Chapter 30

1 0 0
                                    

Jansen's POV

Masakit man sakin ang iwan sila pero wala akong magagawa. Para sakin din naman to. Paano kung hindi ako gagaling ? Paano kung mamamatay akong ganito. Paano kung dun ako mawawalan ng buhay ? Paano nalamg ang mga taong naghihuntay sakin ?

"Umiiyak kana naman." Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa nagsalita.
"Chris, paano kung hindi na ako gagaling?" Tanong ko sakanya. Nandito na pala kami sa eroplano.
"sa dami ng pagsubok na dumating sayo, ngayon ka pa susuko?" Sumusuko na ba ako? Hindi naman. Iniisip ko lang sila.
"Oo. Gusto ko ng sumuko. Gustong-gusto ko na Chris." Ang sakit. Hindi ko alam kung paano ko to haharapin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang buhay ko.
"Kung ngayon na nakahanap na sila ng Heart donor mo saka ka lang susuko?" Hindi ba nila ako naiintindihan?
"Nakahanap nga sila pero paano yung taong mawawalan ng puso. Paano nalang ang pamilyang iiwan niya? Ano Chris. Hindi ko kayang ng pusot isipan ko. Nakokonsensya ako." Totoo naman ako diba? Mas maganda nalang na ako yung mamatay kahit na may mga tao akong maiiwan. Maiintindihan naman siguro nila dahil sa sakit ko. Pero kung iba, hindi kaya ng konsensya ko.
"Matulog ka muna. Gigisingin nalang kita pagkalapag natin sa London." Oo. Tama kayo ng nabasa. Sa LONDON kami pupunta, wala sa America kundi sa London. Sinabi lang namin yun para sa hindi nila ako sundan.

Hindi ako makatulog kaya Nagtulog-tulogan nalang ako para hindi ako pagalitan ni Chris. Iniisip ko kung sino yung taong yun. Gusto ko siyang makita. Gusto kong siyang makilala. Gusto kong malaman kung may mga pamilya siyang maiiwan.

Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama ang pamilya ko. Gusto ko pang ipakita ang talentong binigay sakin ng Panginoon. Madami pa akong gustong gawin pero paano? Paano ko magagawa kung ganito ang kalagayan ko?

"Jansen! Gising na." Napatayo ako sa gulat kaya napatayo din siya.
"Nagulat lang." Nahihiya kong sabi.
"Alam kong hindi ka natulog. Tsss." Lalo akong napahiya.
"Hindi ko lang maiwasan ang mag-isip  Chris." Sabi ko.
"Pinapagod mo lang sarili mo."
"Hindi mo kasi ako naiintindihan! Inis kong sabi sakanya.
"Ipaintindi mo kung ganun. Jansen, ano pa bang po-problemahin mo? Meron ka na ngang donor. Saan ba dun ang mahirap intindihin?" Galit niyang tanong.
"Oo. Meron nga akong donor pero kaya ko bang mabuhay? Kaya ko bang mabuhay na may dala-dalang konsensya? Paano kung yung taong yun binayaran lang ng mga magulang ko? Na nangangailangan lang siya ng pera para sa pamilya niya? Inisip mo ba yun Chris ha?" Umiyak ako. Nauna na akong naglakad sakanya. Hindi ko kaya. Ano nalang ang buhay ko kapag nabigyan ulit ako ng pagkakataong mabuhay ulit? Makakaya ba ng konsensya ko? Sana mawalan nalang ako ng memorya ng wala na akong problema. Hayyyss!

"Jansen. Baby!" nakita kong kumakaway ang papa ko.
"Hey!" Niyakap ko siya.
"Kamusta na pakiramdam mo baby?" Tanong niya.
"Sinungaling ako kung sasabihin kong OK lang ako dad but Im good. Im pretty." Pinilit kong ngumiti
"Thats my baby!" Natutuwang sabi ng tatay ko.
"Mom! Bakit ka umiiyak?" Nilapitan ko ang mama ko.
"Im just happy Darling." Ngumiti siya.
"Mom, May masaya bang umiiyak?" Niyakap ko siya. "Stop crying mom, everything will be fine. Not now. Not later. But soon mom. Definitely soon." Kiniss ko ang noo niya.
"Yes baby. I know you can. We're here for you. Always here for you." Niyakap ulit ako ng nanay ko.
"Yahhh! Iloveyou mom, dad!" Sabi ko.
"Mahal ka din namin baby." ngumiti ako. "Lets go darling?" Tumango ako. Naglakad kami papunta sa kotse namin. Sumunod lang samin si Chris.

"ilang oras ang biyahe dad?" Tanong ko. Nasa likod kami ni Chris sa harap naman si mama at dady.
"30 mins only baby. Just sleep there if youre bored ok?" Tumango naman ako.
"Chris." tinignan ako. "Sorry." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Its ok sweetii. I understand." Niyakap ako. Hays! Buti nalang may pinsan akong ganito. siya ang ang nag-iisang pinsan ko. Kakaunti lang ang pamilya namin.

Pinagmasdan ko ang mga gusaling nagtataasan. Nandito kaya ang Hogwarts sa Harry Potter? Hanapin ko kaya si Emma Watson dito? Bibili kaya ako ng wand nila para naman ako nalang ang magpapagaling sa sarili ko? Haha. Tama! Ganun na nga ang gagawin ko.

"Samahan mo ako bukas Chris ha?" Nakangiti kong sabi.
"Saan?" Tanong niya.
"Basta. samahan mo nalang ako." Nagpuppy eyes ako.
"Saan nga?" Tanong niya ulit. Nagpout ako.
"Oo na letse." Sabi niya kaya niyakap ko siya. Hihihi.
"Thank you." Tumango lang siya. Tumahimik na ako.

Gabi na. Nakarating na kami dito sa bahay.

"Mom, tapos na akong kumain." Sigaw ko. Hindi kasi sila sumabay sakin kasi busog pa sila. Si Chris naman, naligo agad.
"Yes baby. Coming up. Go to your bed and have some rest." Uso english dito? Waaaah!
"Mom, mukhang mamamatay ako sa pag-iintindi ng english dito " natatawa kong sabi at tumawa na din si mama. "Bye Mom! GoodNight!" Sabi ko at kiniss niya ako.

Binuksan ko ang cellphone ko at nag-fb muna para i-chat si Dave. Ipapaalam ko lang sakanya na nakarating na kami.

Lumalalim na ang gabi. Iisipin ko na naman ba ang sakit ko? Kailan ako mabubuhay ng normal? Palagi nalang akong tumatakbo. Tinatakbuhan ang sakit ng aking dinadanas. Nakakapagod din. Hindi ko kailan kung hanggang saan aabot ng buhay ko. Malapit na. Malapit na ang operasyon ko. Jesus, ikaw na pong bahala sakin. Ayaw ko pong may madamay ng dahil sakin. Gabayan niyo po ako saking gagawin. Huwag na huwag niyo pong pababayaan ang mga taong nasa paligid ko.

Pumikit ako. Nakaramdam ng pagod.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon