EPILOGUE

4.4K 103 7
                                    


Maraming taong dumalo sa opening ceremony ng bagong tayong resort ng Villuna Group of Companies. April wandered  around the place. Mababakas sa mukha niya ang kaligayahan. Masaya siya sa kinalabasan ng kanilang trabaho. Lalong masaya siya para kay Miguel. Parang gusto niyang maluha habang nakatingin sa mga paintings na ngayon ay nakasabit sj mahabang bulwagan ng resort. Finally, Miguel was able to forgive his father.
Wala na siyang ibang mahihiling pa.
Napalingon siya nang tawagin siya ni Mica.

''Tita, can I swim now?'' Tanong nito.

Tumawa siya. ''Where is your mommy?''

Itinuro nito ang ate niya na kasalukuyan palang kausap ni Miguel. It seemed they were having a good talk. Lumapit siya sa mga ito at agad na niyakap sa baywang ang kanya nobyo.

''ano'ng pinag-uusapan n'yo?''

Nginitian siya ng ate niya. ''Nothing,'' sagot nito.
Tiningnan niya ang kanyang nobyo. Tumawa naman ito nang malakas. April was now used to seeing him laugh. Iyon ang isa sa mga bagay na gusto niyang nakikita rito palagi.

''We'll, honey, now I kow the story behind that picture of yours.''

Nanlaki ang mga mata niya at saka nang-uusig ang mga matang tumingin sa kanyang ate.

''Gano'n ka pala? No wonder...'' Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Miguel na agad na nagpainit sa mga pisngi niya.

''Stop that!'' Saway niya rito. Hindi ito tumigil kaya nanggigil na kinurot niya ito nang pinung-pino.

''Ouch! Masakit 'yon, ah?''

Kinurot uli niya ito kaya tumatawang lumayo ito sa kanya. Sinundan niya ito.

''Bakit nag-aaway sina Tita April at Tito Miguel?'' Narinig pa niyang tanong ni Mica.

''Hindi sila nag-aaway. Naglalaro lang sila ng habulan,'' sagot ni Elly.

                                                             END....









Natapos din....





Abangan...

❤❤❤MY EXTRAORDINARY MAID❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon