Part 19

2.2K 71 1
                                    


Miguel





Napaka-busy ng araw ni Miguel. Pagkagaling niya sa isang meeting ay tumuloy naman siya sa meeting niya sa mga taga JPM. the door to the conference room was left ajar. May naririnig siyang mga boses mula roon kaya nahinuha niyang naroon na ang mga ka-meeting niya.

''She was able to send that this morning.''

''We can't afford her being sick right now. Hindi magugustuhan ni Mr. Villuna na mabinbin ang paggawa ng plano. He wants the project to start the soonest posible time.''

Sandaling napahinto siya pagkarinig sa pag uusap ng dalawang lalaki. Tama ba ang narinig niyang may sakit si April?

''Don't worry, I'm sure April can finish it on time. Look, kahit may sakit siya ay nagawa parin niyang tapusin ang trabaho niya.''

''I'm worried about her. Ang balita ko kay Elly, kaya siya nagkasakit ay dahil naulanan siya no'ng pumunta siya sa opisina ng ex-boyfriend niya.''

He snorted at what he heard.

''Too bad she can't be here right now. Buti nalang at nasa preliminary stage palang tayo ng planning.''

So, it was confirmed that April was sick. She disappointed him again. Hinintay pa mandin talaga niya ang araw na iyon para magkita uli sila, pero mukhang malabong mangyari iyon. She was beginning to get his attention. Well, not in a romantic way. She clearly reminded him of someone. Isang taong may kinalaman sa kahapong ayaw na niyang maalala.

He entered the room ang greeted the gentlemen. Hindi na siya nagulat nang makitang wala roon si April, pero itinanong parin niya kung nasaan ito. He got the same reason.

''Let's just hope she gets well soon,'' bukal sa loob na sabi niya.

Nag umpisa na silang mag-meeting. He looked at the elevation plan. Na-impress siya sa ginawa na plano ni April. Satisfied siya sa trabaho nito. May kaunting modification lang siya na nais ipagawa.

''I want April to present the final plans. I need to discuss some things with her,'' mariing sabi niya.






😌😌😌

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon