Part 12

2.8K 65 0
                                    

April

Hinango ni April ang kapeng niluto niya sa coffeemaker nang pumasok sa pantry si Elly. Tinabihan siya nito.

''Something wrong?'' tanong nito, ''kanina ko pa napapansing tila balisa ka pag dating n'yo galing sa meeting. Mayroon ba kayong hindi napagkasunduan?''
Umiling siya. ''Wala naman.'' Nagsalin siya ng kape sa mug niya.

''So, it's Paulo again. Tama ba ko?''
She groaned. ''Ano kaya ang dapat kong gawin?''
''Kalimutan na ang taong 'yon ano pa ba?''
''No, I'm thinking about someone else,'' sabi niya. Umayos ito ng upo. ''Sino naman?''
Nakagat niya ang ibabang labi. Ikinuwento niya rito ang nangyari sa basement parking pero hindi niya isinama iyong tungko sa unang beses na pag tatagpo nila ni Mr. Villuna dahil sobrang kahihiyan na iyon.
''Oh, my God!'' dahan-dahang sabi nito.
''Ano sah tingin mo?'' Elly laughed. Muntikan pa nitong matabig ang mug nang hampasin nito ang mesa. Isinara nito ang pinto ng pantry para walang makarinig sa kanila.

''You mean, nabangga ni Mr. Miguel Villuna ang kotse mo at binigyan ka pa niya ng calling card?'' tumango siya.
Namungay ang mga mata nito. ''I wonder kung ano ang hitsura niya. Tell me, please? Guwapo ba siya? bata?''

She looked incredulously at Elly. Nag kuwento siya para hingin ang opinyon nito kung ano ang dapat niyang gawin at hindi para ilarawan dito ang physical characteristics ni Mr. Villuna.

''Do you think he is single?''
''Am i supposed to know that?'' nainis na sabi niya. ''Hindi ko nga alam ang gagawin, eh.''
''kailangan pa bang sa akin manggaling ang sagot sa tanong  na 'yan? you know what to do. Humingi ka ng sorry and do it today.'' Magpoprotesta sana siya pero naunahan siya nito. ''Ano 'kamong ginawa mo this morning sa parking area?''
''I took his slot,'' pag amin niya, sabay bawi. ''Accidentally.''

''Whatever. You owe him an apology. Remember, kliyente natin sila...as in 'big' client.''
Lalo siyang nanlumo dahil may punto ito.
''Kaya lunukin na 'yang pride na 'yan.''


😌😌😌

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon