Part 33

2.5K 69 0
                                    

Isipin mo nalang na hindi iyon nangyari, tutal, bale-wala lang naman iyon kay Miguel, di ba? Paulit-ulit na sabi ni April sa kanyang sarili. Nahihiya siya tuwing naaalala niya ang kahihiyang ginawa niya. That was really stupid.

Sumakay siya sa kanilang service van. Bibisita uli siya sa Subic kaya mahaba-habang biyahe na naman ang susuungin niya. Babalik din siya kinahapunan dahil kaarawan ng pamangkin niya. Siguradong magtatampo s Mica kapag hindi siya nakarating sa birthday party nito.

Bago magtanghali ay nasa Subic na siya. Nakontento siya sa mabilis na progress ng construction. Pagkagaling sa main house ay lumipat siya sa mga itinayong bahay para sa magiging empleyado ng resort. Nagmasid-masid siya sa paligid. Tama ba ang nakita niya? Mula sa dulo ng footpath ay naglalakad sina Miguel at Arthur. Nagulat siya pagkakita kay Miguel. Bago pa siya makita nito ay mabilis na kumubli siya sa kalapit na puno. She couldn't help but notice how good-looking he was in his casual T-shirt and jeans.

Ano ang ginagawa nito roon? Hindi niya alam na pupunta rin ito roon dahil walang nabanggit si Arthur. Kapag kuwan ay natigilan siya. Bakit ba para siyang pusang hindi mapakali? Ano naman kung nandoon si Miguel?

She composed herself. Panindigan niya ang akala nitong wala siyang maalalang nangyari nang gabing iyon. Sa kabila niyon ay sinikap pa rin niyang huwag magtagpo ang mga landas nila. Pero nagkita rin sila.

Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang kumilos nang kaswal sa harap nito. Si Miguel naman ay hindi rin kakikitaan ng indifference. Kung tingnan at kausapin siya nito ay parang walang nangyari.

Nagpaalam siya kay Arthur. Alam nitong babalik din siya ng Maynila. Sinabi niyang magpapahatid na lang siya sa service van dahil hindi niya dinala ang kanyang kotse. Napatingin siya sa kanyang relo. Late na siya sa party pero pupunta pa rin siya. Kanina pa nga siya tinetext ng ate Nimfa niya kung anong oras siya makakarating dahil hinahanap na raw siya ng kanyang pamangkin.

Nagmamadali na siya. Pero kung kailan nagmamadali siya ay saka pa sinabi ng driver na may leakage ang gasolina ng van kaya kailangan pa munang ayusin iyon.

Magko-commute na lang siguro ako, wika niya.

Sumakay ka na lang sa truck ng buhangin palabas sa main road, biro pa sa kanya ni Ronan.

Iningusan niya ito. Paano na 'to ngayon? Mamaya pa raw maaayos 'yong van. Balak ko pa manding dumaan muna sa opisina bago pumunta sa bahay nina ate. Kung bakit naman kasi nakiangkas pa ako sa service van? Sana pala ay dinala ko na lang ang sasakya ko. Nakakapagod naman kasing mag drive ng malayo, naghihimutok na sabi niya.

Sumabay ka na lang kay Mr. Villuna. Pabalik na rin naman siya sa Maynila, suhestiyon ni Arthur.

Between the truck and Miguel's car, she would rather choose the former. Pero natakot siya sa ideyang pulos lalaking hindi niya kilala ang makakasama niya kapag nakiangkas siya sa truck.

Nilunok niya ang kanyang pride. Mas importanteng makabalik siya sa Maynila kaya titiisin na lang niyang kasama sa iisang kotse si Miguel.

Tamang-tamang lumabas ito at sumakay sa Porsche nito. Lumapit siya at kumatok sa katabing bintana nito. Dahan-dahang bumaba iyon.

P-puwede bang makiangkas sa'yo paluwas? Nahiyang tanong niya.
Nagkaproblema kasi 'yong service van namin. Kailangan ko lang talagang makabalik sa Maynila.

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon