Part 27

2.3K 69 1
                                    


Mag aalas-otso na ng gabi pero alumpihit parin si April sa kanyang kinauupuan. Panay ang tingin niya sa kanyang relo. Walang kinukumpirmang appointment si Betchy na kasama si Miguel kaya hindi siya pupunta sa sinasabi nitong ''dinner'' nila.

Pero habang umaandar ang oras ay lalo siyang nagiging balisa. Pupunta ba siya o hindi? Naalala niya kung paano siya inimbitahan nito. It didn't sound like a formal business appointment. In fact, mukha ngang personal ang imbitasyong iyon.

Ilang sandali pang nagtalo ang puso at isip niya bago siya nakapag pasyang pumunta. Eight-fifteen na kaya halos takbuhin niya ang kahabaan ng Greenbelt para lang makarating sa restaurant na sinasabi nito.

You're a disgrace, April. Hindi raw pupunta pero bakit nagkakandarapa ka ngayon? Aniya sa sarili.

Mabuti na lang at malapit lang ang Greenbelt sa opisina nila kaya mabilis siyang nakarating doon. Inayos muna niya ang sarili bago tuluyang pumasok sa restaurant. Miguel was already there, sitting and looking impatient. Nakita siya nito pero hindi ito ngumiti o nagpakita manlang ng reaksiyon. Nagsalita lang ito paghinto niya sa tapat nito.

''You're late,'' malamig na sabi nito.

''I don't remember saying 'yes' to your invitation,'' taas noong sabi niya.

''But you're here.'' Ngumiti ito. Iyong klase ng ngiti na hindi niya gusto.

Napahiya siya.

''Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin dahil aalis na ako,'' pag iwas niya.

''You might as well sit down.'' Iminuwestra nito ang katapat na upuan.

Hindi siya umupo.

''Please?'' Pakiusap nito.

Pinagbigyan narin niya ito.

''Para saan ang dinner na ito? Is it about the...'' Napahinto siya nang kunin nito ang isang bouquet ng mga white roses sa katabing upuan a iabot sa kanya.

Sandaling natulala siya sa mga bulaklak. Kay gaganda ng mga iyon. Weakness pa mandin niya ang mga bulaklak.

''Ano ang mga ito?'' Tiningnan niya ito.

''White roses,'' sagot nitong hindi nakatingin sa kanya. Uminom ito sa kopita nito.

''Of course, i know these are white roses. Pero para saan nga ang mga ito?''

''I'm sorry sa pagiging tactles ko the last time. I know it was uncalled-for,'' wika nito. Hindi parin ito nakatingin sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Tinitigan siya nito.

Siya naman ang hindi makatingin dito.

''G-gano'n ba?'' Mahinang sagot niya. Hindi niya inaasahang magpapakumbaba ito sa kanya.

''Shall we start again?''

''Huh?'' Nagtatakang sabi niya. Sinalubong niya ang tingin nito.

''I don't intend to work with someone who is not in speaking terms with me.'' Ngumiti ito.

''I hope we can improve on that department.''

Mukhang sinsero ang ngiti nito na lalong nakadagdag sa appeal nito.

''Apology accepted,'' kapag kuwan ay sabi niya.

Siya na ang kusang nag abot ng isang kamay rito.

Tinanggap nito ang pakikipag kamay niya. Ngumiti na rin siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niyang lumuwag ang kanyang dibdib.


❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon