Chapter 15

3 1 0
                                    

James's POV

Ang hirap naman hanapin ang babaeng yun. Wala naman sa Cafeteria, nandun naman si Dave. Ulyanin na ba yun? Naapektuhan na ba ang utak niya? Huwag naman sana. Kailangan ko pa siya. Kailangan ko ang tulong niya. Napapagod na ako sa kakahanap. Sana nilapitan ko nalang si Dave kanina para itanong kung nasan siya. Ang bobo ko naman. Alam kong gwapo ako pero may pagka-tanga din minsan. Baka nandun lang sa paborito niyang tambayan. tumakbo agad ako papunta dun at nandun nga. Sana kanina ko pa naisip. Walang kwenta. Nasan ba kasi utak?

"Jansen!" Sigaw ko at tinignan niya ako. Himala hindi siya nagulat. Nilapitan ko siya. Parang kagagaling lang sa iyak to. "Buti hindi ka nahimatay?" Inosente kong tanong.
"Sa pagkakaalam ko ngayon palang. Mahihimatay ako sa amoy mo." Inamoy ko sarili ko. Amoy pawis. Tang*na naman.
"bakit ka na naman umiyak?" Pag-iiba ko ng topic. nakakahiya kasi i.
"Napuwing lang." Sagot niya.
"Napuwing? Dalawang mata? Imposible Jan." Sabi ko.
"WALANG IMPOSIBLE LAHAT POSIBLE." diin niyang sabi.
"Kthnxbye." Sabi ko. Alam ko lagi kaming nagbabangayan pero alam niya din kung gaano siya kaimportante sakin. Magkababata kami. Sabay kaming lumaki kaya ganito trato namin.
"Anong balita kay Nic?" Tanong niya. Natuliro naman ako.
"B--bakit sa kanya ang usapan?" Nautal kong sabi kay pinanlakihan ako ng kanyang mga mata.
"Hindi mo siya sinundan?" Patay. Kilala niya talaga ako.
"Haa? Ehh. Si--sinundan. Tama. Sinundan ko kaya siya kaso talagang mas mabilis siyang tumakbo kaya hindi ko naabutan." Nakangiti kong sabi kaya binatukan naman ako.
"Torpe mo talaga James. Nasan na ang kagaspangan ng ugali mo sakin?" Sabi niya.
"Ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko." Malungkot kong sabi.
"Kung ako sayo aamin ako. Hindi ko na sasayangin ang panahon." matapang niyang sabi.
"kaya nga kita hinanap i. Magpapatulong ako sayo." *puppy eyes* "PRETTY please?" Diniin ko talaga yung pretty. Haha. Sana gumana.
"Tss. Para kang bakla." Sinamaan ko siya ng tingin at sinamaan din niya ako. Wah! Hindi siya magpapatalo.
"Ano bang plano mo?" Tanong niya.
"Magtatapat na." Sabi ko kaya binatukan ako.
"Alam ko. Letse. Ang ibig kong sabihin ano ang ihahanda natin?" Yan naman pala e.
"Linawin mo kasi. Parang yang nuo mo. Maliwanag." Natatawa kong sabi.
"Hindi kita tutulungan. Bahala ka." Tumayo na siya at umalis na. Agad ko namang hinabol.
"Sige na Jansen. bibigyan kita ng Cookies and Cream." hindi niya ako pinansin. "Hoy! Cookies and Cream na yun." Pangu-ngulit ko.
"Madami akong pera. May pambili ako. At kaya din kitang bilhin ngayon. As in ngayon na mismo." Seryoso niyang sabi. Nag-away ba sila?
"Nag-away ba kayo? Kakaayos niyo lang ha?" Sabi ko at talagang lumungkot ang mata niya.
"Sino ba?" Inosente niyang tanong.
"Nagka-amesia ka ba Jansen? Talaga bang naapektuhan na ang utak mo?" hinawak-hawakan ko pa  ang kanyang ulo.
"Bitawin mo nga ako. Wala akong amnesia. At naaalala ko ang lahat. NAAALALA KO ANG KUNG PAANO SILA MAGHALIKAN NI EILEEN KANINA!!!" sigaw niya sakin sabay takbo. Hinabol ko siya pero sadyang mabilis talaga siyang tumakbo. Runner ba to?

Ang sakit naman nun. may sakit na nga siya sa puso, madadagdagan pa ito ng sakit. Hays! Sana gumaling na siya. Hinahabol ko parin siya. Ng makita kong hinahabol na din siya ni Dave pinabayaan ko na. kahit na gustong-gusto ko siyang habulin at suntukin para ipadanas kung ano ang nararamdaman ngayon ni Jansen pero alam kong hindi niya magugustuhan kaya hinayaan ko nalang siyang habulin niyas si Jan. Oras na niya para kausapin siya. Kailangan niyang magpaliwanag. At kailangan ko na din simulan ang pag-amin kay Monica.

Hintayin mo lang ako Monica. Malapit na ako.

Hiling Ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon