Chapter 27

2 0 0
                                    

Jansen's POV

Sana puro kaligayahan nalang pero hindi pwede. Hindi maari. Kasi hindi tayo matutoto kung hindi tayo masasaktan.

"Hays! Buhay nga naman napakasaya. Tara tawa tayo bes." Natatawa kong sabi kay Monica.
"Buset ka. Nakahithit ka ba bes?" Tanong niya.
"Inosente po ako. I invoke my rights. Haha." Sabi ko kaya inirapan lang ako. Hindi na ako pinansin. Kinuha ko ang cp ko at naglaro.

"Jansen!" Nagulat ako at naibato ko ang cp ko
"Tss. Para kang babae. kung makasigaw ka." Galit kong sabi
"Aray ko! Bakit mo binato sakin ang phone mo?" Galit ding sigaw sakin ni Monica.
"Natamaan ka bes? Halla!" Sabi ko.
"Hindi bes. Hindi ko nga alam ee." Sarcastic niyang sabi.
"Nagulat lang ako sa sigaw ni James bes. Sira na ba phone ko?" Tanong ko.
"Wow. Yung phone mo talaga ang inintindi mo. Salamat sa friendship." Inis niyang sabi saka lumayas.
"Anyare dun?" Inosenteng tanong ni James.
"Ewan ko sayo. Letse ka. Kung hindi ka sana sumigaw edi sana hindi ako nagulat." Sabi ko.
"Kasalanan ko bang magugulatin ka?" Tanong niya.
"may sinabi ba ako?" tanong ko.
"Wala naman. Haha." Natatawa niya g sabi.
"Tse! Wala kang kwenta." Inirapan ko siya.
"O. Kumain ka muna." iniabot niya sakin ang mansanas.
"Kailan daw labas ko James?" Tanong ko.
"inaayos nalang ki Chris ang papeles mo dito." Sagot niya.
"Nasan si kuya? Bakit hindi nalamg siya ang magayos." Kakambal ko ba talaga iyon?
"May inaayos din na papeles mo." Kumunot naman ang noo ki.
"Ano na naman yun?"
"Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na?" Sabi kiya.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sungit kong sabi.
"Tsss. Kumusta na pala puso mo?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Hindi ko alam. Sa tingin mo James gagaling pa ba ako?" Tanong ko.
"Jansen, gagaling ka. Matapang ka diba? Kunting tiis nalang. Labanan mo ang sakit." Sabi niya.
"Nilalabanan ko pero mukhang hindi ko kaya." Naiiyak kong sabi
"Kaya mo. Kakayanin mo. Nandito kami. Marami kaming nagmamahal sayo."
"Pero hindi ko alam James. Nahihirapan na ako." Umiyak na ako.
"Ssshh! Tahan na. May tiwala ako sayo. Gagaling ka. Gagaling ka diba?"
"Hindi ko ginusto to. Iniisip ko kung naging masama ba akong tao nung mga nakalipas na taon. Nung bata ako. Pero wala akong maisip na may ginawa akong hindi kanais nais para mabigyn ng ganitong parusa James. Mabuti ako. Alam ko yun. Pero bakit ganito ang kapalit sa pagiging mabuti ko?" Niyakap ako.
"May dahilan ang Diyos Jansen. Alam niyang kaya mong malagpas ito kaya sayo binigay." Sabi niya.
"bibigay na yata ako James." Sabi ko
"Huwag kang magsalita ng ganyan."
"Anong magagawa ko? Kung ito ang nararamdaman ko?" Tanong ko.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa Jansen." Pagpapalubag niya ang aking kalooban. Nilalabanan ko naman pero bakit parang wala ding nagbabago.
"Salamat sa pag-alala James." pilit na ngiti kong sabi. Tumango nalang siya. Hindi na ako nagsalita baka kung ano pa ang masabi ko na at mag-alala siya.

Alam kong nahihirapan na din sila na nakikita akong nakahiga dito. Hindi maatim ng puso ko na makita ang kanilang malulungkot na mata. Kahit hindi nila sabihin sakin nararamdaman ko. Pinipilit lang nilang maging masaya. Inaamin ko sa sarili ko na unti-unti ng bumibigay.

"Magpahinga ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nandito na sila." Sabi ni James.

Pumikit ako.
Pinapangako ko na magiging maayos din ako.
Pinapangako ko na pagkagising ko ok na ako.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon