Part 8

2.8K 60 0
                                    

April


Mabigat ang ulo ni April pag gising niya kinabukasan. Ilang sandali ang lumipas bago niya naalalang lumabas nga pala sila nila Elly at Ronan nang nag daang gabi at pumunta sa isang bar.
Pumikit uli siya. Parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Bigla niyang naalala ang tungkol sa meeting niya. Napatingin siya sa orasan.
"Oh, God! I'm gonna be late!
Tumayo siya mula sa kama at pumasok sa banyo. Pag katapos ng mabilisang paligo ay nag bihis siya at nilisan ang condominium niya. Malapit lamang iyon sa architectural firm nila pero hindi roon gagawin ang meeting kundi sa mismong opisina ng kliyente nila sa ortigas. Rush hour na kaya malamang na maipit siya sa traffic.
Sunod sunod ang text message na natanggap nita. Hindi niya gawaing gumamit ng cellphone habang nag mamaneho pero sa pag kakataong iyon hindi niya naiwasan. May message sa kanya si Arthur, Agnes, at Elly pero hindi niya sinagot isa man sa mga ito dahil ang inuna niyang hanapin ay ang address ng kompanyang pupuntahan niya.
"Got it! Eyes on the road April," aniya sa sarili. Masakit pa rin ang kanyang ulo. Binabagtas niya ang kahabaan ng Edsa. Naipit siya sa traffic. Kinse minutos na lang ang natitira para makahabol siya sa meeting. Tinawagan siya ni Arthur. "Malapit na ako," wika niya. Natanaw na niya ang mataas na building na pakay niya. Nag hanap siya ng parking space pero mukhang basement parking lang siya pwedeng mag park. Iminaniobra niya ang kanyang sasakyan sa kanan papasok sa entrance ng basement parking.
"Oh great! she muttered to herself. Puno ng mga sasakyan ang parking lot. Inilibot niya ang kanyang paningin. Wala siyang makitang available space. Mag aalas diyes na at kanina pa nag simula ang office hour kaya puno na ang parking area. What a day, April!.


THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon