Chapter 20

2 1 0
                                    

Monica's POV

Tuluyan ko na siyang iniwanan. Hindi ko sinasadyang saktan siya. Oo. Lagi ko siyang inaaway kasi may dahilan ako. Ang tanga ko lang. Ayaw ko lang naman mapalayo sa kanya. Ok naman na yung ganito ako. Yung ganito kami. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na ako ng umiyak. Nararamdaman kong may nakasunod sakin kaya dumiretso ako sa ilalim ng puno. Nauna na akong umupo at sumunod naman siya.

"Bakit mo nilayasan?" Tanong niya.
"Baka kung ano pa ang masabi ko at madaming magbabago." Sabi ko ng umiiyak.
"Bakit bes ? Akala ko ba mahal mo siya ? Ginagamit mo pa nga si Kiya Jinsen para magselos siya." Sabi ni Jansen.
"Hindi sa ganun bes. Ginagamit ko ang kuya mo para mawala na ang nararamdaman ko sa kanya."
"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito niyang tanong.
"Simula palang gusto ko na si James bes at Sinasabi ko sa ate ko kung gaano ko siya kagusto maging akin. Hindi ko naman alam na may gusto din siya kay James." Sabi ko.
"Si Ate Monette? As in siya bes?" Gilat niyang tanong.
"Oo bes. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sakin bes kaya ginamit ko kuya mo para makalimot." Umiiyak kong sabi.
"anong makalimot? Huwag ka namang pabitin. Letse ka." Naiinis niyang sabi.
"Mahal na mahal ko si James. Higit pa sa buhay ko. sinabihan ako ni Ate na itigil ko na ang pagmamahal ko kay James kung hindi daw baka hindi ko na siya malapitan. Bes, tinalikuran ko siya kanina bago ko pa masabi na mahal ko din siya. Ano nalang ang mangyayari samin? Masisira ang pamilya ko bes. At hindi ko pa siya malalapitan kapag nasabi ko yun." Tuloy-tuloy kong sabi.
"Grabe si Ate Monette bes. Magkapatid naman kayo. Bakit ka niya sinasaktan?" Malungkot niyang sabi.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Yinakap ako.
"Gusto monkausapin ko si Ate Monette?" Tanong niya.
"Huwag na. Baka lalo pang uminit ang ulo niya. Pinag-iinitan na ako nun simula nung nalaman niyang mahal ako ni James." Sabi ko
"Alam niya?" Gulat niyang tanong.
"Oo bes. Nakita ko sila sa Garden nuon. Nilapitan ni ate si James at etong si James naman hindi sinadyang nasabi niya na mahal niya ako." Sabi ko.
"Fuck bes. Malala ito."
"Kaya nga bes. Kaya ako na ang lumalayo para sa kin. Para na din sakanya." Sabi ko. "Para naman kahit papano nagkakausap parin kami." Dagdag kong sabi.
"Bakit hindi mo siya ipaglaban bes?" Sani niya.
"Walang saysay kung may pipigil din naman. Kilala ko si ate . Gagawin niya lahat." Sabi ko.
"Hindi naman siguro hahayaan ni James yin bes. Basta sabihin mo lang sakanya." Sabi naman nito.
"Hindi na bes. Kung talagang kami. kami." malungkot kong sabi "PINAGTAGPO KAMI NG TADHANA PERO HINDI KAMI ANG ITINADHANA." Sabi ko at tumayo na ako at iniwanan siya gusto kong mapag-isa.

Gusto kong makalimot.
Gusto kong bumalik sa pagkabata.
Gusto ko ulit maranasan na tuhod lang ang nasasaktan at hindi ang puso.

Hiling Ng LangitWhere stories live. Discover now