Part 26

2.3K 58 0
                                    


April



Hindi makapaniwala si April na inimbitahan  siya ni Miguel na mag-dinner.

''Bakit ikw lang ang in-invite niyang mag-dinner?'' Sabi ni Elly.

Mas nauna itong maka recover kaysa sa kanya.

''Is there something going on between you and Mr. Villuna?''

''Wala no!'' Mabilis na sabi niya.

Pinagtaasan siya nito ng isang kilay.

''Ano ang ibig sabihin n'ong nakita ko? Hindi ako bulag,'' wika nitong tiningnan siya nang makahulugan. Parang binabalaan siya nito.

''Guys, 'wag kayong mag-isip ng kung anu-ano,'' wika niya.

''Business lang ang dahilan kaya niya ako niyayang mag-dinner okay?''

''Bakit ka defensive?'' Nanunuksong sabi ni Ronan.

Hindi agad siya naka sagot. Ganoon ba ang dating ng sinabi niya? Sa kawalan ng masabi ay iniba na lang niya ang takbo ng usapan. Pero sa isip ay hindi nawala ang imbitasyon ni Miguel. Ano ang dahilan ng pagyayaya nitong iyon? Pilit na hinahagilap niya sa isip kung may nakaligtaan ba siyang trabaho o kaya ay appointment dito pero wala siyang maisip.

Napailing-iling siya. Ibang klase ring mag-imbita ito. Hindi manlang siya pinagsalita. It didn't look like he was inviting. Mas mukhang nag-uutos ito. Anuman ang dahilan nito ay hindi siya pabor doon lalo na at puwedeng maulit ang nangyari sa huling pagkikita nila. She made a decision. Makikipag kita lamang siya kay Miguel kapag sinabi ni Betchy na kasama iyon sa mga business engagements nila. Kung hindi ay nunca na pumunta siya sa sinasabi nitong lugar at oras.




❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon