Part 21

2.2K 68 1
                                    

April



Mabuti-buti na ang pakiramdam ni April kaya pumasok na siya sa trabaho. Pinalibutan siya ng mga kaopisina niya at isa-isang kinumusta ng mga ito ang lagay niya. Tumaba ang puso niya sa nakitang pag-aalala ng mga ito sa kanya. Pagkatapos mag pasalamat sa mga ito ay nagsimula na siyang mag trabaho.
Nilapitan siya ni Ronan at inakbayan.

''Alam kong kagagaling mo lang sa sakit, pero marami tayong dapat gawin para sa itatayong resort ng mga Villuna.''

''I know,'' aniyang nginitian ito.
''As a matter of fact, nasimulan ko nang i-modify 'yong naunang designs na ipinakita n'yo sa kanya.'' iniabot niya rito ang USB.

''Talagang maaasahan ka,'' tuwang tuwang sabi nito.
''Kaya gustong-gusto kitang partner eh.''

''Naku, nambola pa 'to.''

''Ako na'ng bahala rito.'' Pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Nakangiting sinundan niya ito ng tingin. She missed working with her co-employees. Nakatulong din sa kanya ang ilang araw na pamamahinga para makapag isip at limiin ang mga payo sa kanya ni Elly.

Nang mga sumunod na sandali ay masyado na siyang abala kaya hindi niya namalayan ang oras. Iwinaksi niya ang kung anu-anong alalahanin. Gaya nga ng sinabi ni Elly, may positibong naidudulot ang pagiging single. Ienjoy nalang niya ang kanyang buhay.

Sisikapin na niyang kalimutan si Paulo kahit alam niyang mahihirapan siya. Marami pa siyang makikilalang ibang lalaki. Kapag may nanligaw uli sa kanya ay kikilatisin muna niya nang mabuti. Sisiguruhin niyang mahal na mahal siya ng lalaking sasagutin niya. Gagamitin naman niya ang kanyang isip kaysa puso.

Nilapitan niya si Betchy.
''Tawag ka naman sa Villuna. I want to set a meeting with them tomorrow para ma-approve na nila ang final plans.''

''Sure,'' sagot nito.

She continued working. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumapit ito sa kanya at sinabing confirm na ang meeting niya sa susunod na araw. Nagpasalamat siya rito. At the back of her mind she was dreading to meet Miguel again.



❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon