Chapter 2

24 2 0
                                    

Jansen's POV

Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at napatayo ako kasi hindi ko ito kwarto.

"Kyaaaaaah!" Sigaw ko. At may pumasok naman.
"Huwag kang sumigaw. Wala ka sa bahay mo." Tanga ba to? Kaya nga ako sumisigaw kasi wala ako sa bahay. *evil smile*
"O sige. Labas ka ulit at kunwari tulog pa ako. gigising ulit ako at hindi sisigaw kasi wala ako sa bahay. Malamang sa malamang. Tanga ka ba? WALA NGA AKO SA BAHAY" sarcastic kong sabi at napakunot nuo naman siya.
"Ganyan ka ba magpasalamat?" Tinignan ko siya. Pasalamat? Bakit ko gagawin yun. Sino ba siya?
"Lakompake. Bakit ba kasi ako nandito? Kinidnap mo ako no? Sabihin mo na kung ano gusto mo." Ngumiti naman siya. Gwapo pala to kapag ngumiti. Hihi teka. Hindi maari tong iniisip ko. Alis. Shoooo.
"May mukhang TANGA lang naman kasing umiyak kanina sa pinagtutulogan ko at sa hindi ko inaasahan nahimatay siya." ha? Nahimatay ako? Pero bakit? teka. Tinawag ba akong tanga? Walang hiya talaga to. Bwisit. Sinamaan ko siya ng tingin kasi naman kangiti siya.
"Wow ha? So kasalanan ko ba na nagising kita. Bwisit. Uwi na ako." Tinignan niya ako. At naglakad palabas.
"Hatid mo ako. Hihintayin kita sa labas." Nginitian ko siya at tuluyan ng lumabas. Tinignan ko ang sala nila at nakita ko picture namin. Dito pala sa sala niya nilagay. Siya lang naman ang bestfriend komg Si James Gaspar. Mayaman. Matalino. Gwapo. Teka gwapo ? Hindi. Sobrang gwapo niya.
"Alam kong gwapo ako huwag mo akong titigan. Tara na." nagulat naman ako sa nagsalita. Yabang ha? hindi ko na siya pinansin, lumabas na ako at sumakay sa kotse niya. Kinuha ko cp ko at nagscroll-scroll lang sa gallery. Huminto ang sasakyan nasa tapat na kami ng bahay.
"Ayaw mong sabihin?" pagbabasag niya ng katahimikan.
"Maganda ako." Binatukan ako ng mokong. Wengya.
"Ano ba? Huwag mo namang sirain kagandahan ko." Sinamaan niya ako ng tingin.
"huwag mo akong madaan sa ganyan mo." Tsss. Wala akong ligtas nito. Sinusubukan ko na ngayang maging masaya ipapaalala pa niya. Ang galing naman nito.
"Oo na. Nakita ko siya ay mali Nakita ko sila. Ang sakit. Nasasaktan pa din ako. Parang kahapon lang ako ang rason ng bawat pangiti niya. Bakit ganun?" Tumawa siya.
"hahaha. Ffftttt. Tanga mo talaga. wala akong pake. Ang gusto ko lang naman mag-thank you ka" tinulak ko siya.
"tse! Hindi ako magpapasalamat. Hindi kita kilala. itabi mona malapit lang naman ang bahay namin maglalakad nalang ako." Tinignan niya ako at tinabi naman. agad agad akong bumaba. Bwisit.
*lakad.lakad.

"Jansen Pinili!" Yes. Pangalan ko yan, tinatawag na ako ng kuya ko.
"Papasok na kuya" sigaw ko. Akala ko makakapag-drama pa ako dito sa labas. Panira talaga ni kuya.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon