglag panga. Pero bakit? Bakit niya ito ginagawa?

"Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi himihinto."

Paano ba to? Paptawarin ko ba siya? Hindi naman siya nagkasala. Ipinagtanggol niya lang ako. Inisip niya lang kaligtasan ko. Kaya wala siyang kasalanan.

"Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na."

Bakit siya humihingi ng tawad? Paki-sagot naman po ako!! Wala siyang kasalanan. Tinignan ko buong classroom namin. Puro SORRY at ILOVEYOU ang nababasa ko. Seryoso siya.

"Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kongparang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan."

Sobra sobra ang ginawa mo para sakin. Hindi lang sakin pati pamilya ko. Kaya hindi ka pa humihingi ng tawad pinapatawad na kita. Umiyak na ako. Hindi ko na kaya. Hindi dapat siya huhingi ng sorry. Ako dapat. Ako naman ang may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon namin. Kung bakit kinailangan niya akong hiwalayan. Ako dapat ang sisihin. Umiyak ako ng umiyak. hindi ko kaya ito. Oo mahal ko siya pero hindi ko oa siya kayang harapin ng ganito. Tatalikod na sana ako ng

"Sorry na saan ka pupunta?
Please naman wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong mga kamay ang puso ko."

Hindi ko na kaya. Umalis na ako dun. Tumakbo ako. sigaw sila ng sigaw pero binalewala ko. grabe na ang ginagawa niya.

Siya na nga tong gumagawa ng paraan para magkaayos kami pero ano tong ginagawa ko? Pinapahirapan ko lang ulit siya. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi AKO dapat ang hihingi ng tawad. Tanging iyak nalang ang naibigay ko. sobrang effort ang ginawa niya. Sinayang ko ang effort niya. iyak lang ako ng iyak. Wala akong masabi. Napapagod na ako. Gusto ko ng matapos ito. Gusto kong maayos na ang lahat. Gusto ko ng makawala dito sa sakit na nararamdaman ko. Gusto ko ng maranasan ang tunay na kasiyahan. sana matapos na ito.

SANA



------------

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon