Part 29

2.5K 69 1
                                    


Miguel



Uminom ng tubig si Miguel. April was very keen on details. Na-amaze siya nang sa halip na kape ay distilled water ang dinala nito para sa kanya. Wala siyang matandaang pagkakataon na sinabi niya ritong hindi siya umiinom ng kape. Napansin lang siguro nito na tuwing may meeting sila ay hindi kape ang isine-serve sa kanya kundi malamig na tubig.

That was quite impressive.

Kinahapunan, mula sa balkonahe ay pinagmasdan niya ang improvement ng construction. Kung mananatiling ganoon kabilis ang construction. Ay mabubuksan agad niya sa publiko ang resort. Ipinaayos na rin niya ang mga business documents na kakailanganin para maging fully operational iyon.

Natuon ang pansin niya sa isang bahagi ng site. Mula roon ay may naulinigan siyang mga boses na nagtatawanan. Naroon ang foreman at ilang mga lalaking trabahador. Laking gulat din niya nang makita roon si April. Mukhang nagkakatuwaan ang mga ito. It seemed April didn't need to exert any effort to win the hearts of those men.

Tila biniro ni April ang foreman kaya napakamot sa ulo ang huli na ikinatawa naman ng mga trabahador. Kapagkuwan ay humakbang na ito papasok sa main house. Napaatras siya. Kung titingin kasi sa taas si
April  ay makikita siya nito. Ayaw niya makita siya nito sa ganoong ayos na waring nag-i-spy rito.

Pumasok na lamang siya sa kanyang silid at nagpasyang tapusin ang nabinbing trabaho. Naging abala na siya nang tumawag si Rod sa cellphone niya at sinabing sa susunod na araw ay pupunta roon ang cargo truck para kunin ang mga gamit sa main house. He was planning to store them before he put then for auction. Hindi na rin naman niya kakailanganin ang mga iyon.

''Thanks, Rod. I'll see you tomorrow,'' pagtatapos niya sa kanilang usapan.

Isa sa mga dahilan kung bakit naroon siya ay para personal na pamahalaan ang paghahakot ng mga gamit sa villa. Nag-inat siya at tiningnan ang oras sa kanyang relo. Alas siyete na ng gabi. Kaya pala medyo nagugutom na siya. Lumabas siya ng silid. Nakasalubong niya sa pasilyo si Ronan.

''Pupuntahan sana kita, Sir. Do you want to join us? Balak naming mag dinner sa tabing dagat.''

''Okay, I'll join you.''

Sabay na silang pumunta roon. Mayroong malaking mesa roon na puno ng mga pagkain. Di kalayuan doon ay mayroong bonfire. Nag-umpisa na silang kumain. He must admit, he enjoyed the company. Si Ronan ang pinaka kalog at pinaka maingay sa grupo. Palagi namang sinasakyan ni April ang mga sinasabi nito. Magkatabi ang mga ito at lagi na'y umaakbay si Ronan sa dalaga. They must be really close. Napansin din niya ang pagiging extra cheerful ni April nang araw na iyon.

Nagtaas si Ronan ng isang bote ng beer at saka nag-propose ng toast.

''Cheers!'' Sabay-sabay na sabi ng lahat.

Nagsiupo na sila sa harap ng bonfire. Doon niya nakatabi si April.

''Ganito ba talaga kayo palagi?'' Tanong niya.

''Ganito talaga samahan namin. Sana lang ay hindi ka naguguluhan sa amin,'' nakangiting sabi nito.

''Work kung work, pero kapag oras na ng good time, hindi mo maiisip na mga seryoso  silang tao.''

Itinuro nito sina Ronan at Arthur na kasalukuyang naglalaro ng dyak en poy. Nagtatawanan pa ang mga ito nang matalo si Arthur.

Tumayo si April at nakisali sa mga ito. Panay lang ang tawa niya habang pinapanood ang pagkukulitan ng tatlo. Unconsciously, sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ni April. He liked the way her hair sway with her every move. He liked the shadows playing on her face from the flickering fire. He was aware he was seeing her as a woman for the first time.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ano ba ang pumasok sa kukote niya at naisip niya ang bagay na iyon? Inubos niya ang kanyang beer at saka siya bumalik sa villa. Pumasok siya sa kanyang kuwarto pero hindi siya makatulog. Was it his past haunting him?

Maraming taon na ang lumipas mula nang huling matulog siya sa bahay na iyon. Isang mapait na kahapon ang ayaw na niyang maalala. He left this house when he was give a chance. Ngayong bumalik siya, hindi niya maiwasang maalala ang tagpo noong walong taong gulang siya. Tahimik siyang umiiyak habang nakasilip sa siwang ng pinto kung saan lumalagos ang malakas na tinig ng kanyang ama na lango na naman sa alak.

Nagtagis ang mga bagang niya. He was having flashback of his early youth. Pumikit siya nang mariin. Ayaw na niyang maalala iyon. Lumabas siya ng kanyang silid at nagtungo sa maliit na bar. Makakatulong siguro ang kaunting alak para makatulog siya.

Madilim na sa bahaging iyon ng living room at isang munting lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Marahil ay nasa kanya-kanyang silid na ang mga kasama niya sa bahay. He could enjoy his solitude. Ilang sandali siyang tahimik na nakaupo at umiinom nang makarinig siya ng kaluskos. Napailing siya at sinundan ang pinanggagalingan ng tunog. Laking gulat niya nang biglang may bumuwal sa kanya.

''What the---'' agad na nakilala niya si April nang  kumapit ito sa kanya. Halatang lasing ito.

''Ano'ng nangyari sa'yo?''

Tumawa ito nang mahina.

''I want to sleep. Nasaan ang kuwarto ko?'' Lumayo ito sa kanya at kinilala siya.

''Miguel, ikaw pala!''

''You're drunk.'' Inalalayan niya ito nang muntikan uli itong mabuwal.

''Careful. Nasaan sina Ronan? Bakit hinayaan ka lang nila?''

''Tulog na sila. Uminom lang ako sandali at nagpahangin.''

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga balikat nito.

''Don't do this again.''

Pinalis nito ang kamay niya.

''Bakit ba nagagalit ka? Inaano ba kita?''

Naglalakad ito mag isa at iniwan siya.

Sinundan niya ito. ''Hindi diyan ang daan papuntang kuwarto mo.''

Huminto ito, muling humarap sa kanya mahinang tumawa. ''Nawawala ako.''

Nilapitan niya ito at binuhat. Kumapit ito sa leeg niya. Dinala niya ito sa kuwarto nito at ibinaba sa kama.

''You're a lousy drinker, April.''

Hindi nito inalis ang pagkakakapit sa leeg niya.

''I LOVE YOU,'' paanas na sabi nito.

Natigilan siya. His heart began to race. Tinitigan niya ito sa mga mata. Dahang-dahan nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya at hinalikan siya sa mga labi. Kay lambot ng mga labi nito. He didn't know when he began to respond because he was half amazed to realize he was kissing her, too. He stopped. He felt her breath against his lips.

''Don't leave, Paulo.''



❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon