Chapter 32

1 0 0
                                    

Jansen's POV

Nakita kong tumatakbo ng palapit sakin si Chris. Langya. Laptrip ito. Hahaha.

Oo. Hindi ako nahimatay kundi nagpapanggap lang ako.
"Jansen. Wake up darling. Sorry. Its my fault." Sabi niya. Halatang nag-aalala na siya. Hindi ako kumibo. Mapagtripan nga tong mokong na to. Haha.

Binuhat niya ako. Yung bride style. Feel ko naman. Magpinsan kami uyy. natatawa na ako pero pinipigilan ko. Sinilip ko siya. Langya. Effortless mukha niya. Nakarating na kami sa kotse. Grabe. Hindi man lang nag-iingat. Pinahiga ako sa likod. Natatawa na talaga ako. Hindi ko na mapigilan.

"Hahahaha. Chris ang epic ng mukha mo." Tawang tawa kong sabi ng nakasakay na siya sa harap. Tumingin siya sakin
"Buhay ka Jansen. Hindi ka nahimatay. Buhay ka." Sabi niya.
"Pppffft! Haha. Ang sakit mo sa tiyan."
"Huwag mo akong binibiro ng ganyan Jansen. Hindi nakakatuwa." Seryosong sabi niya.
"Hindi na mauulit pero yung magic wand ulitin natin ha para maulit ko ulit yung ginawa ko. Ppfft! Haha!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Isang tawa mo pa hindi ko na ibibigay sayo tong Puso ko." Waaaaaaait! Puso niya? Natigil ako sa pagtatawa ng marinig ko yun.
"Puso mo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. "Puso mo ba Chris?" mahinahon kong tanong. Tumingin na siya sa harap
"Aaa--no. Hi-ndi Jansen. Biro lang. Haha." Halatang kinakabahan siya.
"Sabihin mo sakin ang totoo Chris." Sabi ko. "Nagmamakaawa ako. Sabihin mo sakin." Dagdag ko pa.
"Jansen, biro lang yun para manahimik ka." Sabi niya.
"Jokes are half meant Chris. Ikaw ba Chris? Ikaw ba ang donor ko? Kaya ba natahimik kayong lahat kanina nung sinabi kong gusto kong makita yung donor ko? Sabihin mo sakin."
"Wala akong dapat sabihin Jansen. Maniwala ka." Sabi niya.
"Maniwala ka din sakin Christian, huwag mong itutuloy ang gust mo. Hindi ko tatanggapin ang puso mo." Sabi ko at umiyak na ako. Hindi ko kaya. Nag-iisang anak lang si Christian. Kung ibibigay niya sakin. Paano nalang mga magulang niya?
"Jansen, please. Pakinggan mo--."
"Uwi na tayo." Pinutol ko ang sasabihin niya. Nagdrive na siya. Hindi kami nagkibuan.

Si Christian. Magpinsan kami. Sabay kaming lumaki pero simula nung nag-high school na kami naghiwalay na kami. Pumunta sila dito sa London. Nandito business nila. Masayahing bata. Mabait. Siya ang tagapagtanggol ko. Tinuring kong bilang kapatid. Eto ba ang kapalit? Eto na ba ang sinabi niyang babawi siya sakin nuon?

FLASHBACK:

"Nasaktan kaba?" Taking niya sakin. Umiling ako.
"Kaunti lang to. Buti dumating ka." Sabi ko.
"Sorry kung nahuli ang dating ng super hero mo." sabi niya.
"Naaaah! Nakarating ka parin." Sabi ko. Inaway ako ng mga ka-klase kong babae kasi malandi daw ako. Nilalandi ko raw si Chris. Kay bata-bata pa namin. Ganyan na silang magsalita. Hindi kasi nila alam na magpinsan kami.
Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. May kumirot na parte. Hindi ko alam pero parang pinipiga nito
"Ok kalang Jansen?" Alalang tanong niya. Tumango ako. Hindi ako makapagsalita sa sakit. Napapikit ako. Hindi ko na kaya. Any moment mawawalan ako ng malay.
"Christian." Nahihirapan kung sabi. Tumingk  siya sakin. "Chris, nahihirapan akong huminga." Sabi ko. Nataranta siya.
"Tulong. tulong. Tulongan niyo kami." Sigaw niya. Ngumiti ako sa kanya habang may nag-uunahan ng lumabas ang mga luha ko. "Jansen, Sorry talaga. Sorry at nahuli ako ng dating. Babawi ako sayo. Promise!" Sabi niya at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

END OF FLASHBACK.

"Nandito na tayo." Timing.
"Chris, eto na ba yung sinabi mo sakin na babawi ka? Tanong ko.
"Hindi sa ganun Jansen."
"Sapat na sakin ang dumating ka Chris. Bakit kailangan mo pa tong gawin? Paano nalang ang mga magulang mo? Tanging ikaw la g ang meron sila Chris. Sana maintindihan mo yan." Sabi ko at iniwan siya. Pumasok na ako sa bahay. Nakita ko naman sa salas sina mama at papa.

"Mom, si Chris ba ang donor ko?" Nagulat siya.
"Baby. Hii---."
"Hindi. Kailan niyo balak sabihin sakin ma? Hanggang kailan kayo maglilihim sakin? Hanggang kailan niyo ako balak gawing tanga?" Sunod-sunod kong sabi.
"Hindi sa ganun sweetii. Gusto lang namin na mabuhay ka." Naiiyak na sabi ni mama.
"Gusto niyo akong mabuhay pero yung taong magbibugay ng puso ko yung taong yun ay si Chris. Hindi niyo na inisip na baka gusto din niyang mabuhay. Alalahanin niyo din sana ang buhay ng kapwa natin." Umiyak ako. Paano nila nagagawa to? "Bakit ang dali lang para sa inyo ang bumawi ng buhay ng may buhay?" Tanong ko.
"Hindi baby. Wala kaming mahanap na donor mo. Lumapit siya samin ng mama mo kaya tinanggap na namin." Paliwanag ni daddy.
"Tinanggap na ganung kadali dad? Na parang nagpalit lang ng damit? Hindi na mahalaga ang buhay ko kung alam kong siya din naman pala ang dahilan ng pagkabuhay ko."

Pumunta na ako sa kwarto ko. Hindi. Hindi maari to. Gustong-gusto kong mabuhay pero hindi ko kayang tanggapin yun. Wala akong karapatang bumawi ng buhay ng may buhay. Kailangan kong maging malakas. Kailangan ko tong haraping mag-isa.

*kriiing* tumonog ang phone ko. Kinuha ko to at agad na sinagot.

"Hello babe." bati niya.
"Dave!" Mahina kong sabi.
"Anong problema?" Halatang nag-alala na siya.
"Dave, mahal na mahal kita. Ikaw ang kauna-unahang lalaking nagpatibok ng puso ko. Nagparamdam ng tunay na pagmamahal. Masaya ako kasi dumating ka sa buhay ko. Hindibka lang dumating kundi naging parte ka na. Dave, sa oras na babalik ako jan. Ayaw kong nakikita kang umiiyak ha? Gusto ko happy lang." Sabi ko at pinatay ang tawag niya.

Sana mapatawad ako ng pamilya ko. Mahal na mahal ko sila. Sana maintindihan nila ako. Lalo akong Nahihirapan tuwing nakikita silang nahihirapan din.

Jesus, kayo na po ang bahala sakin. Pagsisisihan ko po to. Maraming salamat sa pahiram mong buhay.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon