Part 3

3.6K 77 0
                                    


April


Pinilit ngumiti ni April pag karinig sa sinabi ni Paulo.
You're kidding, right? Hindi niya mapaniwalaan ang nangyri. Parang nabingi siya at kinailangan pa niyang irewind sa isip ang mga linyang binitiwan nito.
I'm serious, April. I need a break, sabi nitong hindi mka tingin nang diretso sa kanya.
Pero bakit? aniyang napalakas ang boses. Napatingin tuloy sa kanila ang ilang mga tao sa katabing mesa nila.
Paulo leaned closer to her. Hinaan mo naman ang boses mo. Nakakahiya sa mga tao. mahinang sabi nito.
Humikbi siya. Wala na siyang pakialam sa mga taong nakakakita sa kanya. Oh no! Not again. this is just a dream. Hindi ito totoo.
Hindi puwedeng dumagdag si Paulo sa humahabang listahan ng mga lalaking nakipag hiwalay sa kanya. Ano ba ang ginawa kong mali?sabihin mo. May pag kukulang ba ako?
Hindi ito sumagot.
Ano? untag niya. Bakit ka nakikipag break? kulang pa ba ang pag mamahal na ipinapakita ko sa'yo? sabihin mo.
Nope. As a matter of fact, it's too much, April. At nasasakal na ako sa iyo.
Natigagal siya.
Hindi na ako bata para bantayan at alagaan mo, twenty four hours a day. Hindi mo rin ako kailangang bilhan ng kung ano ano.
I thought you liked them?.
Tumango ito. Oo nga. Pero sinasabi ko lang 'yon dahil ayokong saktan ang feelings mo. Sandaling tumigil ito bago nag patuloy. Hindi ko na rin kayang tiisin ang pangangantiyaw sa akin ng mga kasamahan ko. Do you know what they call you? hindi girlfriend kundi yaya ko.
Hindi siya maka paniwala sa mga narinig. Ano ba ang mali sa pag papakita ng pag mamahal? that was her way of showing her love. Bakit parang lahat ng lalaking nai involve sa kanya ay isinusuka ang paraan ng pag mamahal niya? Bakit ngayon pa itinapon ni Paulo ang pakikipag hiwalay sa kanya kung kailan nasa height siya ng pag papakita kung gaano niya pinag handaan ang kaarawan nito?.
Lalo siyang napa iyak. No, no, umiiling na sabi niya. This was too much for her pride to take. Napatayo siya mula sa upuan at nilisan ang lugar. Tinawag siya ni Paulo pero hindi niya ito pinansin. Nag hanap siya ng mapag kakanlungan. Nakakita siya ng comfort room. Pumasok siya roon at dali daling tinawagan sa cellphone ang bestfriend niya na si Elly.







hay...nka2 pagod pla..😟😟

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon