Chapter 31

1 0 0
                                    

Jansen's POV

"Goodmorning!" Sigaw ko sa kwarto ko. Kinuha ko agad phone ko at nag-online.
"GoodMorning Jansen." Ngiting bati ni Dave sa kabilang linya. Skype kami
"Goodmorning handsome! Miss na kita." Sabi ko.
"Sama na kasi ako jan. Bibigyan kita ng madaming Cookies and Cream basta sasama ako jan." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Tse. May pambili ako. Walang ganya dito. Mabuti nalang binigyan mo ako. Thank You Dave."
"Kumusta kana?" Tanong niya. Ngumiti lang ako. Paulit-ulit nalang yan ang tinatanong sakin. Hindi ba sila napapagod kakatanong niyan. Sinusubukan kong maging maayos. Sana makita nila yun.
"Dave, paano kung hindi na ako makabalik jan?" Tanong ko.
"Edi pupuntahan kita jan." Sabi niya.
"Letse! Seryoso Dave. Paano kung hindi na ako gumaling?"
"Gagaling ka Jansen. Sabi mo diba? Magpapagaling ka jan. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal basta lang pagkabalik mo magaling kana." Naiyak ako. Paano? Paano ako hindi makakatanggi kung ganito ang mga tao sa paligid ko? Wala na silang ibang sinabi kundi ang magpagaling ako. Paano?
"Dave, i have to go. May pupuntahan pa kami ni Chris." Tumango siya. "Babalik ako Dave. Pangako. Babalik ako." Sabi ko.
"Iloveyou babe." Sabi niya at pinatay kona.

Hayss! naligo na ako. Nagsuot lang ako ng t-shirt at pants. Tinignan ko sarili ko sa salamin.
"Kailan kaya ako babangon sa umaga na puro KAGANDAHAN ko lang ang pino-problema ko?" Napangiti ako sa sinabi ko.
"Wala ka kasing ganda kaya hindi mo yun mararanasan." Tinignan ko ng masama ang nasalita at binato yung pulbo.
"Langya ka. Lumayas ka dito." Sigaw ko sakanya. Tawang-tawa pa ang loko. Buset.

Pumunta na ako sa kusi a. Nandun na silang lahat.
"Goodmorning guys!" Bati ko sakanila.
"Goodmorning sweetii. May pupuntahan daw kayo ni Chris?" Tanong ni mama. Tumango ako.
"Dad, pwede ko po bang maka-usap yung donor ko?" Tanong ko. Napahinto silang tatlo. Nagkatinginan sila. Weird.
"Sure baby. But not now Ok ?" Tumango nalang ako at tinuloy ko ang pagkain ko. Binilisan ko ang kumain.

"saan tayo?" Tanong niya.
"Sa Hogwarts." Nakangiti kong sabi.
"Hogwarts? Walang ganun dito. Nahihibang kanaba?"
"Edi dun tayo sa nagbebenta ng magic wand nila." Inis kong sabi.
"Ano ba kasi yang iniisip mo?"
"Iniisip ko lang na kapag nakabili na ako ng ganun m hindi ako magdadalawang isip na gawin kitang palaka." Nakangiti kong sabi.
"Tsss. Illusyon mo Jansen. Gumising ka."
"Tse! Bilisan mo nga jan. Hindi na ako makapaghintay na gawin kang lechon manok." Laptrip b3h.

Naghanap kami ng pwedeng mabibilhan ng magic wand. Meron na kaming nakita pero may naka-una samin. Huhu. nagugutom na ako pero kailangan ko munang makabili ng magic wand.

"Kyaaaah! Chris dali na. Nandun oh." Turo ko dun sa nakita ko. Tumakbo ako.
"Hoy! Hintay." Rinig kong sigaw niya pero pinabayaan ko nalang siya. Excited na akong magkaroon ng ganun.

Grabe. May cd's kaya ako ng movies ng Harry Potter. Walo yun pero kapag sa Libro naman 7 lang. Hinati kasi nila yung 7 sa dalawa kaya 8 yung movies niya. Oh diba? Updated ang ate niyo.

"Can i buy this one ma'am?" Turo ko sa kumikinang na wand.
"Yes ma'am. This way." Sinundan ko siya. Hindi na ako makapaghintay. Mag-co-collect ako ng mga gamit ng Harry Potter. Pati damit nila. Pero huwag muna ngayon. Tong wand muna ang bibilhin ko. Wala akong pera. Iiponin ko yun para pag-uwi ko sa Pilipinas may ipon na ako. Hirap kaya dun. Puro palibre ang bestfriend ko.

Kinuha ko na yung wand saka lumabas sa store. Sakto naman na dumating na si Chris.
"Tara na. Nagugutom na ako." Sabi ko.
"Tsss." Pumunta na kami sa restaurant at kumain dun.

Nang matapos na kaming kumain. Pumunta muna kami sa isang park. Ramdam kong napagod ako. Hindi ko pinahalata sakanya yun. Binigay ko yung isang magic wand sakanya.

"Aanhin ko to?" Nakakunot noo siya.
"Tularan natin sila Harry at Hermione." Nakangiti kong sabi. "Ikaw si Harry. Ako naman si Hermione." Tumawa ako.
"Maglalaro tayo?" Tanong niya. Kaya tumakbo naman ako.
"Oo. Dali na. Kunwari nasa Hogwarts tayo." Sigaw ko at hinabol naman ako.

Ang saya ko. Sobrang saya. Nagtago ako sa puno.

"Maging unggoy ka." Patay nakita ako. Tumakbo ako na parang unggoy.
"Maging pusa ka." Sigaw ko sakanya. nagtransform naman sa pagiging pusa.

Grabe. Nakakatuwa tong pinaggagawa namin. Sana puro kasiyahan nalang. tumakbo ako. Nagtago. Hinahabol ko na ang hininga ko. Sobrang pagod na ako at anytime pwede na akong mahimatay. Naglalaro pa kami ayaw kong matapos agad to. Kakasimula palang namin.

"Maging baboy ka." Sigaw niya sakin at tumakbo ako palayo sakanya. tawang-tawa ako. Madaya na kung madaya. Hindi ako nagtransform. Hahaha.

"Jansen!" Rinig kong sigaw niya pero bumigay na ako.

Napapikit ako. Napagod na ako. Nagdilim na naman ang paningin ko.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon