Part 24

2.3K 59 0
                                    


Kilalang negosyante at pulitiko ang ilan sa mga bisita sa groundbreaking. Noon napatunayan ni April na talagang malaki ang business empire ng mga Villuna. She thought at first that Villuna group concentrated only on building resorts but she found out that they also owned a chain of restaurants in the metro and suburb. Aminin man niya o hindi ay walang dudang mahusay na negosyante si Miguel. No wonder he could easily threw his weight around people. May karapatan itong umasta nang ganoon kung pagbabasehan ang katayuan nito sa buhay.

Tinapunan niya ito ng tingin habang abala ito sa pakikipag-usap sa mga bisita nito. Kitang-kita ang awtoridad sa anyo nito. Noon lamang niya ito natitigan nang mabuti. Matangkad at maganda ang katawan nito. She wondered how he was able to maintain that kind of body if he was so busy running his business...

What was she thinking? Bakit niya naiisip ang mga ganoong bagay tungkol kay Miguel? Ipinilig niya ang kanyang ulo at nag concentrate sa kinakain.

Sa simula palang ng event na iyon ay nagawa na niyang iwasan si Miguel kahit isa siya sa mga key persons sa groundbreaking. She wanted to congratulate herself for that. Kung siya rin lang ang tatanungin ay kanina pa niya gustong umuwi. Pero mukhang balak pang magtagal doon ng mga kasamahan niya. Nag e-enjoy pa ang mga ito lalo na at may maliit na bar ang villa na puno ng iba't-ibang klaseng alak. Bumabaha rin ng pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagtungo siya sa veranda kung saan tanaw ang dagat. Pinanood niya ang paglubog ng araw. Medjo nagulat pa siya nang tumunog ang cellphone niya. Nag-text si Elly at hinahanap siya. Napangiti siya. Para namang nasa malayong lugar siya. Ipinasya niyang puntahan ang mga ito. Pero napahinto siya nang makasalubong niya si Miguel. Umiwas siya at lalong binilisan ang paglalakad. Hindi niya ito tinitingnan nang mapatapat siya rito.



❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon