Part 28

2.4K 57 0
                                    

Naging maayos ang trato nina April at Miguel sa isa't-isa pagkatapos nilang magkausap. He doesn't seemed not bad after all. Nag-uusap na sila nito at mas magaan na siyang nakakapag trabaho kapag kasama ito. Lalo tuloy siyang tinukso ng mga katrabaho niya. Sana lang ay hindi iyon napapansin ni Miguel dahil nakakahiya rito. Ano na lamang ang iisipin nito?

Ongoing ang construction ng resort. Noong una ay halos araw-araw silang naroon para bantayan ang trabaho. Pero nang maglaon ay tatlong beses sa isang linggo nalang kung pumunta sila sa site. So far, lahat naman ay nasa ayos.

Kapag pumunta siya roon ay ilang araw siyang nananatili roon. Dala naman niya ang kanyang laptop at portable Internet kit para may komunikasyon parin siya sa Maynila. Anyway, hindi pa naman nagagalaw ang lahat ng parte sa isa sa mga kuwarto roon kapag naroon siya. Ang mas inuunang  gawin ay ang construction ng dalawanp three storey building. So far ay naitayo na ang frame ng mga iyon.

Nang araw na iyon ay bumisita uli sila sa site. Nagkataong dumalaw rin doon si Miguel. Pagkatapos niyang inspeksiyunin ang construction ay bumalik na siya sa loob ng main house. Mayroon siyang ayaw alalahaning okasyon sa araw na iyon kaya itinuon niya ang buong atensiyon sa trabaho.

Kasama niya si Ronan at ang iba pang kasamahan nila. Bumisita rin doon si Miguel. May idinidiscuss ito at si Ronan habang nakatingin sa blueprint na nakalatag sa malaking mesa. Sa halip na lumipat sa mga ito ay pumunta siya sa kitchen at nagtimpla ng apat na tasa ng kape. Inilagay niya sa tray ang mga iyon at saka dinala sa mga kasama niya.

''Guy's, coffee break muna,'' sabi niya.

''Oh, you're an angel! Kapeng-kape na nga ako,'' tuwang tuwang sabi ni Ronan.

Ibinaba niya sa tapat nito ang isang tasa.

''Coffee monster,'' pabirong sabi niya.

Isa-isang ibinaba niya ang tatlong tasa sa harap ng iba pang mga kasama nila.

''Nakalimutan mo yata si Mr. Villuna,'' sabi sa kanya ni Arthur.

Umiling siya at ngumiti, saka hinugot mula sa backpocket ng kanyang pantalon ang isang bote ng mineral water.

''Water for the president,'' aniya, saka ibinigay rito ang bote.

Ngumiti ito nang tanggapin iyon.

''Thank you.''

''You're welcome,'' wika niya.

''May na-miss ba ako? Ano ba'ng pinag-uusapan n'yo?''

''Kailangan natin ng minor alteration on the plan kapag magdadagdag  tayo rito ng rampa,'' wika ni Ronan. Itinuro nito sa blueprint ang sinasabi nito.

''I see...'' Tatangu-tangong sabi niya.


❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon